SPECIAL CHAPTER 2

3.1K 72 0
                                    

Okay, after 2 years, ngayon ko lang ulit nabuksan tong story na to. Huhuhu I miss it. At dahil nagcontinue ako ngayon, eh itutuloy ko na din yung pag edit! Pag may free time 😁 thankyouuuu!

•••••••••••••••••••••••••

"Hoy Karma walanghiya ka!! wag niyo'kong iwanaaaan!!"

"Bahala ka jan! Bilis, baby, hinahabol tayo ni mommyyyy!"

Napangiti kami ni Allen habang pinagmamasdan ang pamilyang masayang naghahabulan habang lumalangoy sa pool. Nakaupo sa may batok ni Karma si baby Rina habang hinahabol sila ni Rio.

Oh btw, nandito nga pala kami sa isang resort na pagmamay-ari ng daddy ni Allen. Kasama ang buong SC at ang kani-kanilang pamilya, si Mavis at ang pamilya niya, si Beth at ang kanyang fiancé, tapos itong sina Karma, Rio, baby Rina, at Lola. Reunion, oo. Nakakamiss kasi eh. Grabe talaga.

"Kiiiiiidssss!! Kain muna kayi ditooo!!" sino pa ba ang sumigaw? Si Izzie lang naman at tinatawag niya ang mga anak naming masayang naglalaro sa pool.

Sina Izzie at MM, dalawa ang anak; babae't lalaki. Si Ayumi at Andie naman, isa; lalaki. Sina Bianca at Nicco, isa; lalaki din. Sina Shena at Marvin naman, dalawa; parehas babae. Si Mavis, isa lang; lalaki. Si Karma at Rio, isa lang; si baby Rina. Dawa naman samin ni Allen. Si Beth di pa sila kasal ng boyfriend--este fiancé niya.

Sunod sunod na tumakbo patungo samin ang aming mga anak at dumiretso samin ni Allen sina Kaina at Ken. Pinunasan ko ng towel si Kaina at si Allen naman kay Ken.

"Anak mamaya na muna ulit kayo maglaro ha? Kakain muna tayo." sabi ko kay Kaina.

"Opo mommy."

Pumunta ako sa may buffet table at saka kumuha ng pagkain. Tatlong plato lang dahil susubuan nalang ni Allen si Ken. At ginamit ko din ang telekinesis ko dahil alam kong di ko naman to mabubuhat gamit ang dalawang kamay lang.

"wooooaaaaah Mommy!!!! The plate is floatiiiing!!!" napatingin sakin ang lahat when Kaina exclaimed.

"It's my power, baby. Now, kunin mo na yang lumulutang na plato cause it's yours."

"R-Really?? Yeheeey!!" tuwang tuwa niyang kinuha yung plato at saka nagsimula nang kumain. Pati kami ang kumain na din.

*****

Nang matapos ang lahat ay nagkayayaan naman silang maligo ulit. Pati na rin yung mga magulang, at pati ako ay niyaya.

But I insisted na ako nalang ang maghuhugas ng mga pinagserve-an ng mga pagkain dahil disposable naman yung mga ginamit namin eh.

"Hon, sunod ka maligo ha."

"Sige, hon." hinalikan muna ako ni Allen sa pisngi bago sumabay kina Kaina at Ken papuntang pool.

"Ang sweet talaga niyang asawa mo no?"

"Ay palaka!!" napapitlag ako nang narinig si Karma at nakita ko siyang nakasandal sa may pader sa tabi ng sink na pinaghugasan ko.

"Sa gwapo kong to? Napagkamalan mong palaka? Wow naman Haruna." inirapan niya pa ako.

"Baliw ka talaga. Oh? Bat di ka pa naliligo dun? Rio and Rina are waiting for you."

"Nasa CR sila. Nga pala, Haruna. May naalala ako."

"Oh? Ano naman yon?"

"Di lang ako sure kung natatandaan mo pa, pero yung dati? Yung tinanong moko kung anong dahilan kung bakit ayaw kong mag-aral? Kung bakit ayaw kong pumasok sa school?"

(⊙.⊙)

"Ahh! Oo! Karma! Naalala ko yon!" niligpit ko na yung mga hinugasan ko dahil tapos naman na.

