Part 1.2

196 9 0
                                    

~Blue's POV~


"...the end!" pagtatapos ni Tomy sa kwento niya.

"Oh? Eh ano ng nangyari dun sa nakagat??" tanong ko kay Tomy.

"ewan ko, nawala nalang daw bigla eh. Pero ang kwento-kwento.. yung nakagat daw ng pinuno ng mga taong lobo ay naging isang mabangis na nilalang na nagpapalit-anyo tuwing saasapit ang gabi, at nagpapagala-gala daw ito sa kagubatan." dagdag na kwento ni Tomy na may kasamang konting paninindak.

"Blue, wag ka ngang magpapaniwala sa mga kwento niyang si Tomy, tinatakot ka lang niyan. Wala namang katotohanan yun eh. Hindi totoong may taong lobo, fictional lang yun!" Kontra ni John.

"Pero tol, totoong nangyari yung kwento ko, yun kasi madalas usap-usapan sa lugar namin eh. Tol, may taong lobo talaga!" pagpupumilit ni Tomy.

"sige Tomy, sabihin na nating may taong lobo nga, pero may masbabangis pa ba sa kaibigan nating si Sky??" biro ni John.

"oh teka, narinig ko na naman ang pangalan ko ha?" sabi ni Sky nang mabasag ang katahimikan niya sa upuan niya.

"Sky, niloloko ka ni John! Muka ka daw taong lob....."

Hindi gaanong narinig ni Sky yung sinabi ni Tomy, dahil agad tinakpan ni John ang bibig nito.

"Ano!?" tanong ni Sky.

"Ah wala! Sabi ko gwapo ka!" palusot ni John.

Medyo natawa ako habang pinagmamasdan ko si John na hinahampas-hampas si Tomy.

"magkaron ka nga naman ng ganyan kakulit na mga kaibigan." Pangiti kong sabi kay Min sabay iling.

"hindi ka pa ba nasanay sa kanila?" sagot ni Min sa 'kin sabay ngiti.

Laking pasasalamat ko na napasama ako sa barkada nila, dahil simula nung makilala ko sila ay hindi na ko naging loner at madalas na din akong tumawa.

Matapos ang klase namin ay dumeretso ako sa rooftop kung saan madalas akong tumatambay kapag ayoko pang umuwi o di kaya nama'y kapag gusto kong mapag-isa. Habang nakatambay ako sa rooftop ay pinagmamasdan ko din ang magandang view mula sa pinakamataas na pwesto ko. Nang biglang sumagi sa isip ko yung kwento ni Tomy tungkol sa mga taong lobo...

Posible kayang may mga ganung nilalang pa ang nabubuhay sa panahon ngayon??... Siguro nga, hindi totoo yun. Oo, posibleng may mga taong kasing galing, kasing bilis, at kasing lakas ng taong lobo, pero yung sasabihing.. tao na nag-aanyong lobo kapag sumasapit ang gabi?? Bata lang siguro ang maniniwala dun.

Nang bigla kong maalala yung lalaking tumulong sa 'kin nung mabiktima ako ng hold-up.


(Flashback...1 month ago)


Naglalakad ako mag-isa pauwi nang biglang may isang lalaki ang lumapit sa 'kin at tinutukan ako ng kutsilyo, wala akong nagawa kundi ang ibigay ang bag ko. Nang makuha na ng magnanakaw ang bag ko ay agad na itong umalis, ngunit hindi pa man siya nakakalayo nang harangin siya ng isa pang di kilalang lalaki na naka-hood, at nagsuntukan sila sa harapan ko. Nung una ay hindi ko gaanong kita ang mukha nung lalaking naka-hood, pero ikinagulat ko nang hindi ko inaasahang makita ang mata niya na halatang hindi mata ng ordinaryong tao, dahil kulay asul ito at medyo nanlilisik. Medyo nakaramdam ako ng takot kaya naman para akong istatwa sa pagkakatayo ko. Matapos mapatumba nung lalaking naka-hood yung magnanakaw, initsa lang niya sa 'kin yung bag ko at agad na din siyang umalis. Sa bilis niyang mawala ay hindi na din ako nakapagpasalamat sa kanya.

EXO Thriller [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon