Jonathan POV
Nagdecide na ako lumabas ng bahay para hanapin si mama nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay at sa nagpapalaba sa kanya kaso hindi nila alam hindi ko alam kung nasan si mama pumunta ako sa police station para magpatulong kay mac kaso hindi pa daw sila bumabalik kaya nagstay nalang ako don para hintayin si mac
"Sir ang mga kasama naming patay na." – sabi ng pawisang kasama nila mac
"huh? Ano ibig mo sabihin" – tanong ng hepe ni mac
"Sir naambush kami ako lang po nakatakas lahat sila patay na" – dagdag pa ng pulis
Nag umpisa na lumabas ang kaba sa dibdib ko
"kamusta si mac" – tanong ko sa pulis
"hindi ko alam humiwalay sya samin" – naiiyak na sabi ng pulis
Wala na inaksaya ng oras ang mga pulis umalis na sila papunta sa sinabing lugar ng pulis
umupo sa tabi ko ang pulis may inabot sakin na CP
"ano gagawin ko dito?" tanong ko sa pulis
hindi na sya sumagot nagplay na sya ng video mga tatlong video yun
pinanood ko yung video yung umpisa normal lang biglang nagskip yung scene at nakita ko ang tita at tito ko umiiyak sila at may hawak silang baril may sinabi silang number 2 and 5 kung d ako nagkakamali at bigla nalang binaril ni tita si tito sa ulo at bumagsak to sumunod naman binaril ni tita ang sarili nya.
Halos mabitawan ko na ang Cellphone nangyari ang insidente na yun 3 years ago sinabi yun sakin ni mac na nagpamatay daw tito at tita ko
Pinunasan ko ang luha ko nagplay ng pangalawang video
At nagulat at humagulgol na ako sa nakita ko
Nakita kong pinindot ko ang button na nasa harap ni venus at napugutan ng ulo si venus
Hindi ko na tinapos ang video natulala nalang ako sa mga nangyayari
Nawawala si mama si mac at pati si pat alam ko may masamang mangyayari sa kanila
Pinanood ko ulit yung video nakita ko si phoebe naupo at tulala at may nakita akong nakaitim na kumuha sa kanya parang sinisigaw sya pero hindi ko marinig ng maigi
Dumidilim ang paningin ko dumidilim talaga kinuskos ko na ang mata ko pero madilim talaga wala akong Makita
