Jonathan POV
Naluha ako sa nakita ko ang matagal ko na hinahanap nasa harapan ko na napaupo nalang ako sa harapan nya habang sya ay nakatitig lang sakin
"so-sorry pa" – naluluha kong sabi
"hindi anak ako dapat ang magsorry"
"a-ako po ang may gawa sayo nyan pa"
"oo na hindi"
"oo na hindi?"
"oo ikaw ang may gawa neto pero hindi kasi wala ka sa sarili mo"
"naalala mo pa ba yung pag mamaltrato ng Tito at tita mo sa inyo ng mama mo?"
"opo" – sagot ko habang pinupunasan ang luha ko
"napanood mo naman siguro yung video hindi ba?"
"opo"
"ako may gawa nun"
"paano?" nakanoot noo kong tanong
"ang nakita ko sa video nagpakamatay sila haa"
"oo tama nagpakamatay sila katulad din ng nangyari sa prof mo at sa anak nya"
"paano mo nagawa yun?"
"may nilagay akong chemical sa utak nila at ang chemical na yun pinapakita sa kanila ang mga patayan nangyayari sa mundo kaya sa sobrang trauma hihilingin nila magpakamatay nalang"
"ayon ang matagal na pinag aaralan ng kabigan mo anak"
"huh?"
"si Patrick Tros hindi lang sya basta royal blood prodigy din sya pagdating sa science lalo na sa Chemistry"
"paano mo nalaman yan ? hindi nya yan nabanggit sakin"
"matagal kong pinanood ang mga galaw ni Pat kaya ko nalaman" – nakapikit nya sagot
"naalala mo pa ba yung iniwan kita sa park yung 7 years old ka palang?"
"opo"
"kekwento ko sayo ang lahat yung yung pinagbubuntis ka ng mama mo sabi ng doktor samin kambal ang anak namin, yung nanganak na ang mama mo isa lang lumabas sabi ng doktor marahil hindi nabuo ang isa sobra lungkot naming ng mama mo nun"
"tapos"
"pagkatapos ka ipinangak ng mama mo nagkaroon kami ng dalawa anak na babae si venus at si phoebe kaso nagkasakit ako na kailangan ako operahan binenta ng mama mo ang mga kapatid mo para lang sa operasyon ko hindi nya yun pinagpaalam sakin yung pag uwi ko galig ospital wala na yung dalawa kaya nagalit ako sa mama mo hanggang sa napariwara ako ng landas"
"pero may isang lalaki ang nagsabi sakin na kaya nya ibalik ang kakambal mo basta papaya akong pag experimentuhan ka nila pumayag ako kaso mali ako hindi niya naibalik ang kakambal mo pagkatapos ka nila pag experimentuhan iniwan kita sa park may binigay akong tatlong papel sayo at nag ukit ako sa swing na kina uupuan mo tulala ka ng time na yun"
Nag umpisa na ulit tumulo ang luha sa mata ko habang nagkekwento si papa
"bumalik ako sa sindikato kung saan ka nila pinag experimentuhan para hindi ka nila ulit magalaw ilang beses rin kita iniwas sa kanila kaso wala sadyang magaling sila hanggang sa naset up tayong lahat"
"nasan si phoebe" – deretso kong tanong
"buhay sya anak kaso patay na ang isip nya perpekto ang experiment nila sa kapatid mo"
Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo
"saan ko sya makikita?"
"sa imperyno anak"
Nagtataka ako kung bakit pabagsak ako nakita ko nalang naputol ang dalawa kong hita clean cut hindi ko halos nakita ang mga nangyari bumagsak ako sa tabi ni papa nanlaki din ang mata ni papa sa nangyari tiningnan ko ang babaeng nakatalikod na mahabang buhok na may hawak na espada
