Chapter 13
Clarissa
Nagising ako ng maaga dahil sa sakit ng tyan ko. I went to the bathroom, akala ko kasi magbabawas lang ako pero hindi eh. Pag tingin ko sa underwear ko.. Damn. Ba't ngayon pa. Dinalaw na ako.
Naligo na kaagad ako at nag-ayos dahil may trabaho pa nga, pero ang malas lang dahil biglang sumakit 'yong puson ko, as in sobrang sakit. Namimilipit na nga ako e, kaya nahiga na lang uli ako.
*TOK TOK TOK*
"Anak, tanghali na. 'Di ka pa ba babangon diyan? Wala ka bang trabaho?" at bumungad nga sa pintuan ko si Mommy.
"Meron ma, k-kaso ang sakit ng puson ko e." namimilipit kong sagot kay Mommy.
Lumapit naman siya kaagad sa'kin at bumungad sa'kin ang nag aalalang mukha ng aking ina. "Saan ang masakit baby? Dito ba? O dito?" eto na naman ang Mommy ko, bine-baby na naman ako. Ganto talaga siya eh, no wonder kung bakit nainlove sa kanya si Papa. Mabait, maganda, mapagmahal at maalaga pa.
"Ma okay lang ako." loka loka talaga ako. Kasasabi ko lang na masakit puson ko eh, tapos sasabihin kong okay lang ako. Baliw lang ano?
"Sige pagtitimpla na lang kita ng milk mo ah. Oh nagsabi ka na ba sa boss mo na aabsent ka? Baka naman i-fire ka nun?" ay packing tape! oo nga pala. Patay, kailangan kong magsabi. Lagot ako dun.
Paglabas ni Mom sa kwarto ko kaagad kong kinuha 'yong bag ko at hinagilap 'yong phone ko. Dapat 'yong boss ko 'yong tatawagan ko kaso naalala ko wala pala akong number nun. Kaya si Faye na lang 'yong tinawagan ko.
"Hello? Oh Clarissa bakit?"
"Kapag nagtanong si Boss kung bakit wala ako, pakisabi may sakit a-ah."
"Ay ganun, sige sige. Get well soon! Sasabihin ko na lang kay Boss."
"O-osige na. Bye." binaba ko na kaagad 'yong call at humiga na naman.
After some minutes 'di ko namalayang nakatulog na pala ako. Pero naalimpungatan na lang ako ng bigla akong may narinig na mahinang katok. Eh sa mabilis kasi akong magising sa onting tunog lang eh.
*Knock Knock!*
"Ate Clarissa?" Si Bliss 'yon ah. Ano kayang kailangan sa'kin ng batang 'yon?
"Hmmm? I'm sleepy don't bother me.." Zzzzz
"Ate your boyplen is here!" nagbibiro ba 'yong kapatid ko? Bakit naman pupunta si Zack dito?
"Don't be silly Bliss, Zack won't come here." magbibiro na nga lang 'yong kapatid ko, 'di pa kapanipaniwala.
"Ate it's not that bastard!" pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi niyang 'yon, eh parang awtomatikong gusto kong sawayin si Bliss sa sinabi niya. I know alam niyang sinaktan ako ni Zack. Nakikita niyang umiiyak ako tuwing gabi. Pero dapat 'di pa rin siya nagsasalita ng ganun.
"Bliss! Don't call Zack a bastard! You under-- Inigo?" what the packing tape is he doing here?
"See ate! It's not that Bastard! It's your boyplen!" napatingin ako sa kapatid ko. Anong boyplen? Ah, oo nga pala 5 taon pa lang 'tong si Bliss kaya may mga words na 'di pa niya masyadong mabigkas ng maayos. Pero what the heck is he saying?
"No. He's not my boyfriend Bliss. And what the heck are you doing here?" tapos tinignan ko si Inigo at tinaasan ko ng kilay. Aba paano niya nalaman na dito ako nakatira? Stalker ba siya?
"What he's not your boyplen? But he said that he's your boyplen! That's why I let him in! Uwaaaa!" bigla na lang nagiiiyak si Bliss. Hala anong ginawa ko? I just hugged him and I tried to stop him from crying. Nako baka sabihin ni Mommy na inaaway ko 'tong si Bliss eh.
