Jonathan POV
"Jo kain na" – sigaw ni mama
"sige po ma" – tugon ko naman at tinago na ang papel na may nakasulat
"kamusta school mo anak"
"ayos naman po ma"
"mabuti kung ganon aalis pala ako mamaya maglalaba pa ako nak"
"magpahinga ka na muna ma mukang pagod ka na"
"ayos lang ako anak" – nakangiting sabi ni mama
Hindi alam ni mama ang nangyari sa school naming marahil hindi pa nya to napapanood sa TV wala kasi kami kuryente o TV man lang
"sige po ma ingat ka po haaa"
Lumipas ang 6 na oras hindi padin bumabalik si mama siguro busy pa sya nagpasya na ako na pumunta kina pat dahil hihingi ako ng pang tuition ko
Medyo may kalayuan ang bahay naming sa bahay ni Pat may kaya kasi sila sa buhay e ni minsan hindi ko rin nakilala mga magulang nya lagi ko nakakausap ang yaya nya parati
Nang makarating na ako sa bahay nya kumatok na ako pero walang sumasagot nagtataka ako kasi lagi naman sya tambay sa labas ng bahay nya at alam ko laging may tao doon
Nang mga 30 minuto na ang lumipas nagpasya na ako pumunta sa pulis station baka sakaling nandon sya nakatambay
Habang naglalakad ako papuntang station parang may sumusunod sakin pero pag lingon ko wala naman tao kaya dere deretso nalang ako
Pagdating ko sa station wala si Pat si mac daw may operation
Nagpasya nalang ako umuwi ng bahay 10pm na ako nakauwe kaso wala pa si mama siguro mamayang 12mn pa yun kasi nga busy sya
Nagpasya nalang ako matulog
"tulungan mo kami" – sabi ng umiiyak na babae
May blade sa leeg at madaming dugo
"aahhhhh!" sigaw ng babae at tuluyan ng naputol ang ulo nya
Napabaligwas ako ng bango hinihingal ako at pinagpapawisan napasin ko rin na umiiyak na ako masamang panaginip na sa tingin ko ay nangyari
Tiningnan ko ang oras pero 2am na wala padin si mama sinubukan ko matulog ulit pero hindi na ako nakatulog
