Hi! Ako nga pala si Diane. Aaminin ko namang adik ako sa pag ti-txt. Araw-araw gusto kong mag txt kahit na asan man ako kahit na nasa loob ng silid aralin o kahit nasa loob ng banyo. Dapat bitbit ko ang aking cellphone. Baka kasi mabasa ng mga kapatid ko ang mga ka txtmate ko ehehhe. Baka ma bully ako. Simple lang akong babae walang ka arte arte sa katawan. Ayaw ko kasing mag suot ng over na mga damit na halos ma bastos ng ka lalakihan. Nag sosoot lang ako ng mga damit na komportable sa katawan ko. Go lang ng go ako sa pag kakaibigan. Kung gusto nila akong kaaibigan eh di kakaibiganin ko sila. Kung ayaw nila naman. Well I cannot please everyone. Kumakaibigan ako sa lahat mapa pangit man maganda, gwapo, pobre, mayaman, lalaki, babae, tomboy o kahit na bakla. I love gay's kasi sobrang nakakatuwa sila. Lalo na pag nag gi-gay language sila hahaha. At handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya.
Chapter 1
1st Year Hayskul ako ng mag simulang mag join-join sa isang Txter Clan. Isa rin ito para maka tagpo kanang mga bagong kaibigan.
Lunes na lunes wala ang aming guro na pang alas 8 nang umaga. Wala naman akong ka txt kaya na bo-bored ako. Naisipan kong puntahan ang aking kaklase na maraming kakilalang boys at go lang ng go sa buhay parang Globe. hehehhe ... pero Smart ako hehehe....
"psssst, hoy bakla pahingi naman ng ka txtmate jan. Bored kasi eh wala akong ka txt." sabi ko kay Queeny.
Si Glacy ang kaibigan ko at kaklase ko. Well babae siya obvious ba sa pangalan :) pero tawag namin dalawa bakla minsan naman kung ano lang ang trip naming tawagan sa isa't isa.
"hahahaha, ano ako ahente ng mga txtmate? hahaha joke lang bakla. Kawawa ka naman. Kaw kasi ba't di pa naging kayo ni Jeffrey." sabi naman si Queen at ipina alala pa si Jeffrey sa akin.
Flashback !!!
Si Jeffrey ay kaklase ko noon na lagi kong binu-bully pero katuwaan lang. Kung maka ngiti kasi siya laki ng bibig parang makikita na ang buong ngipin ninya. At hindi ko naman inakala na yung pang aasar ko sa kanya na....
"Hoy! Valentines Day na bukas yung valentines card ko ha wag mong kalimutan baka tamaan ka sa akin." pa biro kong sabi kay Jeffrey.
"Okay! Ikaw pa!" sagot naman ni Jeffrey.
Valentines Day na at binigyan kaagad ako ni Jeffrey ng Valentines Card at hindi ko din alam na totohanin pala niya yun. At binasa ko iyon.
"Today is a Very Special Day. And I know that your gonna be shock sa sasabihin ko. Alam kong di mo nararamdaman na may pagtingin at gusto ako sayo. Sana di mo ako pagtatawanan pagkatapos mong basahin ang sulat ko sa iyo. Mahal Kita. And Happy Valentines Day to you Diane.
Pagkatapos kong basahin ang card niya pinuntahan ko agad ang bestfriend ni Jeffrey na si Jerry na kaklase din namin.
"Hoy! Kayo ha, talagang pinagtritripan nyo ako." sabi ko na may galit na tono at tinatago ang kilig.
"Oi hindi ah... kahit tanungin mo pa si Jeffrey." sabi ni Jerry at biglang tinawag niya si Jeffrey. "Jef sabihin mo nga kay Diane na totoo ang sinulat mo sa card na bigay mo."
Dahil si Jeffrey ay isang TORPE. Nahihiya siyang sabihin sa akin. Tumingin nalang siya sa akin at ngumiti. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumalikod kasi tinawag siya nang aming guro.
"hahahah Torpe talaga itong si Jeffrey" at tawang-tawa namang sabi ni Jerry habang naka hawak sa kanyang tyan.
"Grrrrrrr. Kainis kayo! " galit na sabi ko at tumalikod ako habang tinatago nag pag kaka kilig na nararamdaman ko.
***End of Flashback ****
"Anu bayan Queen. Nanghihingi lang ako nang txtmate pina alala mo pa sa akin si Jeffrey." sabi ko habang naka simangot.
"Arte teh? hindi naman naging kayo diba? pero halatang medjo inlove ka parin sa kanya. Bat di mo pa aminin sa kanya ang totoo noh. Andyan lang siya oh.." At tinuro niya ang room ni Jeffrey.
Magkaharap lang kasi ang room ni Jeffrey at room ko.
"Pagpilitan ba teh? at bakit pa? Halatang may nililigawan na yang si Jeffrey. Maniwala ka kung hindi...." at bigla niyang tinakpang ang bibig ko kaya di na ako nakatapos nang pag sasalita. Dahil parang nakita niya na medjo naiinis na ako.
"Shhhh..... oh sige na. Pwede namang sabihing ayaw munang pag usapan dapat ba talagang mag banta pa?" napa buntong hininga si Julia. "Oh ayan number ni John. Try mong e txt ngayon baka mag reply agad sa iyo."
"Kaano-ano mo si John?
"Friend ng Friend ko" nagsasalita habang nag ti-txt.
"Sure ka? Mabait ba to? Baka bastos to ha? Talagang sisipain kita !" sabi ko na may halong biro.
"Brutal mo naman friend. Kung manyayari yan, ipapahalik talaga kita kay Jeffrey" tawang-tawa niyang sabi.
"Subukan mo lang. Akalo mo hindi ako lalaban? Eh bad yon. Kaya lalaban ako ng halik ano ako duwag para di lumaban haahaha" sabay kaming tumawa habang nasa loob ng silid aralan. "Joke lang yun noh. Hindi pa nga ako nahahalikan. Wala pang nakakahalik sa virgin ko na lips." sabay pout ng lips ko.
==================
VOTE
COMMENT
SHARE
======
VOTE PLS. THANKS
BINABASA MO ANG
Text Mate (KathNiel)
Teen FictionIsang simpleng studyante lang si Diane na adik sa pag ti-text. Mahilig siyang makipag txtmate. Sa txtmate kaya nya mahahanap ang taong mamahalin nya at mamahalin siya habang buhay? O ang txtmate nya ang magpapasakit nang kanyang puso at iiwan siya...