"Haruna, I think this is the right time for me to tell you the thing about that. Naalala kong pinilit mo pa ko dati para lang dito but I refused. Alam kong ito na ang tamang oras dahil ilang taon na rin naman ang nakaraan. Ewan ko lang kung interesado ka pa ba."

"Karma! I'm interested. I want you to tell me the whole thing. Please."

"Fine." bumuntong hininga siya bago muling magsalita.

"13 years old ako non. Isa akong transferee sa Institute of St. Luke. Alam ko na non kung pano gamitin ang ability ko, pero diko sinabi kahit kanino. Kahit kina Rio at Lola, kahit sa parents ko. Isang araw non, baguhan palang ako sa school, may nambully agad sa akin. But that's not yet the reason why I stopped going to school. Araw araw niyakong binubully. Isa lang siya at madami siyang nabibiktima, pero mas malala ang mga ginagawa niya sakin. See this?" bahagya niyang itinaas ang tshirt niya at bumungad sa akin ang isang mahabang peklat. Ewan, napangiwi ako bigla. Namumula ito at parang hiniwa - not accidentally but purposely.

"Anong nangyari jan?!"

"He made this. Galit na galit siya sakin non sa di malamang dahilan. Ewan. Hawak niya non ang isang oush dagger na di ko nahalata at biglang hiniwaan ang tyan at dibdib ko. At sa sobrang galit ko at sa sakit ng naramdaman ko, di ko na nacontrol ang sarili ko at pinaapuyan ko siya sa buo niyang katawan. Sa gubat lang ng school nangyari yon kaya wala talagang nakakita non. Ang that's when it happened. I killed someone. I killed him. With my own hands. With my own ability. Simula non di nako pumasok ng school sa takot na baka mangyari lang ulit yon. At simula din non, hindi ko na ginamit ang ability ko."

Napahawak nalang ako sa bibig ko dahil sa nalaman. Gosh. Ganun pala ang nangyari. No wonder ayaw niya talagang sabihin yon sakin dati dahil sariwa pa ang sugat sa puso niya.

"I understand you, Karma. I'm sorry."

"Okay lang, Haruna. It already happened. It's already a part of the past. And habambuhay lang talagang mababaon sa puso't isip ko ay ang pagkamatay niya. Kitang kita ko non ang lungkot at pighati sa muka ng mga magulang niya. At never ding nalaman kung sino ang pumatay sa kanya. Araw araw akong nagdadasal sa Diyos, humihingi ng tawad pati na din sa kaluluwa niya."

"Karma, alam kong napatawad ka na niya. You prayed to God and did have faith. You asked for forgiveness and you repent. That's what He wants. Matagal nang namahinga ng mapayapa ang taong nagawan mo ng kasalanan.and he also didn't let you have the grudge. Ikaw lang ang nag iisip ng masama. Everyone makes mistakes, but the important thing is to learn from them. Karma, you need to live a happy life now. That boy wants you to be happy. Believe me, Karma. Just have faith."

"Thank you, Haruna." niyakap ko siya.

"Hon, ligo na tayo." humiwalay nako para puntahan si Allen.

"Thankyou ulit."

"Don't worry, Karma. We're always here. Tara! Ligo na!"

"Sige."

Holding hands kami ni Allen na naglakad papunta sa pool. Saka niyako binuhat at tumalon sa tubig kasama ko.

Lahat kami nagtawanan at masayang sinulit ang araw/mga oras na magkakasama kaming lahat.

Now I realized na hindi porke't alam mong nanjan lang lagi ang mga kaibigan mo sa paligid mo, eh hindi mo na yon bibigyan ng halaga.

Sometimes you need to treasure and seize every moment that you're with them. Hindi lahat ng oras kasama mo sila.

Ang about Karma's issue? Haist. I'm very thankful that he told me his problem. Sobrang tuwa ko na ako ang pinagsabihan niya. It means that he sees me as his true friend. And so did I.

Yokattaaaa!! Thank you, God! Thankyouuu!!

Suck a wonderful blessing for a lucky woman like me! Thank you!

_----------------------END---------------------_

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon