CHAPTER 46

2.7K 73 1
                                    

Bumalik ako sa waterway kung saan ko sila huling narinig. Oo narinig, di ko naman sila nakita nun eh.

"ALLEN?!?!" pagtatawag ko. Pero wala akong ibang narinig kundi ang agos ng tubig.

Nagpalabas ako ng maraming fireballs at ipwinesto sa iba't ibang parte ng lugar para may liwanag.

Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakitang kung ano.

Kahit yung Ability Provider Machine ay wala din dito. Shems. What happened to them?!

Nagulat ako nang may dumating na isang tao at naglakad siya papalapit sakin.

Babae siya dahil mahaba ang buhok niya na kulay white, nakaturtle neck na camouflage jacket at nakaleggings na black. Nakaboots siya na camouflage  din.

"Who are you?" Tanong ko. Sinuri ko ang ability niya at nakita kong may telepathy siya.

"I'm nobody. I just came here to tell you something." Cool niyang sabi. Wow. Ang ganda niya.

"What is it?"

"Do you know those people who got captured by the monsters?" Kinabahan ako sa sinabi niya.

"P-People? Captured by the monsters? What do you mean? Ilan sila?"

"Yeah. They're captured. Mga sampu siguro sila." Sabi nito.

W-Wait----- SAMPU?!

Allen, Andie, Ayumi, Nicco, Bianca, Izzie, MM, Shena, Marvin, Beth!! Fvck!!! Sila nga!

"Alam mo ba kung san sila dinala?!" Taranta kong tanong.

"Nagbukas itong sahig nato at may lumitaw na hagdanan. Yun lang ang nalaman ko dahil muntik nakong makita ng isa. Kaya umalis nako. I didn't know what happened next." And by that umalis na siya ng walang paalam.

Nagbukas ang sahig? How? May pinindot kaya silang kung ano para magbukas to? Hmmmm.

Pwede kaya akong magteleport? Gosh. I still don't have a plan. Baka kung anong mangyari kapag basta basta akong sumugod ng walang plano.

Hmmmm. Pano kung wala pala jan sila Allen? Pero imposible! Nanjan sila!

**

3 hours later...

Nandito parin ako sa waterway at kumakain ng chocolate.

Haistttt. Wala ba silang balak lumabas jan?! Actually may naisip nakong plano pero di ko alam kung uubra.

Baka naman kasi mas mapalala pa ang sitwasyon kung makikialam ako bigla bigla.

11am palang ng umaga.

Haistttt! I really have no choice but to do it and save them!

Pumailalim ako sa tubig at pinalubog ang sarili ko. Hanggang sa makatapak ako sa sahig.

Tinignan ko ito gamit ang x-ray vision ko at nakita kong may isang mahabang guhit.

Oh yeah, guhit. Parang hati kumbaga. Yun bang dalawang side na nagsara tas ganto ang kinalabasan.

Eto na yata yung entrance. Gamit ang yung super strength ko, pilit ko itong binuksan at nagtagumpay naman ako.

Bumaba nako dun kasama ang tubig.

Nang makababa ay nilibot ko ang paningin ko. Ohhh. Ambaho dito.

Dahan dahan akong naglakad dahil may nakita akong isang pinto na puro kalawang.

Lumapit ako dun at tinapat ang tenga ko sa pinto. Pero wala akong marinig sa kabila kaya ginamit ko nalang ang x-ray vision ko.

Wala akong makita sa kabilang side.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon