Jonathan POV
Nagising na ako sa liwanag ng ilaw nakita ko si mac sa gilid nagtetext
"heey" – sabi ko
"pre kamusta ka" pagmamadaling lumapit si mac sakin
"ano nangyari dyan sa braso mo" – tanong ko sa kanya
Hindi na lang sya sumagot sa tanong ko
"alam mo na ba yung code na binigay sayo ng papa mo?" – seryoso nyang tanong
"hindi pa" nakatungo kong sagot
"so kelan paba haa?! Jo! Nag aaral ka ba maigi haa?!" bulyaw sakin ni mac
"sorry hindi ko pa kasi alam kung pano yun" – naluluha kong sagot
Sinuntok nalang nya yung pader marahil sa sobrang pagkaFrustrate sakin
"ginagawa ko naman lahat ehh gusto ko Makita ulit papa ko" – naluluha kong sabi
"yun na nga e mag aral ka maigi !" – sigaw nya sakin
Hindi ko alam kung bakit nya ako sinisigawan ngayon tumungo nalang ako ulit
"sorry kung nasisigawan kita"
"ok lang yun" – sagot ko naman
"naalala mo paba yung iniwan ka ng papa mo sa park?" – tanong nya
"oo naman" – sagot ko naman
"naalala mo pa ba yung sinabi nya sayo?"
"hmm hide and seek hindi ako nagkakamali"
"I see tutulong na din ako sa paghahanap sa papa mo"
"kahit na ex convict sya? Huhulihin mo ba sya pagnakita mo sya" – seryoso kong tanong
"kailangan e pasensya na pre alalahanin mo nalang siguro yung pamilyang naghahanap ng hustisya sa ginawa nya"
Hindi nalang ako sumagot may point sya e 13 years na rin naghahanap ng hustisya ang pamilya nay un
"sige pre alis na ako pahinga ka dyan" – malungkot na sabi ni mac sakin
"sige mac"
