"Haruna..." umiiyak na sambit ni Allen habang nakaupo sa damuhan kasama ang mga kaibigan.
"Imortal si Haruna hindi ba? Bakit hindi agad siya nabuhay? Bakit wala manlang sign kanina na buhay pa siya? Bakit siya pinugutan? Yun lang ba ang way para patayin ang isang imortal? May nakita na ba kayong imortal na namatay dahil napugutan ng ulo? O napugutan pero nabuhay parin?" sunod sunod na tanong ni Andie habang umiiyak.
Labis ang kalungkutan nilang lahat. Hanggang sa makarinig sila ng pamilyar na boses na tila ba papalapit sa kanila.
"Aray! Ano ba naman to! Ang hapdi nun ah! Walang hiya kang damo ka--aray! Ano ba yan, a-awww! Waaaaaah yung braso ko nasugat---" di na natuloy ni Haruna ang pagrereklamo dahil nagulat siya nang makita ang mga kaibigan na umiiyak.
"B-bakit kayo umiiyak?" Gulat na tanong niya sa mga kaibigan na gulat na gulat ngayong nakikita siya. "Bakit kayo umiiyakkkkk?!?! May namatay baaaa?!?! May sunogggg?!?!! Saaaaaaannnnnn?!?" aligagang tanong nito.
Di na nagsayang ng oras si Allen at bigla nalang kumaripas ng takbo at niyakap ng napakahigpit si Allen. Maski ang mga kaibigan nila ay nakiyakap nadin. Kahit si Beth na kagigising lang.
"Bat tayo nagyayakapan?" Inosenteng tanong ni Beth at Haruna kaya napa facepalm nalang ang iba.
"Aishhh baliw ka ba! Haruna pinag alala mo kami!" Sigaw ni Andie.
"Pinag alala saan?" Sabay ulit sina Beth at Haruna.
"Aissssshhhhh!" Inis na sabi ni Izzie. Nasusura man sa dalawang inosente, kinwento na lamang nila ang lahat ng nangyari.
"ANOOOOOO??!?!!!???! PINUGUTAN AKOOOOOO!!?????? BAKIT WALA AKONG NARAMDAMANNNNN?!?!?!?" galit na tanong ni Haruna at aalis na sana para bumalik sa gusali at patayin yung pumugot sa ulo niya pero hinila lamang siya ni Bianca.
"Hayaan mo na. Ang mahalaga buhay ka. Pero wala pa tayong nasisimulan sa plano natin. At ngayon, alam kong inaasahan na nilang babalik tayo dun. Kaya mag ingat tayo. Walang magbabago sa plano." Maotoridad na sabi ni MM habang seryoso silang tinitignan isa isa.
"Nagugutom ako, pano na yan?" Sabi ni Haruna na sinang ayunan ng iba.
"Oo gutom na din kami" halos sabay saby nilang sabi.
"Eh tinatamad ako ako maglakad eh. Tapos kami lang naman ni Bianca yung may teleportation. Hawak nalang kayo samin. Deretso na tayo sa van" sabi ni Haruna.
Humawak sina Nicco, Ayumi, Izzie at MM sa mga balikat ni Bianca at maya maya lang ay nawala na sila. Sina Andie, Allen, Shena at Beth naman ay humawak sa mga balikat ni Haruna at maya maya lang ay nasa loob na sila ng van kasama ang lahat ng kaibigan.
"May Jollibee dito eh. Tara dun nalang tayo" sabi ni Izzie na sinang ayunan ng iba. "Libre ko na lang." Dagdag pa nito at lalong napa sang ayon ang iba.
"Taraaaaaa!" Masayang sigaw ni Ayumi.
**
Kasalukuyan silang kumakain sa loob ng jollibee. And as usual, si Haruna ang may pinakamaraming pagkain.
Masyadong matao ang jollibee sa mga oras na ito kaya pinagtitinginan sila ng HALOS LAHAT ng mga tao sa paligid. Marahil ay puro dugo ang kanilang mga damit, lalo na si Haruna na puno ng dugo ang mga braso at maski ang leeg, puro butas ang damit. At namumutla pa dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya.
HARUNA's POV
Waaaaahhhh! Grabe sobrang gutom na gutom akooooo! Pero wala akong paki sa mga taong nakatingin samin kasi nakatuon lang ang pansin ko sa pagkain ko. Lahat kasi ng kasama ko magkakasama sa isang mahabang lamesa, samantalang ako mag isa ko lang dito sa lamesang ounong puno ng pagkain. Huehue
BINABASA MO ANG
The Ability User
Fantasy(Completed and editing slowly) "Highest rank: 6th in Mystery/Thriller (before I changed the genre to Fantasy)" ** Ako si Haruna Davis. Isa ako sa mga taong marunong gumamit ng aming mga abilities. Lahat ng tao may special abilities, but not all of...