Part 1.3

115 8 0
                                    

Matapos ng nangyari ay nakita kong si Yuan lang ang hindi pumasok sa klase, habang wala namang imik sa mga upuan nila sina Tomy, Min, at Sky. After class ay binisita namin si John sa ospital.

"Kamusta na ang mga sugat mo?" Tanong ko kay John.

"heto, medyo masakit pa din, pero nakakaya ko na naman dahil sa mga gamot na ipinapainom nila sa 'kin." Sagot niya.

"hindi ka sana mapupuruhan ng ganyan kung hindi dahil kay Yuan." sabi ni Sky na halatang masama ang loob.

"Tol, wag na nating sisihin yung tao, hindi naman siguro niya sinasadya yung nangyari eh." sabi ni Min.

"Sige Min, ipagtanggol mo siya." Pasamang loob na sagot ni Sky.

"hindi naman sa ganun Sky." Mahinahong sabi ni Min.

"Alam niyo mga tol, ngayon ko lang naisip.. parang may kakaiba kay Yuan kahapon? Kung papansinin niyo siya kung pano siya makipaglaban, parang bihasa na siya? yung bilis niya.. yung kakaibang lakas niya.. para siyang hindi pangkaraniwang tao? parang... parang may pagkataong lobo?? " kalmadong pagsasalaysay ni Tomy.

"Tomy, ayan ka na naman sa mga taong lobo na yan eh? hindi ka pa ba makamove-on sa mga kwento-kwento sa inyo??" sabi ni John.

"pero maaaring tama ang obserbasyon ko!" pagpupumilit ni Tomy.

"eh pano kung mali ka?? Isasabit ka namin sa Flag pole ng school!" paghahamon ni John.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo nina John at Tomy ay medyo nagulat ako nang mapansin ko sa may labas ng bintana si Yuan habang palihim niya kaming pinagmamasdan. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay agad siyang umalis, medyo nagpatay malisya naman ako, at hindi ko sinabi kina Sky na nakita ko si Yuan sa labas.

"tama na nga kayo sa usapang taong lobo na yan!" saway ko kina John at Tomy . "Ikaw John, wag ka ng makipagtalo dito kay Tomy at baka mastress ka lang, lalo pang hindi gumaling yang mga sugat mo." Sabi ko naman kay John.

"Tama si Blue, wag mong hayaang mastress ka, dapat magpahinga ka nalang para gumaling ka agad." Pagsang-ayon sa 'kin ni Sky.

Matapos ang ilang sandali naming pagdalaw kay John ay umalis na din kami. Pinauna ko ng umuwi sina Sky, samantalang nagpaiwan ako at hinanap ko si Yuan. Nang makita ko si Yuan ay agad kong napansin na tulad ni John ay medyo masama din ang lagay niya. Kakausapin ko sana siya pero iniwasan niya ko, at lumakad siya palayo, sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa tinitirhan niya, at saktong bigla nalang siyang natumba kaya agad ko siyang nilapitan para tulungan. Hindi agad ako umalis, binantayan ko siya hanggang sa muli siyang magkamalay, at nang magising naman siya ay pinakain ko siya at inalagaan. Tsaka lang ako umuwi nung makita kong okay na siya.

"Pwede mo na kong iwan, medyo okay na ko, baka hinahanap ka na din sa inyo?" sabi sa 'kin ni Yuan.

"sigurado ka bang okay ka na?" tanong ko sa kanya.

"wag kang mag-alala, hindi ko 'to ikamamatay. Salamat ha?" Biro niya.

"sige, alis na ko." paalam ko.

Ayoko na sana siyang pabangonin pa sa kama, pero nagpumilit siyang ihatid ako sa labasan. Nang nasa labasan na kami ay hindi namin inaasahang maaabutan kaming magkasama ni Sky.


~Yuan's POV~


Hinatid ko si Blue sa labasan, ngunit hindi ko inaasahang makikita ko sa labas ng gate si Sky. Tila masama ang tingin ni Sky sa 'kin, lalo na nung makita niya kaming magkasama ni Blue.

