KABANATA SYETE

1 0 0
                                    

“Zee wala pa nag txt sayo si Fatima?” pang ilang tanong na ba ito ng pinsan ko? Naririndi na ako e.

“Hayaan mo muna ang bestfriend ko okay? Kung di ka matahimik puntahan mo sa bahay nila!” Pagtataray ko.

Tatlong araw na hindi nagpapakita o nagpaparamdam ang ma drama kong bestfriend. Oh well, concern naman ako sakanya pero look at the bright side, satingin ko naman inaayos niya ang problema.

“Tingnan mo! Kanina sabi mo wag ko pupuntahan when I said I'll visit her kasi baka her brother will go berserk tapos ngayon?” My cousin exaggeratedly said “Wala ka klaro” Iiling iling na sabi niya. My poor hopeless cousin. Karma na niya yan dati.

“Antayin nalang nat----” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang nag ring ang phone ko. Pagtingin ko,unknown number. Bigla akong nataranta.

Ito ang ayaw ko sa sarili ko,pag may tumatawag natataranta ako lalo na pag unknown number. Nag ring naman ulit. Shit.

Sasagutin? o hindi?

“Di mo sasagutin?” Sumilip ang pinsan ko sa cellphone na hawak ko. Umiling ako at inabot sakanya ang cellphone ko “Oh aanhin ko ito?”

Minsan bobo itong lalake na ito e “Titigan mo magdamag” I sarcastically said.

Inirapan niya ako bago sinagot ang tawag. Umupo ako ng maayos.

Hello” Kumunot ang noo ng pinsan ko at tumingin saakin. Sinenyasan ko siyang e loudspeak ang phone pero syempre ano pa ba ang aasahan ko? E sa bobo tong pinsan ko kaya tinititigan niya lang ako.

Ah okay. Sino ba ito?” Tangina sabing e loudspeak e na cu curious tuloy ako ng bongga.

Tumikhim ang gago at inabot saakin ang cellphone. Nataranta naman ako “Kunin mo, ikaw ang hinahanap saka chill ka lang, kilala mo siya” Seryosong sabi niya. Hindi ko sana kukunin pero tinapon saakin. Bwesit.

I cleared my throat. No choice.

Itinapat ko ang cellphone sa tenga ko “Hello po?”

Hello Goodevening maam, what's your order maam?” Sagot ng sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko at tinitigan ang cellphone ko. sabi ng pinsan ko kilala ko pero hindi naman ata.

Sorry sir but as far as I remember I didn't call for an order” Sabi ko bago binabaan ng tawag.

Nakahinga ako ng maluwag. Nakakatakot ang boses. Ang buo. Parang nilalamon ang boses ko.

Ilalagay ko na sana ang phone ko sa side table ng nag ring ulit ito. Same number. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko pero.....

Hello? Hindi po ak---”

May narinig akong tumawa sa kabilang linya. Hala baliw ata to. Papatayin ko na sana ng..

Si Ash to

Zeera Four ScarletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon