Chapter Five

565 24 2
                                    

Paglingon ko sa kanya nakayuko siya. How dare him call me Princess? Isang tao lang dapat ang tumatawag sa akin ng ganyan. Si Prince lang at wala nang iba pa, mga magulang ko nga hindi ko pinapayagang tawagin ako ng Princess 'eh siya pa kaya?

"Anong sabi mo? Ano nga ulit tinawag mo sa akin?" Maangas na tanong ko. Umangat ang ulo niya at ngumisi siya sa akin.

"Princess. Bakit ? Princess naman talaga pangalan mo diba?" Sinenyasan ko si Raze na lumabas mo na ng room at dalhin ang gamit namin, nung una pa nga umiling siya pero pinantirikan ko nga ng mata.

"Sino ka ba? Sino ba kayo?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko. Ngumiti siya sa akin at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako biglaan sa ginawa niya, taas baba ang tingin niya sa mukha ko, sa mata at sa labi, Paulit-ulit.

"I think I should be the one who would asked that, Sino ka ba talaga? Bakit tinatago mo ang totoong mong pangalan? Hindi mo ba alam kung anong hirap ang dinanas namin huh!" Napaatras ako ng sumigaw siya. Sila naghirap? Saan?.

"I don't get you. I don't know your whereabouts. Pwede ba?! Diretsuhin mo na ako! " balik na sigaw ko sa kanya.

"Ms.Silvano? Mr.Hwa? What is this all about? Bakit kayo nagsisigawan?" Napatingin kami kay Ms.Minchin, yung secretary ni Dean V.

"Mr.Hwa what happened to your face? Bakit may kalmot ka dyan sa kanang pisngi mo? Ms.Silvano are you responsible for this?" Tanong niya sa akin ng pumagitna siya sa amin ni A.M. Ako na naman , ako naman masisi. Tangina, pagkatapos nung si Jero si A.M naman? Sinong sunod yung McJean? Ano ba naman yan!

"Kasi-"

"Si Ferlyn po" napatingin ako kay A.M. Did he.....Did he really say that?

"Ms.M that is not truth! Inaway kami ni Gwen so what you will you think what were going to do? Sympre we try to depend ourselves hanggang sa dumating si A.M to help us and you're right. Siya , si Gwen kung bakit may kalmot siya sa mukha" napangiwi naman ako ng marinig ko si Ferlyn. Puta, truth daw tsaka depend.

"You shut up! Ikaw ang unang sumugod kay Prin--Gwen, I heard you, I mean everything then accidentally nakalmot mo ko dahil sa umawat na ako ayaw mo kasi silang tigilan"

"In my Office, Now." Sigaw ni Ms.M bago lumabas ng room. Tinarayan pa ko ng  Bibe Crinckles squad bago sumunod palabas.

"Salamat"

"Wait...Prin-Gwen sorry about earlier, kalimutan mo nalang yung sinabi ko" ang higpit ng hawak niya sa pulsuhan ko, napansin niya yatang nakatingin ako dun kaya binitawan na niya ako.

"Hindi kita kilala, hindi nyo rin ako kilala. Siguro mas madalinh ganoon nalang A.M kasi medyo gumugulo na yung sarili kong mundo. Hindi nga medyo eh talagang gumulo siya, pakisabi nalang sa Jero nyo na ibabalik ko ang t-shirt na pinahiram niya, gagawin ko din yung pinarusa sa akin ni Dean V. Lilinisin ko ang Music Room nyo pero sana pagkatapos nun wala na tayong koneksyon sa isat-isa, panira kasi kayo ng buhay. Kung trip nyo ko, pumili nalang kayo ng iba dahil hindi ako masayang paglaruan" and with that lumabas na ako. Wal na si Raze sa Hallway kaya duniretso nalang ako sa Gate.

Kainis, paano ko ipapaliwanag kay Mommy tong mga kalmot ko tapos kay Raze pa. Baka sabihin ni Tita sinasama ko siya sa katarantaduhan ko. Si Raze na nga lang kabigan ko mawawal pa. Bwisit na Mga Anghel na labanos na yan! Mga panira ng buhay!

"Gwen! " sigaw ni Raze. Sa likod niya may van na itim, sa tingin ko sinundo siya ni Tito Ram.

"Si Tito Ram?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

"Oo, nasa loob din si Tito Claude. Sakay na." Nauna na akong pumasok sa backseat tapos tumabi naman sa akin si Raze. Oo nga nandito si Tito Claude na kasalukuyang nakaupo sa Front seat na katabi ni Tito Ram.

The Casanova's Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon