Pagkalabas ng sinehan nina Nico...
"...Ang astig nung movie diba mga tol!? Grabe yung mga fight scenes! Sayang lang at hindi nagkatuluyan yung mga bida, tsk!" sabi ni Nico na may kasama pang pagpitik ng mga daliri.
"oo nga eh, sayang pero wala tayong magagawa, yun ang nakasulat sa script nila eh. Next time panoorin naman natin yung twilight, mas astig yun!" sabi ni James.
"ah oo, maganda nga yun! nabasa ko na yung libro nun eh." sabi naman ni Rojo.
"puro nalang kayo about sa werewolves and vampires? Magzombies naman tayo! Para cannibalism tapos patay na kumakain ng buhay. Oh diba? Mascreepy yun!" suggest naman ni Lorenz.
"iba pa rin talaga kapag mga ghost stories! yung tipong may biglang bubulaga sa harapan mo! tapos makikita mong duguan ang mukha, o kaya katawang walang ulo! Awoooo!" sabi ni Dion sabay baling niya kay Josh, na medyo napapanlaw na sa mga usapan nila.
"Ano ka ba naman Dion! Wag ka nga! Alam mo namang multo ang pinaka ayoko sa lahat eh!" angal ni Josh.
"Ano ka ba naman Josh? Inatake ka na naman ng pagkaduwag mo!" sabi ni James.
"mga tol! Chillax lang kayo! Mapapanood naman natin lahat ng mga sinasuggest niyo eh." Awat naman ni Nico.
Sina Nico, James, Rojo, Lorenz, Dion, at Josh ang barkadang pinagsama-sama ng Horror, dahil sa sobrang hilig nilang manood at magbasa nito (pero mga takot naman).
Dalwang araw bago ang birthday ng pinakatahimik sa barkada (sa kabaliktaran) na si Nico. Habang hindi pa dumadating si Nico sa tambayan ay nagkaron ng secret meeting ang ilan sa magbabarkada.
"mga tol, birthday na ni Nico sa makalwa, any suggestions para sa surprise party natin sa kanya??" tanong ni Rojo.
"Ako! May idea ako!" taas kamay na sigaw ni Josh. "ano kaya kung magpanggap tayong mga kidnappers tapos kunwari kikidnapin natin siya tapos tsaka natin siya isusurpresa?" Suggestion ni Josh.
"eh diba nagawa na natin yun nung birthday nitong si Dion? Nakakatawa pa nga yung naging reaksyon niya eh. Hahaha!" tukso ni Lorenz kay Dion.
"wag mo na nga ipaalala yun Lorenz!" medyo painis namang sabi ni Dion.
"Ako, may naisip ako!" sunod na taas kamay ni James.
Binulong ni James sa barkada ang idea niya at agad naman yung sinang-ayunan ng lahat.
"maganda yung idea mo James, pero hindi kaya mapahamak nun si Nico kung gagawin natin yun??" tanong ni Rojo.
"hindi yun! masmagiging exciting pa nga yun eh, dahil sa lahat ng gimik natin ay unang beses nating gagawin yun, at 100% sure ako na masusurprise talaga natin si Nico dun. Ano? Call ba kayo??" sabi niya.
"Call!" sagot ng lahat maliban kay Josh.
"hoy Josh! ano? Wag mong sabihing natatakot ka na agad eh hindi pa tayo nagsisimula?" sita ni Lorenz kay Josh.
"kayo nalang kaya? Parang ayokong sumama eh." sagot ni Josh.
"anong kami nalang? Batukan kaya kita dyan? Sumama ka!" banta ni Dion.
"sige ka, kapag hindi ka sumama, hindi ka na namin kabati!" dagdag ni Rojo.
"oo na! Sige na! Sasama na nga, hay naku!" pilit na sagot ni Josh.
Tapos na sila sa secret meeting nila nang saktong dumating si Nico.
"Hey yo! What's up! Did I miss something? Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Nico sa barkada.
"ah.. wala, pinag-uusapan lang namin yung tungkol sa librong binabasa nitong si Dion. Diba?" palusot ni Rojo sabay tingin kay Dion.
"ha? Ah.. oo! Bumili kasi ako ng bagong horror book kahapon eh. hayaan niyo, kapag tapos ko na siyang basahin, papahiramin ko kayo." Sagot naman ni Dion.
"talaga? About saan? Zombies ba? bampira? multo? O mga lamang-lupa??" tanong ni Nico.
"Hindi, about yun sa taong maingay na kinain ng halimaw." Sagot ni Dion.
"huh? May ganung story ba? haha! Parang comedy naman ata yun eh at hindi horror! Pero sige, pahiram ako kapag tapos mo ng basahin." Sabi ni Nico.
"sige." Yun nalang ang naisagot ni Dion.
BINABASA MO ANG
EXO Thriller [COMPLETED]
WerewolfWerewolves, or wolf-men, have been fabled and dreaded monsters in numerous cultures throughout the world for centuries. The term "were" is from the old english word "wer" meaning man. They are said to be half humans and half animals, and are men who...