Chapter Four

603 29 12
                                    


"Ano? Drop ka na daw?" bungad sa akin ni Raze. Gago din to', gustong-gusto talaga akong madrop.

"Hindi" simpleng sagot ko.

"Weh? Ano nga? Lilipat kana ng School. Itetext ko na ba si Tita?" pamimilit niya pa.

"Kulit mo rin eh nuh'? Hindi nga. Teka wala si Ma'am?"

"Wala, may nakikita ka bang hindi namin nakikita?" tiningna ko siya ng masama. Nagpeace sign naman si Raze sa akin. Ang ayos ng tanong ko di' ba? Tapos ang bastos nitong sumagot.

"May meeting sila, pati si Ma'am sa last period hindi rin daw magkaklase. Nakikita mo yung mga cartonila na kalagay sa desk? Isusulat yan lahat" sabay turo niya sa harap. Nagkibit-balikat nalang ako, ano nga bang aasahan sa section namin? Edi ganyan hanggang sa cartolina na lang ang knowledge namin palibhasa akala nila pag nasa lower section ka, bobo na agad. Hindi ba pwedeng may mga kapit lang yun mga nasa e-class?!

Sila de aircon kami hanggang bentelador, sila may may tablet kami hanggang '/4 lang. Sila may projector kami hanggang sa black board lang, nauubos na nga rin yung pintura nun dahil sa mga scratch at double-sided tape na ginagamit namin eh. Semi-private nga, eh parang public school dim turing sa amin dito. Ewan ko ba kung bakit sa E.W.A.N pa ako inendroll ni Mommy, sabagay ito na lang ata choice nila. Dati nasa E.W.A.S ako ngayon naE.W.A.N na ako grabe talaga buhay ko, ang boring.

"Nga pala saan galing yang T-shirt mo? ang cute kasi hehe" napalingon ako kay Raze na kasalukuyang nagsusulat sa Violet notebook niya.

"Tabi, humanap ka ng upuan mo!" sigaw ko sa nakaupo sa tapat ng upuan ko. Kamot-ulo naman siyang umalis, hinila ko yun at pinaharap sa akin tapos pinato kong ang mga paa ko. Shet, Heaven.

"Bully ka talaga, Carms dito ka nalang umupo oh" Bait talaga ni Raze, Hanep, ang plastik ng bes ko. Gigil mo si ako.

"Pake mo? Magsulat ka nalang diyan Ms.good girl"

"CHE! Saan nga yan kasi galing?" pangungulit niya.

"Sa labanos na mababa ang lipad" simpleng sagot ko .

"Ano?"

"Sabi ko pahiram ako ng notebook mo pagnatapos kana, bingi"

"Magsulat ka kasi, ipapasulat mo na naman kay Gail yan pag uwi mo e', College na ang kakambal mo. Maawa ka naman dun, marami ding ginagawa yun"

"Bakit? Pinilit ko ba siya? Siya naman nagalok huh'. Hayaan mo na gusto niyang magpabida e' edi siya na magaling, siya na matalino. Siya na ang the best, the end."

"Teka nga bakit ba galit na galit ka diyan kay Gail huh' Gwen?" inismiran ko siya. Bakit nga ba ako galit kay Gail? Isa lang naman ang dahilan e' traydor siya.

"Ang panget niya kasi "

"Edi panget ka rin, kambal kaya kayo. Diba dapat College ka na rin? Anyare? Nagtataka talaga ako dati kasi ahead ka sa akin ng apat na taon."

"Ang daming mong satsat, magsulat ka nalang diyan ! Wala kang mapapala sa akin" kinuha ko ang I-phone ko at nagearphone. Tumanga ako bago pumikit, baka magdugo na naman kasi itong ilong ko. Bwisit na Jero yun, akala niya ba madadala niya ko sa mga pahiram t-shirt technique niya. Mukha niya! Makakaganti din ako dun. May Colgate Plax kaya sa bahay? Putangina kasi may pahalik halik pang nalalaman e' kailangan ko pa tuloy mag mouthwash ng isang linggo.

"Gwen" tinusuktusok ni Raze ang pisngi ko, hindi ko siya pinansin. Magtatanong na naman yan. Maya-maya lang ay tumigil na rin siya. Sa muling pagpikit ko, nakita ko na naman yung mukha niya. Yung mukha na nagpahalaga sa akin, yung kaisa-isang lalaking itinuring akong bilang babae. Siya at siya na naman ang nakikita ko.

The Casanova's Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon