Chapter Fifteen

215 12 4
                                    

"Susundiin kita mamaya, okay?" madiin na sabi ni Daddy bago ako bumaba ng sasakyan.

"Dy, yung totoo? kanina mo pa yan sinasabi eh. D'ba umoo na ako?" nang makita ni Daddy ang ayos ko kanina ay sinabi n'yang wag na raw ako pumasok.

Ang baliw lang d'ba?

"Mas gusto kong magmukha kang manang kesa sa ganyan." mariin na sabi n'ya.

"Bakit anong bang mali sa ayos ko Dy, mukha ba akong kaladkarin?"

Sa totoo lang naninibago talaga ako, kanina pa ako hila ng hila sa skirts ko. Sabi pa ni Kuya Darwin ang OA ko raw. Hindi naman daw maiksi eh. Palibhasa noong hindi pa sila ni Ate Jabrina eh napakapalikero n'ya.

"You look perfect, princess. Natatakot lang ako baka may manligaw sayo pag nakita ka na ganyan ang ayos."

Manligaw?

"Overreacting naman yan Dy, maraming maganda dito sa school at wala pa ako sa kalingkingan nila."

"Don't say that, maganda ka no matter what." ngumiti ako kay Daddy. Simpleng salita pero ang lakas ng impact sa puso, ang sarap lang sa pakiramdam na pinupuri nila ako. Yung hindi puro pagkukumpara ang naririnig mo, nakakapanibago pero nakakatuwa.

"Thank you Dy, baba na po ako." he kiss me temple before he push the door beside me. Kumaway pa s'ya bago ipinaharurot ang sasakyan.

I sigh deeply, sana hindi ako matapilok. Sana walang matawa sa itsura ko ngayon, sana makita n'ya ako ngayon.

N'ya? Teka saan galing yun?

Pinilig ko ang ulo ko, nasisiraan na ata ako ng bait. Naglakad na ako patungo sa Entrance ng E.W.A.N, I tapped my i.d before I enter. Binuksan ko ang bag ko para ipacheck sa guard.

"Miss bago ka?" agad naman akong umiling.

"Bakit ngayon lang ata kita nakita d'to?" tanong uli ni Manong guard.

"Hindi ko alam, lagi naman akong dumadaan dito eh." pagsabi ko nun ay nagtuloy-tuloy na akong naglakad.

Ang weird naman nilang makatingin, mukha ba akong alien ngayon? Mommy kasi eh! Ayoko pa naman maging attention seeker.

Hindi ko nalang pinansin ang mga mapanlilang nilang tingin, mapanlinlang talaga? saan galing yun Gwen?

Dumiretso na ako sa room, sinilip ko muna kung may teacher na ba kami, 8:18 na kasi hanggang 8:30 ang unang klase namin. Maingay sila so automatic na wala ngang teacher.

Pumasok na ako sa loob at umupo sa designated seat ko. Nakita kong nakayuko si Raze sa tabi ko, puyat na naman ba 'to?

Inilabas ko ang iPhone ko sa bag at ang earphone.

Pati ba naman ito pinalitan ni Mommy ng pink?

I'm about to select a song to play nang may kumalabit sa likod ko.

"Ate, lumipat ka nalang ng upuan." My forehead furrowed. Bakit naman ako aalis sa upuan ko. Baliw na ba tong si Carms?

"Upuan ko 'to, bakit ako lilipat?"

"Are you nuts? Kay Gwen yan. Maawa ka sa sarili mo bago ka pa mapagtripan nun."

Mapagtripan talaga? hindi ba pwedeng simpleng bully lang?

"Bahala ka sa buhay mo, basta sinabihan kita. Maganda ka Miss pero ang hina mong umintindi. D'yan ka na nga!"

Abat? Siraulo yun ah?!

"Raze." hindi ko na lang pinansin si Carms, baka gutom lang yun. Kinalabit ko nalang si Raze pero ang babae hindi man lang natinag.

"Babae, hoy"

The Casanova's Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon