Chapter 9
Pumunta ako sa bahay nila John dahil ilang araw na siyang hindi nag papakita sa akin. Lagi akong nag ti-text sa kanya pero hindi naman siya nag re-reply. Lagi ko naman siya tinatawagan pero hindi naman sumasagot. Pag sumagot naman siya laging nagmamadali at busy.
"Mam...mam... bawal po pumasok. Sabi ni sir." sinita ako ng guard.
Pero hindi parin ako nagpapigil. Di ko nalang pinansin yung guard. Kahit na hinahawakan na niya ang braso ko para pigilan ako nag pupumiglas parin ako. Hanggang makaabot ako sa loob nang bahay.
"Sige na guard. Ako na bahala dito, balik kana sa pwesto mo." utos ni manang sa gwardya.
"Nasaan po si John?" galit kong sabi kay manang.
"Wala siya dito. At kahapon pa siya umalis hanggang ngayon hindi parin bumabalik."
Nagulat ako sa sinabi ni manang, na hindi pa bumabalik si John.
Agad kong kinuha ang aking telepono at tinawagan siya.
"Hello?" agad namang sumagot si John.
"Nasaan ka ba ngayon? bakit hindi kapa umuuwi? okay ka lang ba? Anu bang....."
Hindi na ako nakatapos sa aking pagsasalita dahil bigla siyang nagsalita.
"Wala kang paki alam." agad naman niyang binaba ang telepono.
Walang hiya yun. Tinataguan na nga ako, binagsakan pa ako ng telepono.
"DAMN!" agad naman akong umalis sa bahay ni John at nag drive pauwi.
==== JOHN =====
"Sino yun?" biglang tanong ni Diane.
"Ah... wala, barkada lang. Nami-miss na daw nila ang pogi nilang kaibigan." palusot ko sa kanya at bigla siyang ngumiti.
"wooooh.. ang hangin ... ang lakas ng hangin.....Ah.. ano? okay na ba ang pakiramdam mo? Yang sugat mo, masakit pa ba?" sabi nya habang papalapit siya sa akin.
Ang dami naman niyang tanong. Super concern siya ha. Kinikilig ako. Sana sagutin na niya ako =__=
"Okay na ako. Ang galing kasi ng doctor ko eh." sabay kaming nag ngitian sa isa't-isa.
Hinawakan ko ang kanyang kamay para mag explain at sabihin na sa kanya ang buong katotohanan.
"Ahm.."
Bigla namang sumulpot si Joan ang kapatid ni Diane at may dala dalang almusal.
"Kain ka muna kuya." -Joan.
"Salamat" agad kong kinuha ang tray na may lamang juice, hotdog, sandwich at pritong itlog.
Hay naku bad timming naman tong si Joan oh. Magtatapat na sana ako kaso biglang sumulpot. Hahai. Pero choki lang, gutom narin ako eh. =__=
***
==== DIANE ====
Grrrrrrr.....
Parang kabuti naman itong si Joan. Ayun na eh. Magka hawak na sana kami ng kamay nang biglang sumulpot si Joan na parang kabuti.
"Teka lang ha. babalik lang ako." paalam ko kay John. At nag reply naman siya ng ngiti.
Sinundan ko agad si Joan sa kusina.
BINABASA MO ANG
Text Mate (KathNiel)
Teen FictionIsang simpleng studyante lang si Diane na adik sa pag ti-text. Mahilig siyang makipag txtmate. Sa txtmate kaya nya mahahanap ang taong mamahalin nya at mamahalin siya habang buhay? O ang txtmate nya ang magpapasakit nang kanyang puso at iiwan siya...