“Sorry”
Napatigil ako sa pag su-scoop ng avocado dahil sa bulong niya
“Ano?” taas kilay kong tanong kahit nadinig ko naman. Gusto ko lang klaruhin.
Nandito kami ngayon sa kitchen to prepare some foods para sa kapatid niya. Ngayon ko lang na realize na alagang alaga niya masyado si Cinnamon. Swerte siguro girlfriend neto kung meron man. Napailing nalang ako sa naisip ko.
“Aish! Pangit ka na nga! Bungol ka pa!” Tingnan mo!? Tingnan mo!? Nakaka tangina rin talaga ugali nitong lalake na ito.
“Kasalanan ko ba na ang pwet mo lang ang nakakarinig sa sinasabi mo?” I shot back habang tinuturo ko siya ng hawak kong kutsara.
Actually mahina talaga ang boses niya pero buo. Ganon na siguro talaga boses niya or malakas lang talaga boses ko kumpara sakanya?
Ngumisi na naman siya. Here we go again “Ngayon pwet ko pinag nanasaan mo?”
That left me speechless. Feeling ko lahat ng dugo ko napunta sa mukha ko. Did he just said that? Did he just fuckin' said that? Ako na ang nahiya sakanya.
Titig na titig siya sa akin after saying that. Nakikita ko ang pagtataka sa mukha niya. Siguro dahil hindi ako nakapagsalita agad. Or....
He laughed. Pinagtawanan niya ako maybe because he assumed that his conclusion were right. But hell no! Nahihiya lang ako sa sinabi niya like hello! Dalawa lang kami dito sa kusina tapos ganon pa sinabi niya. Very unwholesome and disgusting.
After collecting my composure inirapan ko siya at bumalik sa pag su-scoop ng avocado ko habang siya ay tumatawa parin.
“Bahala ka jan” Sabi ko nalang.
“Sus nahihiya ka lang e”
Napatingin ako sakanya pero binalik din sa trabaho ko. Those eyes.
Siguro napansin niyang nahihiya na masyado ako sa topic and choose to keep his mouth shut.After 20 min tapos na kami sa ginagawa naming foods. Home made fries, avocado, and strawberry sandwhich.
“Puntahan mo na ang kapatid ko. Ako nalang mag aakyat nito” He said.
Tumango nalang ako. Napahinga ako ng malalim. Goodness, Pictures are flashing in my mind right now.
“And before that I just wanna say something Zee” Nahigit ko ang hininga ko because of him calling my n-name. Heaven to my ears. Huh? What the F are you saying Zee?
“Actually question” dagdag niya habang hindi nakatingin saakin, nakatingin lang siya sa pinapa-init niyang tubig. Kabado ba siya? or nahihiya? or what?
I curled my toes to ease my nervousness. I think I know what his question is.
Finally he looked at me straight in the eyes “You feel something right?” Pinatay niya ang stove at pinagpatuloy niya “Ang connection”
I knew it
BINABASA MO ANG
Zeera Four Scarlette
ChickLitWhen I lost you, I remember my throat turn to sandpaper...