TM 2

58 3 0
                                    

Chapter 2

Pagkatapos kong kumain pumasok na kaagad ako sa kwarto at nag bihis ng simple t-shirt at panjama at agad akong humiga sa kama. Wala akong magawa habang nka higa. Hindi paman ako ina antok kaya tiningnan ko ang mga notebook ko isa isa baga may assignment kami. Pero pagkatapos kung tingnan ang mga notebook ko wala naman akong assignment. Nang kinuha ko ang aking cellphone at nag scan ng mga numero na pwde kong matawag o ma txt man lang.

At bigla kung nakita ang pangalan na John. At naalala ko tuloy yung binigay sa akin ni Queeny para maging txtmate ko.

"Hmmmmm... ma txt ko ngang John na ito." sabi ko sa sarili ko.

To: John

Hi! Good Evening!

Ilang minuto akong patingin-tingin sa cellphone ko baka may txt na hindi ko lang napansin. "Anu bayan baka walang load tong mokong na ito. Pinag tri-tripan lang ata ako ni Queeny. Hay naku Queeny pag pinag tri-tripan mo lang ako patay ka sa akin bukas." para akong tanga na kinakausap ang sarili ko.

After ng kalahating oras agad tumunog ang cellphone ko. Dali dali ko tong kinuha.

1 unread message

From: John

Hello. Good evening din sayo Diane.

At bigla akong nagtaka sa nabasa ko. Biglang may malaking tanong na pumasok sa utak ko. "BAKIT NIYA AKO KILALA?" baka kilala namin to ni Queeny pinag tri-tripan lang talalga ako.

To: John

HUh? Bakit mo alam ang pangalan ko? kaibigan ka lang namin noh? Tapos pinag kaisahan ninyo ako ni Queeny?

From: John

Hindi. Sabi kasi ni Queeny pag may nag txt sa akin kaklase daw niya yun at ang pangalan ay Diane.

Napangiti nalang ako sa txt niya. Ewan ko kung bakit parang magaan ang loob ko sa kanya. Anu bayan ang kirengkeng ko naman bago palang kami nag kakilala magaan na loob na agad? hehehhe

Nagtanong ako kung ano ang kanyang apilyedo at ang sabi naman niya ay Tiu daw. Hindi na ako nagtanong nang marami sa kanya baka akalain niya na FC ako sa kanya.

Nag tagal ang aming pag txt sa isa't isa nang hindi na ko na namalayan na malalim na pala ang ang gabi. Naalala ko lang ng nagsimula na akong makadama nang antok.

To: John

Mark inaantok na ako. Malalim na pala ang gabi. Tulog na ako ha? May pasok pa kasi ako bukas at ikaw din. Goodnight =)

From: John

Okay. Goodnight Diane. Nice meeting you again. You make my night complete.

***

Siya si John De la Cruz. Galing sa pinakamayaman na pamilya. Maraming kompanya ang pag aari ng kanyang pamilya. Lahat ng gusto niya na mga bagay agad-agad niyang nakukuha. Isa lang ang hindi, ang magmahal siya ng babaeng mahal niya ng lubos. Ang gusto kasi ng ama ni John na si VIncent ay si Bea. Ang anak ng ka business partner niya sa kompanya at matalik na kaibigan. Ayaw kasi ng mapahiya ang kanyang ama sa ama ni Bea. Kaya ang gusto ng kanyang ama ay makasal si Bea at si John pag nagka edad na sila pareho ng 18. Ayaw talaga ni John kay Bea. Pero wala siyang magagawa. Ang pamilya din ni John ang may-ari ng skwelahan na kung saan pumapasok si Diane at ang skwelahan ni John ay pag-aari din nila.

***

Umaga na ng nabasa ko ang last txt message galing kay John. Dahil bigla akong nakatulog pag ka send ko sa message para kay Jonh.

Text Mate (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon