Siya yun. Kaparehas na kaparehas niya yung nasa video. Umupo ako sa may isang bench at saka hinintay na matapos siya.
Napangisi nalang ako nang makitang huminto yung ride. Maya maya lumabas na siya sa entrance nun nang may ngiti sa labi. Nang makita niyako, napahinto siya at napalitan ng galit yung muka. Tumayo ako at nilapitan siya. Seryoso yung muka ko ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?!?!" Galit na galit niyang sigaw pero patuloy parin ako sa paglapit. Huminto lang ako nang nasa harap ko na siya.
"Gusto lang kitang makausap." Seryoso akong nakatingin sa mga mata niya, pero siyempre wala PA akong balak kunin yung ability niya.
"Hindi kita kilala!! Lumayo ka sakin!!" Sigaw niya at humakbang paatras ng isang beses pero humakbang ako ng isa paabante.
"Pwede ka bang makausap?" Nagulat ako nang bigla siyang umiyak at umupo sa sahig. Umupo din ako. Hahawakan ko sana yung ulo niya pero umiiling siya kaya binawi ko yung kamay ko.
"*sob* bat moko *sob* gustong kausapin?" She said between sobs. Naawa naman ako sa kanya.
"Gusto ko lang malaman kung bakit mo ginagawa to?" Tumigil naman siya sa pag iyak kaya inabot ko sa kanya yung panyo ko.
Tinignan niya lang yung panyo ko at mukang walang balak kunin yon. Ang ginawa ko, ako nalang nagpunas nung luha niya. Mukang nagulat naman siya pero hinayaan nalang niyang gawin ko yun. Nang napunasan ko na, inalis ko na yung kamay ko at binalik sa bulsa ko yung panyo.
"Walang taong gustong kumausap sakin, ikaw lang." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ahh. Halika pala. Gusto mo ba sa roller coaster? Dun muna tayo para makapag usap tayo ng maayos. Nangangalay yung paa ko eh." Tumango naman siya kaya tumayo na kami.
Naglakad kami papunta sa roller coaster. Nung nasa may entrance kami nung ride, nakita ko sila Allen sa kabilang side ng roller coaster at hingal na hingal.
"HARUNA!!!" sigaw ni Ayumi.
Mukang nagulat yung babaeng katabi ko kaya nagtago siya sa likod ko. Napangiti naman ako.
"Don't worry! She's harmless!!" Sigaw ko sa kanila pero di parin nawawala yung pag aalala sa muka nila.
Humarap ako sa babae at saka siya hinawakan sa kamay. Una nakaramdam ako ng konting kuryente pero ginamit ko naman yung ability blocker ko kaya wala nang epekto sakin yun. "Tara na" sabi ko at tumango naman siya.
Hinila ko siya papunta sa may isang slot at saka kami umupo, sinara ko na yung maliit na pinto. Nakita kong sumakay din silang pito sa sumunod na slot. Waah nagkasya sila. Gamit yung telekinesis ko, ako na mismo yung nagpaandar. Nakatingin lang ako sa babae.
"Ako nga pala si Haruna. Anong pangalan mo?" Sabi ko. Binitawan ko na din yung kamay niya mula nung sumakay kami.
"E-elizabeth." Mahinang sabi niya. Ngumiti naman ako at pinat yung ulo niya.
"May dahilan ka ba kung bakit mo to ginagawa?" Tanong ko. Tumingin naman siya sakin.
"Bata palang ako, iniwan nako ng magulang ko kaya sa ampunan ako lumaki. Tumira ako dun hanggang mag pitong taon ako. Pero nung malaman kong may kapangyarihan pala ako at nalaman ko kung pano ito gamitin, umalis ako doon.
Naglibot libot ako dahil wala akong alam na lugar na pwedeng puntahan. Hanggang kahapon. Kahapon ko kasi nalaman etong Enchanted Kingdom. Naririnig kong pinag uusapan ng mga tao. Masaya daw dito at madaming rides. Tapos nangyari yung kahapon. Galing ako dito kahapon pero di nila ako pinapasok kasi wala akong pambayad.
Tapos nagalit ako. Sinira ko yung truck na babangga sana sakin tapos yung sahig dun sa daanang yon. Naiinis kasi ako sa kanila. Tapos tinakot ko yung mga staffs dito na kapag di nila ako pinapasok, hinayaang mag ride at ginulo ako sa mga ginagawa ko, sisirain ko tong EK at papatayin ko sila.
BINABASA MO ANG
The Ability User
Fantasy(Completed and editing slowly) "Highest rank: 6th in Mystery/Thriller (before I changed the genre to Fantasy)" ** Ako si Haruna Davis. Isa ako sa mga taong marunong gumamit ng aming mga abilities. Lahat ng tao may special abilities, but not all of...