Jonathan POV
After 1 month nakalabas na ako ng hospital araw ng Monday balik na naman sa Pag aaral pumasok na ako sa room at umupo sa upuan ko
Bigla nalang nila ako pinagtatawanan hindi ko alam kung bakit kaya tumayo ako ng biglang may dumikit sa pantalon ko bubble gum
Inaalis alis ko yung bubble gum hindi ko na napansin na nakuha na nila bag ko binuksan nila at kinuha ang baon kong fudgee bar binuksan nila yun at tinampal sa muka ko tiningnan ko sino ang gumawa ang rich kid kong kaklase Anthony
Tahimik nalang ako umupo ang nagkibit balikat nanghihinayang ako sa pagkain ko yun lang kasi ang baon ko mahirap lang kasi kami ni mama hindi ko kilala kong sino ang papa ko labandera lang si mama kahit na may tatlo akong kaibigan nahihiya na ako humingi na sa kanila sagot na nila ang pag papaaral sakin kinuha ko course ay Programming kasi gusto ko mahanap si papa gamit to
"Pre gusto mo ba mag aral" – sabi ni pat sakin
"oo kaso walang pera e" – malungkot kong sagot
"ehh ako meron pera dito" – masaya nyang tugon sakin
"eh pano ka magkakapera kung tambay ka lang" – pagtataka kong tanong
"wala ka ba tiwala sakin haa? Pogi to pre !" – pagmamabiro nyang sagot sa tanong ko
Minsan talaga nagtataka ako sa lalake na to tambay lang pero madaming pera nagtutulak ata to e o namamakla
Bumalik lang ako sa wisyo ko ng bigla ako buhusan ng tubig na madumi ni Anthony wala na ako nagawa kundi umiyak
"haa! Iyakin 19 years old iyakin" – Anthony
"hindi pa ata tuli yan tone e" – sagot naman ng papa nya Prof namin
"ok sige hayaan mo na yan anak hoy ikaw magpunas ka"
Inaabutan ako ni Mr. Cruz ng doormat dahil sa sobrang basa ako sa tubig na nanggaling sa cr tinanggap ko nalang ang doormat at pinunas ko sa katawan ko
