Chapter 4
Mabait naman itong si John kaya lang sa kanilang paaralan astigin ito at parang hari. Lahat ng studyante sa University ay tinatrato si John na parang hari. Walang nag lalakas loob na kalabanin si John kahit na Dean sa University hindi makakalaban sa kanya. Baka pag pinatulan ng Dean si John baka mapa alis siya dahil sa kanyang pwesto dahil ang pamilya ni John ang may ari nang University. Ang ama ni John na si Vincent ay sobrang higpit. Lahat ng gusto ng kanyang ama ay dapat masunod. Hindi pwedeng hindiaan ang kagustuhan ng kanyang ama dahil baka ma bugbug siya nito. Wala kasing sinasanto si Vincent De la Cruz.
Pababa na ako ng makita ko si daddy na nasa kusina at kumain ng breakfast.
"Goood Morning dad." bati ko sa kanya.
"Maupo kana anak. Kamusta na kayo ni Bea?" biglang tanong sa akin ni Daddy. Habang paupo na ako sa tabi niya.
********
Si Bea ang anak ng business partner ni daddy na si Tito Caloy. At bestfriend din siya ni Dadddy. Nagkasundo kasi sila na ipakasal ang kanilang mga anak pag tungtong ng kolehiya o pag nag 18 na sila. Arrange marriage kung baga.
********
"Ahmmmm...... ok lang naman po kami." pagsisinungaling ko sa kanya. Pero sa totoo hindi na ako nakikipag kita kay Bea. Kung pwede lang umatras at iwan si Bea gagawin ko talaga. Wala naman talaga akong nararamdaman kay Bea. Si dad lang talaga ang mapilit.
"Seryosoin mo si Bea. Ayaw kong mapahiya sa kompadre ko." banta ni dad sa akin. "Ayaw ko ring maghiwalay kayong dalawa. Baka bawiin nang Tito Caloy mo ang investment sa kompanya natin." at tiningnan ako ng seryoso.
Nasira na tuloy ang araw ko. Maganda na sana dahil nag reply sa akin si Diane. I hate this life na may dumidikta sa akin. Pwede bang ako nalang ang magpapatakbo ng buhay ko?. Kahit na nasa akin na ang lahat. Ang mga kayaman at mga magagarang kagamitan. Hindi parin ako masaya dahil hindi ako ang nag kokontrol ng buhay ko. Lalo na sa pag-ibig. Kailan man hindi ako naging masaya sa buhay na'to.
"Dad may sasabihin......" hindi na ako naka tapos sa aking sinabi ng biglang magsalit si daddy.
"Anak una na ako. Late na ako sa office. May meeting pa akong dadalohan" nag mamadaling lakad ni daddy papunta sa kotse.
==== DIANE =====
Habang naglalakad ako papasok sa room namin may boses akong narinig ng pagka lakas lakas at tinatawag ang pangalan ko.
"Diane!" nagsisigaw si Rel habang tumatalon-talon sa tuwa.
"Shhhhhh... hinaan mo nga yang boses mo. Nakakahiya ka. Pinagtitinginan na tayo ng mga studyante dito." habang tinatakpan ko ang bibig niya. Pero hindi parin tumigil sa pag tatalon-talon.
"Sorry girl. Na excite lang talaga ako. Na denggoy ka ng malaking isda teh."
"Ha? Ano? Di ko alam ang pinag sasabi mo."
"Shonga ka girl? Yung jowa mo, gwapo na mayaman pa. Grab the oppurtunity girl. Kung ayaw mo sa kanya akin nalang." pabibiro ni Rel sa akin.
"Sira ka talaga. Eh...." di na ako nakatapos ng pag sasalita dahil biglang tumunog ang bell para mag umpisa na nang klase.
Wooooh ! Save by the bell ata ako dun ah. Ito talagang kaibigan kong to, walang ibang inaatupag kundi puro mga lalaki. Hahay! nakakatuwa talaga itong bestfriend ko.
******
Natapos na ang aming klase. Kaya ang mga studyante nag si uwian na. Nakatayo lang ako sa labas ng gate para mag antay nang taxi pa uwi. Di kasi ako masundo ni Papa dahil may overtime siya ngayon at mamaya pa siya uuwi. Marami ding studyanteng nag aantay sa labas ng gate para maka sakay ng taxi. Ang iba nag uunahan pa sa pag sakay.
BINABASA MO ANG
Text Mate (KathNiel)
Teen FictionIsang simpleng studyante lang si Diane na adik sa pag ti-text. Mahilig siyang makipag txtmate. Sa txtmate kaya nya mahahanap ang taong mamahalin nya at mamahalin siya habang buhay? O ang txtmate nya ang magpapasakit nang kanyang puso at iiwan siya...