Chapter One

806 31 4
                                    

"Please naman Section F,wag na wag na kayong gumawa panibagong kalokohan." tinawanan lang namin si Ma'am Cruz. Asa pa siya kaya nga F ang section namin eh, F as in Failure.

"Ma'am mabait naman kami eh, mabait pagtulog " gago talaga to Jack.

"Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Sige na magsilayas na kayo!"

"Love you, Ma'am." sabi ng isa ko pang siraulong classmate. Nagsisigawan pa kami habang palabas ng room, I really love this section. Dito may freedom kaming gawin lahat ng gusto namin, hindi katulad ng iba na parang aso na sunod-sunuran sa mga tamad na teacher. For example yung mga nasa E-class, yung mga naka-aircon, yung mga may computer at high teach na gamit para matuto. E' kami? Simpleng black board at chalk lang natuto na—este ako pala at ang iilan sa amin.

"Gwen tara sa Canteen, gutom na talaga ako" yaya sa akin ni Raze. Tumango lang ako sa kanya at nagearphone habang nasa likod niya ako. Ang boring naman ngayong araw, wala akong ibang ginawa kundi matulog, magearphone, ngumanga tapos matulog ulit pero pagnandyan yung terror naming teacher sympre nakikinig kuno ako. Ayoko kayang mapahiya but luckily wala siya kaya ang boring talaga.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Veniece. Well I'm happy to see her okay after what happened earlier, I think she already learned her lesson.

"Sino yung nasa t-shirt nya?" tanong ko kay Raze. May mukha kasi doon at may caption na nakalagay na "He's Mine"

"Si Jero" teka? Sino daw?

"Sino yun?"

"Si Jero. Yung niluhudan niya kanina, yung nagtapon ng bote ng C2 sa mukha niya" What? Akala ko pa naman—nevermind. Mga babae nga naman talaga patay gutom sa lalaki akala mo naman mauubusan sila.

"Tss" dapat pala hindi ko na siya tinulungan kanina, such a worthless creature.

"Meron din ako niyan, nasa bag nga lang. Mamaya isusuot ko sa P.E time natin" napataas ang kilay ko kay Raze. What the hell?Butthell. Sino ba ang lalaking yun? At patay na patay sila dun.

"Sino ba yung Jero na yan?" naiirita na talaga ako. Habang pababa kami ground floor at papuntang left wing ng school ay halos lahat ng babae ay nakasuot ng ganong T-shirt, iba-ibang mukha nga lang. Actually tatlo lang yung pamilyar na mukha na nakikita ko sa t-shirt nila. Nang bumili kami ng pagkain maski si Ateng na Tindera at yung mga taga luto e' nakasuot din ng ganoong T-shirt. Tae, ke-tatanda na may "He's Mine " pang nalalaman.

"Vocalist ng Art Angel" sabi niya pagkaupo namin sa pinakadulong table, bale magkaharap kami. Ayoko kasing katabi siya, ang kiti-kiti niya kaya. Anyway ito ang favorite spot ko. Malapit sa bintana at malayo sa mga maiingay na tao. Subukan lang nila umupo dito at agawin ang pwesto ko, basag yang bungo nila!

"Art Angel? Pfft hahahahaha" Seriously?

"Walang nakakatawa sa sinabi ko Gwen" Okay sabi ko nga e'.

"Art Angel? Ang jologs naman ng name ng group nila ! Kaparehas sa dating pambatang television show sa GMA Network." natatawa kong sabi sa kanya.

"Tinawag mong Jologs ang Art Angel? Okay ka lang Gwen? Sila Jologs? You're freaking kidding me right?! Sikat sila as in millions ang Fan nila dito sa Pinas! Hindi pa kasama ang bilang ng Fans base nila sa Asian Countries "

"Sikat? Sige nga Razzelyn Montercarlos ipaiwanag mong mabuti sa akin kung paano napadpad yang Jologs na Art Angel na yan sa school natin? Sa Exodus Webster Academy North na semi-private lang?!Yung school na mas maraming studyante sa lower section kesa sa E-class section! Sige nga ipaliwanag mo! "

"Look Gwen Isa ang school natin sa mga swerteng napili para puntahan nila at para makahanap ng mga target na papainlove-in nila" Ano? Target?

"Hindi ko gets" nalilito kong sabi. Napakamot nalang sa kanyang kilay si Raze. Sorry na anti-social e'.

The Casanova's Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon