Chapter 5
I woke up with a heavy head. Geez what happened to me last night? Tumayo na ako sa kama-- WHAT THE HECK? WHERE AM I? Pagkatayo na pagkatayo ko nahilo na naman ako. Shit, Am I too drunk last night?
Lumabas na ako ng kwartong 'di ko naman pagmamayari. Nilibot ko ang paningin ko hoping na makita kung sino ang may- ari ng condo na 'to. Yes this is a condo. Malaki pero mas malaki pa rin yung akin.
Naglakad ako papunta sa may kusina and to my surprise I saw Laura, she was doing something -- cooking. Marunong pala siyang magluto? Ngayon ko lang nalaman.
"Laura?" napalingon naman siya sa'kin at dali daling lumapit papunta sa'kin.
"Hi honey! Goodmorning!" then she gave me a quick kiss.
"How -- What -- Where.." she put her index finger to my lips.
"Shh. Mamaya na ang explanations. But now let's eat muna okay?" I just nod at hinila na niya ako papunta sa may dinning area. She made a simple breakfast for us.
"I didn't know that you can cook." I commented.
"Well I'm just preparing myself." she answered.
Nilagyan niya na ako ng rice sa plate at ng niluto niyang viand. She smiled to me while serving. "For what?" I asked. Napatigil siya, pero saglit lang at pinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa plate ko. She just smiled.
"Nothing, oh honey here try this." at inignore niya ang tanong ko. Tumikim naman ako sa niluto niya. It was good. Pwede na.
"Laura sa'yo ba 'tong condo?" I asked.
"Yes, binigay sakin ni Papa."
"Papa? Father mo?" she smiled bitterly.
"No, alam mo naman ang trabaho ko 'di ba?" napatigil ako sa sinabi niya. Hindi pa rin ba siya tumitigil sa ganung trabaho?
"What?! Akala ko ba titigilan mo na yang ganyang trabaho?!" singhal ko.
"Kung titigilan ko, mamamatay ang pamilya ko sa gutom." she said calmy.
"But I'm here! I can help you!" Yes I can help her find a better job! Hindi yung ganto!
Umiling lang siya. "Nah its okay. Sanay na ako. At least kaya niyang sustentuhan ang pamilya ko."
I sighed. Wala naman na akong magagawa eh. Ilang beses ko na siyang sinabihan. Hindi siya nakikinig. Ilang beses na akong nagoffer ng tulong. Pero ayaw niya. Naaawa ako sa kanya. Ayokong maging ganto siya.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" I sighed.
"Don't worry to much." she said still not looking at me.
"At bakit ako hindi magwoworry? You're my frie--"
"Friend." tapos niya. She looked down. Tumayo ako at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. I tried to look at her but she was avoiding my eyes to meet hers.
"Hey what's the problem?" I asked.
"N-nothing." She was really avoiding me.
"Laura. Ano bang problema?" pero di pa rin siya tumitingin sa'kin.
"Ikaw! Ikaw ang problema!" I was shocked when she shouted.