Chapter 10
"Yessssss." sigaw ko nang malakas sa loob ng mansyon.
"Anong nangyari sa iyo?" alalang tanong sa akin ni manang. "Nagulat naman ako sa sigaw mo bata ka" sabay palo sa akin ni manang sa aking balikat.
"Sorry po manang masaya lang po. Pumayag kasi siya na ligawan ko siya." di ko talaga mapigilan na mapangiti.
"Pero secret lang natin yun manang ha. Baka magalit si dad sa akin." pahabol ko sa kanya na pabulong.
At kinahu ko ang kamay ni manang at nag sayawan kaming dalawa ng cha-cha.
Alam ni manang ang tungkol kay Diane. Hindi kasi gusto ni manang si Bea kasi masama ang ugali at maarte daw.
Todo ang suporta sa akin ni manang dahil tinuturing na nya ako na anak at parang ina ko na rin si manang.
Naputol lang ang aming kasiyahan ng biglang dumating si daddy.
"John, may party sa kompanya sa susunod na sabado. Kailangan andon kayo ni Bea."
Pa alis na sana si dad ng bigla siyang bumalik.
"At dapat magkasama kayo pupunta dun para maganda ang imahe natin sa kanila."
"Pero dad...."
"Wala nang pero pero." sabay alis ni dad at umakyat na papunta sa kanyang kwarto.
Napaupo nalang ako sa sofa habang naka cross arms parin.
"Pambihirang buhay to oh. I hate this kind of life." habang kausap ko ang aking sarili.
Nanood nalang ako ng tv. Di ko maiwasang hindi magkasalubong ang dalawa kong kilay.
Biglang tumunog ang cellphone ko. May nag txt.
From: Bea
Nasabihan ka na ba ni tito about sa party? Can't wait. Sunduin mo ko ha?"
To: Bea
Duh.. what ever. bye!
Putragis naman. Ganda na sana ang gabi ko. Sarap suntukin.
***
School Days
Gumising na si Diane para maligo, magbihis, at kumain para makapasok na sa skul. Pero parang tinatamad siya. Dahil ang kilos nya ang mahina pa sa pagong. At yung mga mata nya ay parang gustong-gusto pang matulog.
=== DIANE ====
Hay naku.. Bakit tinatamad ako ngayon?
Pwede bang umabsent? Pero patay ako kay papa. Maka labas na nga baka ma late na ako. Agad akong nag pa alam kina mama at papa.
Wala na kasi mga kapatid ko. Nasa skul na din sila.
Paglabas ko ng pinto ay agad bumulantang sa akin ang isang magarang kotse at isang lalaking gwapo pa sa mga gwapo.
Nakatayo lang siya sa pinto ng kotse habang nka cross arms at cross legs.
wow... biglang sumigla ako ah.. Para siyang energy sa mga mata at puso ko.heheeh ..
Wagna pumalag. =_=
Nang makita nya ako agad niyang binuksan ang pinto ng kotse.
"Good morning princess." with matching smile.
"Hatid na kita"
Kung ganito ba naman ang mag aaya sa iyo. Tatanggi pa ba ako? lol
BINABASA MO ANG
Text Mate (KathNiel)
Teen FictionIsang simpleng studyante lang si Diane na adik sa pag ti-text. Mahilig siyang makipag txtmate. Sa txtmate kaya nya mahahanap ang taong mamahalin nya at mamahalin siya habang buhay? O ang txtmate nya ang magpapasakit nang kanyang puso at iiwan siya...