“Si Ash to”
Loading
.
.
.
.
.
“Sinong Ash?” Tanong ko. Marami akong kilalang Ash e. May Ashley,Ashleah, Ashton.Huminga ng malalim ang nasa kabilang linya na parang nagtitimpi. Bakit ba?
[Kuya ng bestfriend mo.]Wait... What?
“Bakit ka tumawag? May nangyari ba kay Cinnamon?Sinaktan mo siya no'? Grabe ka na ha?” I said almost shouting.[Minsan OA karin mag react no'?] sagot niya. Kung maka OA naman ito, close tayo?close tayo? Sarap sabihin sakanya.
[Confescated ang gadgets niya kaya nakiusap siya na sabihin ko daw sayo na pumunta ka dito bukas sa bahay. Okay bye.]
Hala “Uy tek----”
Tangina. Isang malutong na Tangina! Badtrip siya ha? Pinatayan ba naman ako?
“Bwiset” Itatapon ko na sana ang phone nang tumawag ulit ang gagong kuya ng bestfriend ko. Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Napa roll eyes nalang ako sa harap ng phone. Manigas ka!
-------
“Oh saan ka pupunta Zee?” Tanong ni Ate Meera.
“Sa bahay nila bes ate” sabi ko habang kumukuha ng biscuit sa jar.
Ate Meera smiled. Napaka soft talaga ang mukha niya. Nakaka inggit! Haaayyy.
As soon as I finished fixing my things nagpaalam na ako kay ate Meera.
“Ate meera alis na ako!” tumango lang siya.
After more than 30 minutes nakarating na ako sa bahay nila cinnamon.
Nag doorbell ako ng tatlong beses. Prepared na sana ang smile ko pero biglang nag fade nang makita ko ang gago niyang kuya and guess what? Naka boxers lang.
“Goodness!” Bulong ko.
Ayan nanaman ang nakakainis niyang ngisi.“Oh?! Di ka makapaniwala na nasa davao si Piolo Pascual diba? Nasa harapan mo pa” Mayabang na sabi niya. Napa roll eyes nalang ako sakanya.
“Oo di ako makapaniwala na nandito si Piolo!” OA kong sabi. Todo ngisi naman ang gago sarap sapakin ulit.
“Pero sorry diba paminta ka Papa P?” nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.
“Paminta?”Tumawa ako “Alis na nga diyan! Tanong mo sa kapatid mo anong meaning ng paminta” I shoved him away. Hmp!buti nga sakanya!
Sumunod naman siya saakin “Hoy! Feel at home ka ata masyado. Mahiya ka naman!”
“Wow ha? FYI! Parati akong nandito sa bahay niyo kahit noong pinapagawa palang ito. Sadyang lakwatsero ka lang talaga at di mo ako napapansin dito” I hissed at him. Kainis! Bakla ata to e. Pumapatol ng babae. Bwiset.
Tumango tango naman siya “Ah so gusto mo pala mapansin kita dati?” Nakakaloko niyang tingin saakin.
Napapadyak naman ako sa inis. This guy is so annoying!
“Bahala ka sa iniisip mo!” Singhal ko sakanya bago tumalikod at tumakbo sa taas kung saan ang kwarto ng bestfriend ko.
Dinig ko parin ang halakhak niya habang paakyat ako. Nilingon ko siya and shot him a glare hoping that he will stop making fun of me pero syempre gago siya,nag make face lang siya habang tumatawa at syempre ayoko magpatalo nag make face din ako.
He stopped and stared at me but still he's smiling “Pangit mo” sabi niya. Natahimik naman ako habang nakatingin parin siya saakin. Actually hindi ako bothered kung naka boxers siya. Wala naman saakin as long as you know hindi bakat, yun ang awkward.
Huminga siya ng malalim parang naubusan ng hininga kanina habang tumatawa. Buti naman at tumigil na siya.
“May avocado ako sa ref” He said pointing their kitchen. Tinaasan ko siya ng kilay.
Napakamot naman siya ng tenga niya “Uhhmm. Tulungan mo akong gawan ng snacks ang kapatid ko. Ilang araw siyang walang proper na kain” Nawala naman ang kunot ng noo ko and smiled at him, this time siya naman ang tumaas ang kilay.
Bumaba ulit ako still smiling “Tara na! Basta gawan mo ako ng avocado salad, walang away na magaganap at tutulungan kita” I happily said to him.
Umiling iling siya habang patungo kami sa kusina.
“Avocado monster” He whispered pero sinadya niya paring iparinig saakin.
I just winked at him.
-------
A/N.... Kumakain kasi ako ng avocado. Feels. Azar.
Hai Kiya! Salamat sa avocado
BINABASA MO ANG
Zeera Four Scarlette
ChickLitWhen I lost you, I remember my throat turn to sandpaper...