Chapter 10
Clarissa
I woke up with my heavy head in an unfamilliar room. The last thing I remembered last night was a stranger helping me to get up. Then everything went black.
"Ma'am how'r you feeling?" napalingon ako, she's a nurse. And I realized that I'm in a hospital.
"My head is aching a little." I answered. Actually hindi lang little eh, SOBRA!
"Well that's good. You just need to rest. And by the way ma'am, here's a letter for you." may inabot naman siyang maliit na sobre sa'kin na agad kong kinuha.
"From?"
"The guy who bought you here ma'am." A guy? Sino naman 'yon? Is he the same guy? Napailing na lang ako sa naisip ko. No that's impossible.
"Oh okay." I opened the envelope.
Miss,
Don't worry about the bills because its already paid. And welcome. - YB.
So ayun lang ang nilalaman ng sulat. Nasapo ko na naman ang noo ko. Ugh! Now my head is spinning. I hate you Zack! The only reason I drink is because of him! Para makalimot. Pero bakit ganun? Sinasadya ba talaga ng tadhana na pagtagpuin kami?
Last night I saw him on the same bar. He was with a girl, a girl that is far more beautiful than me, more sexier than me. I sighed. No wonder kung bakit pinagpalit niya ang 3 taon sa babaeng 'yon. Kung kailan gusto ko na siyang kalimutan lagi namang may humahadlang. I begged for him, I begged him to come back to me. But that was no use. But instead lalo pa niya akong nilayuan.
Everytime na naaalala ko 'yon, it breaks my heart. I wiped my tears. Ano ba yan eto na naman ako umiiyak! Bakit kasi hindi pa maubos yung mga luha ko e. Bakit kasi 'di ko pa siya kayang kalimutan? Nakakainis naman eh! Hindi naman kasi ganun kadaling burahin ang tatlong taon! Pero bakit para sa kanya ang dali dali lang? Pinaglaruan niya lang ba ako? AHHHHHHHH!
*BLAG*
Automatikong napatalon ako sa bumagsak. But to my relief alarm clock lang pala. Masyado na ata akong magugulatin. Ano ba 'yan epeketo ba 'yan ng hangover? Bumaba na ako sa may hospital bed at kinuha pabalik yung clock pero ng makita ko ito...
Oh my gosh! Patay!
LATE NA AKO! 9:00 am na! Patay! Siguradong pagagalitan na naman ako ng pervert na boss ko! Nagmadali akong lumabas ng kwarto at pumunta ng bahay. Well, bayad naman daw yung bills ko 'di ba? Wala na akong problema. Except sa kailangan ko na talagang pumasok ng trabaho! Pagkapasok ko sa bahay, walang tao. Kaya nagdiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis. Nako hindi ko na kailangang mag paganda! Para kanino pa? Kay boss? YUCK!
After that pumara na ako ng taxi at pumunta sa Klein Interprises. Nakakamiss yung kotse ko. Pero wala e, kailangang ibenta. So eto na nga andito na ako. Breath in... breath out... This is it.