Jonathan POV
Nakadapa na ako sa sahig putol dalawa kong binti dahil sa pagkahiwa hindi padin humaharap yung babae na may espada
"nice nice number 2" – sabi ng kakadating lang na lalaki habang pumapalakpak
Tinago na ng babae ang espada nya matulis ito na may dalawang talim
"sabi na nga ba e mahina ka Jo"
"sino ka ba?"
"wala ka na don"
Lumapit ang babae kay papa hinugot ulit ang espada at pinugutan ng ulo si papa napapikit na lang ako sa sobrang bilis ng pagkaputol rinig ko rin ang wasiwas ng espada senyales na malakas ang paghampas.
Tumungo nalang ako umiiyak
"alam mo Jo malakas ka sana e kaso pag nagagalit lang" – sabi ng di ko kilalang lalaki
"siguro naman naalala mo yung sinutok mo yung kaibigan mong pulis at tumilapon yun hindi lang isang metro kundi 4 na metro sa lakas ng suntok mo"
"lalo na yung ginawa mo sa papa mo wala pang isang Segundo naitusok mo ang dalawang itak sa katawan nya" – dagdag pa nya
"kaso isang bagay lang ang ayaw ko sayo"
"hindi ka madaling pasunurin o amuhin"
Wala na ako naririnig sa mga sinasabi nya hanggang sa naglapag nang timer na may bomba ang babae nakita ko kaunti ang muka nya at ang mga lapnos at pasa sa katawan nya
Nag umpisa na mag start ang timer isang minute lang to
Tumungo ako ulit at inaalala ang mga nangyari may nakalimutan ako ano ibig sabihin ng mga number
15 at 5 sa prof at sa anak nya
2 at 5 naman kina tita at tito
16 at 8 naman ang sinabi ni mac
Matagal ko rin ito inisip ang mga number na to nag umpisa ako magbilang hanggang sa napangiti nalang ako sa sarili ko
15 = O
5 = E
2 = B
5 = E
16 = P
8 = HInayos ko ang pattern at ang resulta PHOEBE naluha nalang ako bigla ang nakasulat sa papel ay Swing + Code means
SAVE PHOEBE
Hindi ko nagawa isave si phoebe ang hina kong tao 10 second nalang natitira sa timer nung tingnan ko ulit to wala na rin yung dalawa hindi kaya si Phoebe yung babae na yun? Bakit hindi nya ako nakilala? Ayon ba yung result ng experiment nila? Naiiyak nalang ako ulit hindi ko alam kung bakit sa dami dami ng tao kami pa tong piniling pag tripan
Oo mahina ka Jonathan sabi ng utak ko ang hina mo sobra
"sino ka?"
"ako ang kakambal mo"
Naiyak nalang ako ulit
"hindi mo kailangan umiyak pa naset up ko na sila"
"anong set up?" – pagtataka kong tanong
"basta makikita mo rin yun pagdating ng panahon"
Bigla nalang sumabog ang bomba nasa harapan namin
![](https://img.wattpad.com/cover/73648728-288-k634657.jpg)