"tao po?! May tao ba dyan?! Tulungan niyo ko! Pagbuksan niyo ko! pakiusap! Tao po?! Tao po!!" sabi niya habang wala siyang tigil sa pagkatok.
Sandaling natigilan si Nico at dahan-dahang napalingon nang bigla siyang may masense na nakakakilabot. Sa paglingon niya, dahil na din sa sobrang dilim ng kagubatan ng mga oras na yun, at wala siyang ibang ilaw kundi yung nanggagaling sa bwan ay hindi niya gaanong maaninag yung imaheng nakikita niya sa di kalayuan, kaya naman medyo humakbang siya paunahan. Nang maaninag na niya ang imahe ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang isa itong parang malaking aso na nakatayo at nakatingin sa kanya. Lalo pa siyang kinilabutan nang makita niya itong unti-unting lumalakad papalapit sa kanya, dahilan para mapilitan siyang sirain na ng pinto ng bahay.
"Aahh! Buksan niyo 'to! Ayoko pang mamatay! Utang na loob kung may tao man diyan!!" Mangiyak-ngiyak na niyang daing.
Nang mabuksan niya ang pinto ng bahay ay hindi niya inaasahan ang surpresang naghihintay sa kanya.
"HAPPY BIRTHDAY NICO!!!!!!!!!!!!!" masayang bati nina Rojo.
Tila hindi na alam ni Nico kung pano pa siya magrereact sa surpresang ginawa sa kanya ng mga kaibigan, kaya naman bigla siyang natulala at napaupo sa sahig na parang nagmental breakdown. Nilapitan naman siya nung lima nina Rojo para itayo, at ibalik siya sa wisyo niya.
"Hoy Nico, okay ka lang?" tanong ni Rojo.
"Nico!" tawag ni Dion habang inaalog-alog niya si Nico.
Nang makabalik na si Nico sa wisyo niya.
"Nasan ako? Anong lugar 'to? Sino kayo?" tanong ni Nico na parang nagkaamnesia.
"hala? Napasobra ata tayo sa gimik natin? Kawawang Nico, nabaliw na ata??" sabi ni Josh.
Nang marinig yun ni Nico, sa bilis ng kamay niya ay nasapok agad niya si Josh.
"Aray! Ang sakit nun ha!" angal ni Josh habang nakahawak sa ulo matapos masapok ni Nico.
"patunay ko lang yan na hindi pa ko baliw!" sagot ni Nico kay Josh sabay bumaling siya sa lahat. "mga walang hiya kayo? Gimik niyo lang pala yun?? Bakit niyo naman ginawa sa 'kin yun mga tol?? Grabe naman! Papatayin niyo ba ko sa takot?!" reklamo niya.
"Ano ka ba Nico? ayos lang yun! ayaw mo nun? Nagkaron ng thrill yung birthday mo?" sagot ni Rojo.
"oo, nagkaron nga ng thrill! Eh halos mamatay naman ako sa takot!" sabi ni Nico.
"Anu Nico, ayos ba yung acting namin? pwede na ba pang horror movie? Si James ang may idea nito eh." sabi naman ni Lorenz.
"Teka, nasan nga pala si James??" tanong ni Josh.
"nandito ko." sagot ni James na bigla namang sumulpot sa likod ni Nico, dahilan para magulat silang lahat.
"AAAAAHHHHH!!" sigaw nilang lima.
Magsisitakbuhan pa sana sila pero agad ding narealize ni Rojo na si James yun na nakasout ng costume.
"guys! Teka lang, si James yan!" sabi ni Rojo.
Nang tanggalin ni James yung costume niya. "mga tol! Chillax lang kayo! Ako lang 'to oh!" pagpapakalma ni James sa lahat.
Muli silang naglapitan sa kanya.
"walangya ka James ikaw lang pala yan?? akala ko tunay na halimaw na yung humahabol sa 'kin kanina! Grabe!" sabi ni Nico with exagerated hand gestures pa.
"Ayos ba? alam mo, nagtatawa na nga ako kanina habang pinagmamasdan ka eh." medyo pangiting sabi ni James kay Nico.
"Haiyst.. alam niyo ang sama niyo! Ang sama sama niyo grabe! Haiyst!" medyo pasamang loob na sabi ni Nico.
"Nico, wag ka ng magalit." Panunuyo ni Rojo kay Nico.
"Haiyst... hindi ko talaga inasahang makakaisip kayo ng ganitong gimik, pero sana lang wag niyo na 'tong uulitin ha?? UTANG NA LOOB. Buti nalang talaga at wala akong sakit sa puso, dahil kung hindi, malamang, kanina pa ko inatake! Haiyst.." mix emotion na sabi ni Nico.
"Ganyan-ganyan din yung naramdaman ko dun sa ginawa niyong gimik sa 'kin nung birthday ko." Sabi ni Dion.
"tama na nga yan, move on na tayo sa party! Baka lumamig pa yung mga pagkain eh." akit naman ni Rojo.
Sinimulan nila ang birthday party ni Nico sa pagkanta nila ng happy birthday, then making a wish, and blowing the candle. Buong gabi silang nagsaya; sayawan, kantahan, at kwentuhan, ngunit sa pagsasaya nila ay wala silang kaalam-alam na may nabulabog silang hindi pangkaraniwang nilalang na tahimik na naninirahan sa kagubatan. Sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog ng barkada ay bigla silang nagising sa isang malakas na kalabog, unang bumangon si Nico.
"Guys. Guys! Gising!" sabi ni Nico habang isa-isang ginigising ang barkada.
"Anong ingay yun?" tanong ni Dion habang nagkukusot ng mata.
"parang galing sa kusina?" sagot ni Rojo.
"ano yun? baka multo na yun ah?" sabi ni Josh sabay kapit kay Lorenz.
"Josh, nakakahalata na ko ah? Bading ka ba? lagi ka nalang sa 'kin nakakapit eh." sabi ni Lorenz kay Josh.
"tumigil ka nga dyan Lorenz! natatakot na nga ako eh, kung anu-ano pa iniisip mo dyan." Sagot ni Josh.
Tumayo si James at dahan-dahang naglakad papunta sa kusina, nagsisunudan din naman sa kanya yung lima nina Nico. Sa pagsilip nila sa kusina ay medyo nagtaka sila nang makakita sila ng babae sa isang sulok na tila kumakanta pa.
"Happy birthday to you..
Happy birthday to you..
Happy birthday, happy birthday.........." Sandaling itinigil ng babae ang kanta.
Dahan-dahan namang lumakad papalapit sa babae si James, sinubukan siyang pigilan nina Rojo, pero lumapit pa din siya.
"uhm...... miss??" mahinahon niyang tawag sa babae, ngunit hindi ito lumingon sa kanya.
Sunod ay dahan-dahang inireach-out ni James ang kamay niya sa likod ng babae para sana kuhitin ito at makuha ang atensyon nito, pero hindi pa man naaabot ng kamay niya yung likuran nung babae nang bigla itong humarap sa kanya.
"...Happy birthday to you!"
Lahat sila aynagulat, napasigaw at agad nagsitakbuhan nang makita nila ang nakakatakot naanyo ng babae. Sa sobrang takot ay nagtakbuhan silang anim palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
EXO Thriller [COMPLETED]
مستذئبWerewolves, or wolf-men, have been fabled and dreaded monsters in numerous cultures throughout the world for centuries. The term "were" is from the old english word "wer" meaning man. They are said to be half humans and half animals, and are men who...