Sino kaya yung makulit na waiter? any idea?
sorry sa late UD :)
Enjoy reading =_='
=*=*=*=*=*=*=*=*=*=
Chapter 14
Mark's POV
"Mark bakit nka tunganga ka dyan?" tanong ni JOhn.
Nakatingin lang kasi ako sa paligid nang campus namin.
"Wala may naalala lang ako" tapos binilik ko agad yung tingin ko sa paligid.
"Tara gimik tayo." aya sa amin ni Niel.
Sa kanilang bar kami pumunta.
Habang umiinom kaming apat may mga babaeng lumapit sa amin.
Syempre naman sa mukha naming ito. Imposibleng walang lalapit sa amin. Tanga lang ang hindi magagwapuhan sa amin.
Biglang tumabi kay JOhn yung babae. Maganda siya. Matangkad at yung suot nya halos kita na ang kaluluwa.
"Need some company?" tanong nung babae kay John. Habang pinaglalaruan ang kwelyo sa damit niya.
"No need." simpleng sagot ni John. Inalis rin nya yung kamay nang babae sa kwelyo niya.
"Bakit? Hindi mo ba ako gusto?" parang nairita rin yung babae kay John dahil nakasalubong na ang kilay nito.
"Hindi." tipid na sagot ni John at ininum yung alak.
Agad namang umalis yung babae na galit na galit.
"Sayang yun bro. Ganda pa naman." sabi ni Niel.
"IDC. Isa lang ang nandito sa puso ko." sabay hawak ni John sa dibdib niya.
"Boooooooooo!!!" sabay kaming nagsalita at tinapunan namin siya nang takip ng bote ng beer. Yung tansan.
At tumawa lang siya. Parang tanga. "Inggit lang kayo."
"Anu bang meron nang Diane na yan at bakit ganyan ang tama sa iyo?" tanong ko sa kanya.
"Malalaman nyo rin. Abangan ang susunod na kabanata." nagbiro pa ang gago.
"Ulol." sabi ko.
Parang naging loyal itong gago. Ang pangit pakinggan.
May biglang lumapit kay Niel at kumapit pa na parang tuko. At ito namang chickboy na ito. Hinaplos haplos pa ang babae. At sinabing available pa daw siya.
Pero totoo naman available lagi yang si Niel. Maraming chicks pero walang sinisiryoso.
Cheers!! sabay taas namin sa aming baso.
May biglang lumapit kay Bryan at bigla siyang hinalikan sa bibig.
Kaming tatlo naman nagulat nalang sa ginawa nang babae. Naging ganito ang reaction namin 0_0
Itong gago naman sumagot din sa halik. Kaya nagpalitan na sila nang halik.
Pero hindi na bago sa amin yung ganyan. Sanayan lang kasi yan hehehe.
"Guys sayaw muna kami." paalam ni Bryan sa amin. Habang naka akbay siya sa babae.
Nung tiningnan ko silang sumasayaw dun ko pa na realize na sobrang ganda ng babae.
"Sayang!" nasabi ko nang pabulong.
"Ano sabi mo tol?" tanong ni John sa akin.
BINABASA MO ANG
Text Mate (KathNiel)
Teen FictionIsang simpleng studyante lang si Diane na adik sa pag ti-text. Mahilig siyang makipag txtmate. Sa txtmate kaya nya mahahanap ang taong mamahalin nya at mamahalin siya habang buhay? O ang txtmate nya ang magpapasakit nang kanyang puso at iiwan siya...