CHAPTER 36

3K 84 2
                                    

"Okay, class. Let's continue our discussion about the respiratory system." Pagpapatuloy ni ma'am na naudlot niyang klase dahil samin. Parang normal lang palang school to noh. Baka may araw para sa abilities. "What are the 4 major actions of the respiratory system? Haruna, please answer."

Nagulat ako nang tawagin ako ni ma'am kaya tumayo nalang ako at no choice kundi sagutin yung tanong niya kahit wala akong kopya.

"The 4 major actions of the respiratory system are Pulmonary Ventilation, Internal Respiration, Respiratory Gas transport, and External Respiration." Sagot ko.

"Please elaborate each." Okay, mukang galit pa yata sakin si ma'am.

"Pulmonary ventilation is also known as breathing. This is the process in which air moves in and out of the lungs. Internal Respiration, in this phase, air exchanges are taking place between the cells in the interior aspect of the body and the blood. Repiratory Gas Transport, where oxygen and carbon dioxide must circulate the blood stream to reach the lungs and tissues. And the last one is the External Respiration, the process in which carbon dioxide from the cell is expelled from the lungs as the blood in the lungs pick up a fresh load of oxygen." Tuloy tuloy kong sagot at saka umupo matapos magsalita saka iniwan sila ma'am at yung mga kaklase kong nakaawang ang mga bibig. (A/n: nakita ko lang po ito sa notebook ko. XD)

*clap* *clap* *clap*

Nagpalakpakan yung buong klase maliban kay ma'am na halatang nagpipigil ng galit. Bakit kaya?

humarap sakin si Mavis na nasa tabi ko at saka siya sakin nakipag apir.

"Good job." Nag thank you lang ako sa kanya at saka na pinagpatuloy ni ma'am ang pagdidiscuss.

"Very good, Haruna." Pilit na pagpuri sakin ni ma'am kaya pilit din akong nagpasalamat at nagbow.

**

*riiiinnnngggggg* *riiiinnnngggggg*

After two hours of discussion between 3 subjects in 1 teacher, nagring na din ang bell, sign na uwian na. Oh yeah! Hapon na kaya.

Nag unat unat muna ako at humikab saka binuksan yung phone kong in-shut down ko kanina.

'125 missed calls and 372 unread messages'

Yan yung nakalagay sa lockscreen pagkabukas na pagkabukas ko. Shemay bat ang dami? Futa.

In-unlock ko na yung phone at ipinunta na call logs at nakita kong puro unknown numbers ang mga nagmissed call. Sino to?

Pumunta ako sa messages at binuksan yung isa.

**
From: Unknown

Haruna, si Andie to. Maniwala ka o hindi, hindi talaga ako kasama kayla Izzie at sa malademonyong plano nila. This is my only chance to warn you. Mag-ingat ka sa lahat ng lugar na pupuntahan mo at sa lahat ng mga taong makakasalamuha mo. Alam kong magkikita pa tayo at sinisigurado kong babalik sa dati ang samahan natin. Kahit tayong apat nalang nila Kairo at Beth ang matira. Mag ingat ka ha.
**

Hindi ko maintindihan kung ano ang nais iparating ni Andie aa mensahe niya. Alam niya kayang nasa London ako? Nandito sila Izzie diba? Sana hindj nila ako nasundan.

Nireplyan ko si Andie.

'Oo mag iingat ako. Salamat sa payo. Sana bumalik na sa dati ang lahat. Mag ingat ka din.'

Hindi ko na tinignan pa yung ibang messages kasi tinatamad nako.

"Come on, Haruna. Let's go home." Tumayo nako mula sa pagkaka-upo at saka sinabayan sa paglalakad si Mavis hanggang sa pinto.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon