CAF: Chapter 2

445 11 2
                                    

The ride going home is quite gloomy. For me, it is. Paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko yung sinabi ni Donny dun sa kausap niya sa phone, which I assume his girlfriend. Lucky girl.


"Hello babe! Bakit ngayon ka lang"


"I love you so much babe."


"Yes, yes po. Opo, sayo lang ako."


You promise yourself that hindi ka iiyak right?


Pero.


Mahirap pala, unti-unting pumatak yung luha ko sa pisngi ko. Masakit tsaka mabigat pala sa pakiramdam pag hindi ka naa-appreciate ng taong gusto mong maka-appreciate sayo.


Katabi ko ngayon si mommy, naka taxi kami. Nag offer si Tita Maricel na ihatid kami, pero hindi na pumayag si mommy kasi baka pagod na daw si Donny, galing pang basketball practice tapos pinagbitbit pa ng shopping bags. Kaya ito naka taxi nalang kami ngayon.


Napansin ata ni Mommy na tahimik ako, tiningnan niya ako. Buti nalang napunasan ko na yung luha na pumatak sa pisngi ko.


"Honey, what's wrong? Umiiyak ka ba?" Mom asked me with a sweet tone. Tumingin ako sakanya sabay iling. Alam niya na ayaw ko niyang pag-usapan namin kung ano yung nararamdaman ko kaya hinaplos nalang niya yung ulo ko.


"Magiging maayos at okay din siya. Okay? Wag ka ng umiyak. Eh ano kung hindi na kayo magka-ayos? Nandito pa naman ako tsaka yung dalawang kapatid mo. Mahal na mahal ka namin." Di ko na napigil sarili ko, yumakap ako kay Mommy at dun umiyak. Haaay, sobrang nagiging and emotional ako pag tuwing si Donny na ang involved. Umaasa pa naman ako na pag nagkita kami maaayos ko yung problema naming dalawa.


Pero sabi nga nila, never mong maaayos ang isang problemang ayaw magpaayos. Siguro nga ayaw ni Donny na magkaayos kami.


Pagdating namin sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko at niyakap si Donato, yung teddy bear na binigay sa akin ni Donny nung paalis na ako papuntang America.


"Bakit ganon yung Daddy Donny mo? Gusto kong magkaayos kami pero parang ayaw niya. Ay teka, hindi pala parang, ayaw niya pala talaga. Kasi kinakausap ko siya di ako masyadong pinapansin." Haaaaaay! Para kong tanga, kinakausap ko yung teddy bear.


"Siguro dahil dun sa girlfriend niya. Alam mo ba tinawagan siya kanina. Babe ang tawagan nila, ang corny diba? Buti pa yung dati naming tawagan noon MyPrince tsaka MyPrincess. Mas maganda diba? Donatoooo!"


Nung nag sink-in sakin yung sinabi ko, parang biglang nag flashback lahat ng memories namin ni Donny nung bata pa kami. Kung papaano niya ako tawaging MyPrincess. Nagagalit siya pag may tumatawag saking MyPrincess din. Gusto niya siya lang tatawag sakin ng ganon.


"Donato? Anong gagawin ko? Gusto ko lang naman magka-ayos kami tsaka maipaliwanag ko yung side ko eh. Hindi ko naman siya aagawin dun sa girlfriend niya, except nalang kung gusgo niya! Willing naman akong agawin siya. Heheheheheh. Alam mo ba? Nag I love you siya doon sa girlfriend niya." Ughhhhh!


Violet!


Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?! Baliw ka na ba? Seriously? Talking to a teddy bear won't do anything!


Actually it did! Gumaan yung pakiramdam ko. Nabawasan ng bigat, atleast nailabas ko yung saloobin ko. Yung nararamdaman ko nailabas.


Gumaan nga pero mukha ka naman baliw?!


Huhuhuhu, di ko na alam gagawin ko. Kinausap ko siya wala pa din, ako na nag initiate ng convo wala pa din, lagi akong nakangiti sakanya wala pa din, sinabi ko na namimiss ko na siya pero wala pa din.


Chances Are FewWhere stories live. Discover now