Apat na araw ko ng hindi pinapansin si Ashty at ang pinsan ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nangyari pala sakanila yon. I mean parehas kaming conservative ng bestfriend ko, parehas pa nga kami ng mantra sa buhay na 'Marriage first'. Nawala lang ako ng mahigit isang taon lumandi na agad tong bestfriend ko. Bwiset.
One year ang tanda saakin ni Ashtouir at isang taong lang din ang pagitan nila ng pinsan kong gago.
“Pinsan” Napatigil ako sa pag mo-moment at lumingon kay Conrad who is leaning on the wall.
Tinaasan ko siya ng kilay “Bakit?”
“Bakit ka ba nagmamaldita sa akin at sa bestfriend mo?” he hissed.
I scoff “Pake mo ba?” halatang nainis siya sa naging sagot ko. So what? Ang gago talaga ng mukha niya e. Kainis.
He walk near me “Alam mo bang apektado masyado siya sa hindi pag pansin mo? Please naman pinapahirapan mo siya e. Eni expect niyang---”
“You can't blame me Conrad” putol ko sa sasabihin niya “Anong gusto mong maging reaksyon ko sa nalaman ko? Maglulupasay sa tuwa?” I know I may sound sarcastic pero.... Urgh. Apektado talaga ako e. And yes, I'm dissapointed.
Napatingin ako sa pinsan ko. Huminga siya ng malalim “Please tulungan mo siyang mag explain sa kuya niya” natulala nalang ako sa harapan niya, this is the first time I saw him begging for something.
“Bakit hindi kayo ang mag explain?”
“Ganyan ba katindi ang galit mo sa amin ng bestfriend mo?” Galit na siya.
Hindi naman ako galit pero why? Why me? Baka nga masapak pa ako ng kuya niya e. Napakamot nalang ako sa noo ko sa sobrang frustration.
“Lumabas ka na. Matutulog na ako”
“Pins----”
“Umalis ka na. Pag iisipan ko pa”
Nakahinga naman siya ng maluwag at tumango bago lumabas ng kwarto ko.
Humiga ako at tumitig sa bintana. I dont know what will happen pag pumayag akong samahan ang bestfriend kong mag explain sa kuya niya. Until now mystery parin sa akin kung ano talaga ang ugali ng kuya niya. 4 years old palang ako magkaibigan na kami ni Ashtouir at sa more than 10 years namin pagkakaibigan, once ko palang nakita ang kuya niya and I can say na maldito siya. Introvert. Noong time na nakita ko siya, sinamahan ko si Ashty na bumili ng creamstick non then nakita ko siya across the road na naglalaro ng gameboy na parang walang pake sa paligid niya.
Urgh. Bigla akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Zeera Four Scarlette
ChickLitWhen I lost you, I remember my throat turn to sandpaper...