"Blue, bakit kayo magkasama?" tanong ni Sky kay Blue habang nakatingin siya sa 'kin.

"Ah.. binisita ko lang si Yuan, pauwi na din ako." Sagot ni Blue.

"ah ganun ba? sige, ingat ka pag-uwi, may kinakailangan lang kaming pag-usapan." Sabi ni Sky.

"Sige." Sagot niya kay Sky sabay tingin sa 'kin.

Sa pag-alis ni Blue ay bigla akong hinawakan ni Sky sa damit, at kinompronta.

"nasa ospital ngayon si John nang dahil sayo! Alam mo ba yun?!" medyo pagalit na sabi ni Sky.

"Sky hindi ko sinasadya yung nangyari, kahit ako ay nagulat din sa nagawa ko." sabi ko.

"bago ko pa tuluyang pagsisihan na tinanggap ka namin sa grupo, masbuting ikaw na ang magkusang lumayo sa 'min, dahil hindi ko na hahayaang may mapahamak pa sa mga kaibigan ko nang dahil SAYO!" sabay bitaw niya sa damit ko tsaka umalis.

Wala akong nagawa para pahupain ang galit ni Sky sa 'kin, dahil kahit ako ay guilty din sa nangyari.


~Author's POV~


Sa nangyaring labanan sa pagitan ng mga taong nakamaskara at sa grupo nina Yuan ay agad yung nakarating sa mismong pinuno ng mga taong nakamaskara.

Pinuno: pano nangyaring napatumba niya kayong lahat?! Kung tutuusin ay masmalakas kayo kesa sa kanya!

Tauhan: yun na nga po amo eh, hindi din po namin alam kung pano siya naging ganung kalakas para mapatumba niya kami sa laban.

Pinuno: Kung ganun, panahon na siguro para ako na mismo ang humarap sa kanya.


~Blue's POV~


Hindi pa rin pumasok si Yuan sa mga sumunod na araw, kaya naman naisip kong puntahan siya after class. Sa paglalakad ko patungo sa bahay ni Yuan ay hindi ko inaasahan nang bigla akong kidnapinin ng mga lalaking naka maskara at dalhin sa lumang budega kung saan nila dinala noon sina Yuan.

"sino ba kayo?! Anong kailangan niyo sa 'kin?!" medyo marahas kong tanong.

"wag kang maingay kung ayaw mong masaktan!" banta naman sa 'kin nung lalaki.

Kinontact ng mga kidnappers si Yuan para papuntahin siya. Hindi naman sila nabigo, dahil agad itong dumating gaya ng inaasahan nila. Pinagkaisahan nilang sugudin si Yuan, kaya naman palihim akong humingi ng tulong kina Sky.


~Yuan's POV~


Nang malaman kong hawak nila si Blue ay hindi na ako nagdalwang-isip na sumugod mag-isa. Pagdating ko ay agad nila akong sinugod at pinagtulungan, dahilan para lumaban ako. Nasa kalagitnaan ako ng pakikipaglaban nang dumating sina Sky para tulungan ako. Maiiligtas ko na sana si Blue sa pamamagitan ng pagpapalabas ko sa kakayahan ko, ngunit hindi ko din yun naituloy nang bigla kong maisip yung huling nangyari nung sinubukan kong gamitin yun.

Pano kung si Blue naman ang mapahamak? Hindi, hindi ko maaaring gamitin ang kapangyarihan ko.

Hindi ko inaasahang masasalisihan ako ng kalaban, napuruhan nila ako sa parteng ulo dahilan para mawalan ako ng malay.


~Sky's POV~


Matapos naming mapatakbo ang mga kalaban, at mailigtas si Blue ay tila medyo huli na nang mapansin kong nawawala si Yuan.

"Teka, si Yuan?? Nasan si Yuan?" tanong ko.

"nawawala si Yuan!" sagot ni Blue.

Sinubukan naming hanapin siya sa paligid, pero hindi namin siya natagpuan.

EXO Thriller [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon