Chapter 4

1.8K 37 3
                                    


"Tawagan mo muna kaya? Mukha kang baliw dyan e. Bulong ng bulong." Inis na sabi ni Kuya habang nagdadrive.

"Eehh. Baka mamaya kase may mangyaring masama dun eh." Sabi ko.

"Mamaya pa yun. Tawagan mo muna."

Seriously? Mamaya pa? Hays. Tawagan ko na nga lang muna. Di ko naisip un ah.

Dinial ko na ang number ni Claire.

I want you to stay never go away from me, stay forever. But now, now that you're gone all I can do-

Yun yung ringtone niya ah. Bat napunta sakin? Hehe. Ang galing.

PERO BAT DI NIYA SINASAGOT?!

Text ko na lang.

To: Girl

Hoy! Nasan ka! Nagaalala na ko!

Sinend ko ma yun.

Makalipas ang ilang segundo nag reply na yata siya.

Agad agad kong kinuha ung phone ko sa bag.

"Nag reply?" Tanong ni Kuya pero diko sinagot kase inunlock ko pa ung napakahaba kong password.

Pag ka unlock ay may nakakagulat na text at nakakaiyak.

"Oh? Bat ka umiiyak?" Nagaalalang tanong ni Kuya.

"Kuya... Kuya.." Mahinang sabi ko.

"Bakit... Bakit.." Asar ni Kuya.

"Kuyaaa..."

"Bakiiiiit..."

"Kuyaaaaa!"

"Tangina, Bakit?! Kanina pa ah!" Nagulat ako dun ah. Lakas ng boses. Tyaka nagmumura pala siya kala ko hindi. Hayaan mo na. Di ko naman siya susumbong dahil minumura ko rin siya minsan. Hehe.

"8888 lang pala ung nagtext. Kaazar." Natawa ng bahagya si kuya.

Maya maya lang ay tinigil ni Kuya yung kotse.

"Hoy. Bat mo hininto?" Napatingin ako kay Kuya kase hindi siya sumagot at parang may inaaninag sa daan.

Kinalabit ko siya ng matindi kaya napatingin siya sakin.

"Bat mo kako hininto?" Tumingin ulit siya sa bintana.

"Nakikita mo yun?" Sabi ni Kuya kaya tumingun din ako sa tinitingnan niya.

Hala! Ano yun! Bat may... OHMYGOSH!

"Kuya! Tulungan mo! Alam mo naman na may nirerape na ata eh!"

Oo. May nirerape o hindi yata rinerape dahil di pumapalag ung babae baka di lang nila napigilan sarili nila.

Medyo malapit lang naman kaya kita ko. Medyo madilim nga lang.

Siguro di nila nakikita ung kotse.

"Pano?" Napatingin ako kay Kuya ng gulat!

"Anong pano?! Suntukin mo!" Sigaw ko pero kinagat niya yung ibabang labi niya na parang nag iisip tapos tumingin ulit sa bintana.

"Di naman yata rinerape yan. Di nga pumapalag ung babae eh."

Katahimikan...

Bigla kaming nagkatinginan ni Kuya na nanlalaki ang mata!

"BAKA PATAY NA YUNG BABAE?!" Sabay naming sabi ni Kuya at agad agad kaming lumabas para sugudin ung rapist ng patay. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Pagbabayaran niya tong ginawa niya sayo kung sino ka man.

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon