Nang ramdam na nilang nakalayo na sila sa bahay ay sandali silang tumigil sa pagtakbo, sa pagtigil nila ay agad silang nakaramdam ng pagkahingal.
"grabe! ano yun?! nakita niyo ba yun?? sobrang nakakatakot yung itsura niya! para siyang..... para siyang...... taong aso! ay hindi, taong lobo! Oo tama! Taong lobo nga!!" sabi ni Josh habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo.
"guys.. baka gimik niyo na naman 'to ha? Hindi ko na kayo mapapatawad kapag ginugoodtime niyo na naman ako!" sabi ni Nico na may halong pagdududa.
"ano ka ba naman Nico? Ngayon mo pa talaga kami pinagdudahan?" sabi ni Dion.
"Nico sa maniwala ka man o hindi, hindi na 'to gimik, totoo na 'to!" sabi naman ni Rojo.
"Ano ng gagawin natin mga tol? Mukhang naliligaw pa ata tayo?" tanong ni Lorenz.
Nang mapansin ni Dion na wala si James ay nun lang din nahalata ng iba na hindi nila kasama si James.
"teka, si James? Nasan si James??" medyo paalalang tanong ni Dion.
"ang alam ko kasunod ko lang siya kanina eh." sagot ni Lorenz
"ano?! Nawawala si James! Baka kinain na yun nung babaeng aso!" papanic na sabi ni Josh.
"tumigil ka nga dyan Josh! Hindi nakakatulong yang pagpapanic mo!" saway ni Rojo.
"Haiyst! Gulong-gulo na ko! Mababaliw na talaga ko! haiyst! Mga tol, siguraduhin niyo lang talagang hindi niyo gimik 'to ah! Haiyst!" papanic din na sabi ni Nico.
"isa ka pa Nico! Hindi din nakakatulong yang pagdududa mo sa 'min eh!" sabay baling niya sa lahat "guys, makinig kayo sa 'kin, kailangan nating iisang tabi ang takot natin para mahanap natin si James! Kailangan niya tayo guys!" pageencourage ni Rojo sa mga barkada.
"pero pano?? Anong balak mo Rojo?" tanong ni Dion.
"kahit anong mangyari, kailangan nating mahanap si James, hindi tayo aalis nang hindi natin siya kasama!" seryosong paliwanag ni Rojo.
Tulad ng napag-usapan ay sama-sama nilang hinanap si James, ngunit sa kanilang paghahanap ay isang malaking aso ang nakita nila na may nakakatakot at nanlilisik na mata na nakatingin sa kanila. Sa takot nila ay dahan-dahan silang humakbang paatras habang dahan-dahan ding humahakbang palapit sa kanila yung malaking aso.
"guys.. pagkabilang ko ng tatlo, tumakbo agad kayo ha?" medyo pabulong na sabi ni Rojo. "Okay? 1.... 2............................."
"TAKBO!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Josh.
Nagpatiunang tumakbo si Josh at kasunod niyang nagsitakbuhan na din sina Rojo. Habang tumatakbo at palingon-lingon sa kanyang likuran ay hindi napansin ni Lorenz ang malaking puno sa kanyang unahan, kaya naman napabangga siya sa punong yun at naiwan siya sa takbuhan, dahilan na din para maabutan siya nung mabangis na nilalang.
"MGA TOL!!!!! TULONG!!!!!!!!!!" sigaw niya.
Nang marinig nina Josh at Rojo ang sigaw ni Lorenz ay agad nila itong binalikan para tulungan, ngunit pagdating nila sa kinaroroon ni Lorenz ay nakita nilang kain-kain na ito nung halimaw.
"Lorenz!!!!!!" sigaw ni Josh.
Masakit sa kanila ang nasaksihang pagkamatay ng kaibigan, ngunit masminabuti nilang hayaan na ito para sa iligtas ang kanilang mga sarili. Nang makakita sila ng maliit na bahay sa kagubatan ay agad silang nagbaka sakali na humingi ng tulong, agad din naman silang pinagbuksan at pinapasok ng may-ari ng bahay, at dun nila nakilala ang mangangaso na si Jake na siyang nakatira sa bahay na yun.
BINABASA MO ANG
EXO Thriller [COMPLETED]
WerewolfWerewolves, or wolf-men, have been fabled and dreaded monsters in numerous cultures throughout the world for centuries. The term "were" is from the old english word "wer" meaning man. They are said to be half humans and half animals, and are men who...