CAF: Chapter 5

324 12 3
                                    

Here's another treat for you guys.

Enjoy!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

It's been a week nung nangyari yung starbucks scene, and I still remember every details of what happened.


Kung paano kami nagkakita ni Markus.


Yung babe thingy.


Yung mga tingin sa akin, sa amin ni Donny.


Yung stuff toy na bigay niya sa akin na nakita niya.


Di ko pa din ma digest ng maayos.


And my mom! Lagi niya na akong inaasar kay Markus. Kesyo sino ba daw si Markus, kailan ko daw ba ipapakilala si Markus, ano paboritong pagkain ni Markus para if ever daw na papakilala ko na si Markus as boyfriend eh paghahandaan daw niya ito ng masarap tsaka yung paborito.


Like seriously? Binubugaw ba ako nito?


Kung sabagay handsome and hot naman si Markus. 😍😍


Aishhh. Punyeta! Pervert thoughts go away please.


"Anak? Kailan mo ba dadalhin dito si Markus? Your dad and I we're really excited to meet him in the flesh." Here we go again!!!


"Mom, seriously? Bakit ko naman dadalhin dito at ipapakilala sainyo si Markus? Like we're not even an item? Hindi ko nga alam kung type ako non?! Tsaka Markus and I were friends now wag mo ngang dungisan yon." Defensive kong sagot


"Hala? Feeler ka din, ang tanong ko lang naman kung kailan mo ipapakilala at dadalhin dito si Markus, diba magkaibigan kayo? Sabi mo classmate mo siya noon. Porket ba ipapakilala at dadalhin dito eh boyfriend mo na? Kalma ka muna ba! Assumera."


Anu daw?


Arghhhhhhh.


Nirereverse Psychology niya ako alam ko yon.


"Ughhhh mom............" Naputol yung sasabihin ko ng biglang pumasok si yaya sa kwarto.


"Mam, may naghahanap po kay Mam Violet sa baba. Markus daw po ang pangalan." Entrada naman ni yaya.


Napatingin sa akin si mommy na yung itsura niya is nang-iinis na ewan.


"Mukhang aakyat ng ligaw ah. Old-school. I like that." Ughhhhhhhhhhhh. Minsan pakiramdam ko mas mature pa ako sa parents ko.


Pagkababa namin ni mommy, nakita namin na nakaupo si Markus dun sa sofa. Unang lumapit si mommy nakipagkamay tsaka nakipagkilala. Hala siya? Excited?


"Markus, finally! I'm Tita Cathy or Tita Cath. But you can call me Mom also since...." Really?


"MOM!!!!......." I cut her. Kung saan saan na makakarating yung introduction niya.


Natawa nalang si Markus.


"Uhm, hello po. My name is Markus po, Violet and I were classmates in grade 10. Then nagkabanggaan lang kami last week. Nice meeting you po Tita Cathy." Intro naman Markus na to.


Umalis si mommy at pumunta ng kitchen para mag handa ng merienda para dito kay Markus.


"I like your mom, I mean she's cool and fun to be with." Yeah right.


"Yeah, she's cool but most of the time immature." I just rolled my eyes at him. Ngumiti siya tapos tinitigan niya ako.


Biglang bumilis tibok ng puso ko dun sa way ng tinginan niya sa akin. Parang, parang.


Assumera ka talaga gerl. Sabi ng konsensya ko.


Di ko alam kung gaano na kami katagal nag katitigan.


"Ehem? Ito na yung merienda niyo. Pero I think busog na naman kayo, kasi grabe kayo magtitigan eh." Sulpot ng mommy ko. Ughhh. Annoying talaga ever.


"Mommmmmm! Please?!" Tumalikod nalang mommy ko habang tumatawa tawa pa.


Geeeeez. Natawa nalang si Markus sa mga antics ko.


"Kain ka na, libre yan wag ka mag-alala. Sa susunod may bayad na yan." Biro ko kay Markus.


"Hindi mo naman sa mommy mo yung pagiging comedian niya." Aray hah, inirapan ko siya don. Tawa nlng siya. Lechugas.


Nag kwentuhan nalang kami as usual nitong si Markus, konting selfie selfie.


Konti talaga?


Fine, maraming selfie.


Nag post ako sa instagram ng picture naming dalawa ni Markus. Naka sandal ako sa balikat niya tapos nakatingin ako sakanya tapos siya naka tingin sa camera. Ang gwapo niya dito jusko lorde please.


Wala pang 5 minutes dami na nag like, peymuth pala ang koya nyo Markus. Daming nag cocomment. Imbyerna sila sa akin huhuhuhu. Kesyo di daw ako bagay kay Markus.


Oo naman alam ko naman yon, kasi kay Donny ako bagay.


Ay!


Pero mas nainis ako dun sa nag comment na di naman daw ako kagandahan tsaka flat daw ako.


Aba punyeta, tinignan ko yung profile ni ate girl, kung makapag salita na flat ako eh mas flat pa nga siya sa akin. Hustisya naman.


Sinabi ko kay Markus yon, imbis na mainis siya dun kay Ate girl, tinawanan lang ako ng lechugas, take note hindi pala siya tumawa, humalakhak pala siya yung tipong akala niya bahay niya to. Ganern.


Pinatay ko na yung phone ko. Tapos balik kwentuhan na kami, itong Markus na to di pa din tumitigil sa pag tawa, malapit ko na ngang sipain palabas ng bahay eh. Biglang umilaw yung phone ko, pagtingin ko notification ng nag like sa instagram.


Pero what shocks me is that. Pag basa ko sa username.


"donnypangilinan like your photo."


Sh*t pano niya nakita?


Chineck ko kung pina-follow niya ako.


Boooooom~ pina-follow niya nga ako, pero kelan? Di ko matandaan. Di naman ako nakatanggap ng notification.


Ano gagawain ko?


Wala, wala kang gagawin, wag kang maharot. Feeler ka na nga maharot ka pa.


Aishhhhhhhhhh.


Donny's POV


Arghhhhhhhhh, naiinis ako. Magkasama na naman sila. Last week, tsaka ngayon.


Sino ba yong lalaki na yon?


Nakakabwisit na. Tapos ngayon may picture pa silang dalawa. Sila na ba?


Selos?


Hindi. No. Never. Bakit naman?


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chances Are FewWhere stories live. Discover now