TM 8

38 3 1
                                    

sorry sa late update. medjo busy sa small business eh,,,

Chapter 8

Hindi ako masyadong nakatulog dahil iniisip ko si Diane.

Sana nag sabi nalang ako ng totoo. Sana hindi nalang ako nagsinungaling.

Lagi akong nag ti-txt sa kanya at hindi parin siya nag rereply sa sa akin. Naka ilang tawag na din ako di naman nya sinasagot.

Bigla kung sinuntok ang dingding ko dahil sa inis at galit. Pag labas ko naman ng kwarto naka tayo si daddy sa harap ko.

** Baggggg **

Bigla nalang akong natumba sa lakas ng suntok ni daddy at nagdugo ang labi ko.

"Pinahiya mo ako kay Bea at sa pamilya nya." sabay turo nya sa akin at agad nya hinawakan ang kwelyo ko at inangat nya ako.

Di nalang ako nakapag salita. At napa kunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Bakit di mo sinipot si Bea sa date nyo?"

"A-ano? anong date?" nagtataka kung tanong kay dad.

"Diba, nakaraang araw ko lang sinabi sa'yo na may date kayo ni Bea."

"Sabi ko naman sa inyo na ayaw kong makipag date sa kanila. Di ko siya mahal." tumaas ang boses ko at nasigawan ko si daddy.

Bago umalis si daddy ay nag iwan siya ng isa pang suntok. Malutong na suntok.

Sabay sambit na "Pwes! mahalin mo siya."

***

=== DIANE ===

Ilang araw na ding hindi ko nakikita si John.

Nasaan kaya siya? Ang o.a ko kasing mag react. Bakit ako nagagalit at bakit ko siya nasampal? 

Ngayong wala siya, hinahanap-hanap ko naman siya.

Habang nakatunganga ako, may narinig akong isang boses na pamilyar sa akin.

"Are you okay?"

Pag lingon ko ay nagulat ako sa aking nakita. Si Jeffrey ang nasa likod ko.

"Ahm... Jeffrey?" pa utal utal kong sabi sa kanya.

"The one and only Diane." habang naka pogi action siya.

Sabay kaming nagtawanan. Nag kwekwentuhan nalang kami na kung ano ano.

"Hatid na kita." aya nya sa akin.

At inihatid niya ako sa bahay. At hindi siya umalis hangga't di ako pumapasok sa bahay.

"Dito nalang ako." sabi ko sa kanya habang nasa gate ako.

"Antayin kitang pumasok hanggang sa pintuan nyo. Para maka sigurado ako na safe ka." sabi nya sa akin sabay ngiti.

"Okay, Salamat ha."

"Basta ikaw"

Agad naman akong pumasok at nag bye bye ako sa kanya with matching smile at agad naman siyang umalis.

***

Pag pasok ko ng bahay ay may nadatnan akong isang poging pogi na lalaki.

"John? Anung ginagawa mo dito?" habang nakatayo ako sa may pintuan na may napansin ako. "Bakit may mga pasa ka? Saan mo nakuha yan?"

Biglang tumayo si JOhn. "Okay lang ako."

"Ma pakikuha naman nang betadine, bimpo at maligamgam na tubig." agad kong tinawag si mama.

Agad umalis si mama at kumuha ng mga gamit na sinabi ko. Pag balik nya agad naman yang binigay sa akin.

At agad ko namang ginamot ang sugat ni John. Pinahiga ko siya sa sofa para makapag pahinga.

Bigla namang hinawakan ni John ang kamay ko sabay sabi ng "Salamat".

"Shhhh.... matulog kana para makapag pahinga ka ng maayos". sabay ngiti ko at kinumotan ko na siya. "Good Night".

"Kiss ko?" sabay pout nya nang lips nya.

Sus wag kang mag pout John baka mahalikan kita. Nakaka akit ang kiss mo. OHMEYGED!

Bigla kong tinapik ang noo ni nya. "Ikaw, may sugat ka na nga, humihirit kapa." at minasahe ko naman ang noo nya.

=========

sorry maikli lang itong chapter na ito. bawi nalang ako sa susunod na chapter :)

==========

vote 

comment

======

tc. gb

Text Mate (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon