“So nagpasama ka pa ng kakampi?”
sarap talaga barilin ang ngala-ngala ng kuya ni Ashty e.“Lets talk Fatima, Tayo. Lang. Dalawa” Sabi niya ng may diin na parang pinaparinig niya na hindi ako kasali sa usapang yon. You are already talking dumbass! Edi mag-usap kayo! Napilit lang naman ako dito eh. But I chose not to baka sakalin pa niya ako to death pag sinagot ko siya.
Napatingin ako kay Ashty na nakatingin saakin with those misty ayes. My poor bestfriend. Tumango ako sakanya. Kailangan niya tong harapin,mag-isa. Kung ano man ang sasabihin ng kuya niya,masakit man o hindi wala na siyang magagawa doon. Partly its their fault,Ashty and my cousin. Wag na wag niyang irrason saakin na ‘kasi nagmamahalan kami’ That's half bullshit and half moronic!
I was about to turn my back at them ng narinig kong nagsalita ang gagong bwiset na kapatid ng bestfriend ko.
“Sa kusina ka” lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Inuutusan niya ba ako?
“What? Im just being nice here! Ang putla mo e parang kinulong ka sa tore ng sampung taon sa kulay mo” seriously? Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko.
“Pake mo ba?” I shot back. Ewan ko ba pero nawawala ang composure at hiya ko sakanya. Strange. Usually kasi pag ibang tao tatahimik lang ako at susunod agad pero siya? Naiinis ako sa bawat command niya. He thinks that he's all mighty and all.
Hinawakan niya ang tenga niya at ngumisi saakin. O--kay? That was first,dapat na ba akong kabahan sa ngisi niya? No. Hindi nakakakaba kundi mas nakakainis. Urgh. Umalis na ako sa harap nila at pumunta sa kusina . Feeling ko doon sila mag-uusap sa sala nila e. I put my headset on. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang mag eavesdrop, I really highly respect someone's privacy. Kabisado ko naman ang daan papunta sa kusina nila kasi ilang beses na ako naka sleep over dito. So feel at home na ako.
Bigla akong natakam ng may nakita akong fresh avocados sa ref nila. Shet! Heaven. Naghanap narin ako ng condensed milk para ihalo. After ko e-scoop at lagyan ng gatas, charaaan!all set!
Umupo na ako and took my first spoon of avocados “This. Is. Love!” I whispered.
“Sarap naman niyan”
“Ay tangina!”
BINABASA MO ANG
Zeera Four Scarlette
ChickLitWhen I lost you, I remember my throat turn to sandpaper...