RenneloppeMadadali lang ung homeworks kaya napagpasyahan kong gawin yon ngayon para pagkatapos ay wala na kong gagawin mamaya o bukas ng Sunday.
Define define lang naman. Nakukuha naman yun sa book.
Kinuha ko muna ung phone ko para magpatugtog.
Namili ako ng music at ang napili ko ay Paper Hearts by Tori Kelly! May cover niyan si Jungkook. Grabe. Nakakabaliw. Haha!
Pictures I'm living through for now
Trying to remember all the good timesPumikit ako at sinabayan ung kanta. Chorus na nga pala yan. Hehe.
Our life was cutting through so loud
Memories are playing in my dull mindI hate this part, paper hearts
And I hold a piece of yoursHoping that you won't forget about it.
Pinause ko na ung kanta kase baka di ko na magawa ung homework ko. Ahaha.
---
"Pagbili yelo, yelo pagbile!" Nagising ako dahil may bumibili ng yelo.
"Ay, sandali lang po." Tumayo ako para sana kumuha ng yelo pero naalala kong di naman kami nagbebenta ng yelo.
Tumingin ako sa bumili ng yelo kuno. Eh kaya naman pala e! Pinagtripan ako ni Ate na nakasandal sa gilid ng pinto ko!
Tawa siya ng tawa.
"Hahahahaha! Ang epic ng mukha, shet." Asar niya.
"Tss. Bat mo ba inistorbo tulog ko. Sarap sarap ng tulog ko sa desk e!" Nakatulog ako habang ginagawa ung homework ko.
"Ahahaha! Tara. Pasyal tayo." Aya niya.
Tiningnan ko muna ung ginagawa ko na homework kung tapos na.
"Di pa ko tapos e." Sagot ko.
"Mamaya na yan! Ililibre nga kita e!" Bigla akong tumayo nung libre na ang usapan.
"Teka. Ligo lang ako." Natawa siya.
"Haha. Oo sige." Sabi niya at lumabas na sa kwarto ko.
Kumuha na ko ng tuwalya sa cabinet ko at pumasok na sa CR.
---
"Di ko nga din alam ung nangyayare dun e." Tukoy ko kay Claire. Magkausap kami ni Ate ngayon dito sa tricycle.
"Eh? Bigyan mo na lang ng space si Claire. Hayaan mo muna siya." Sagot ni Ate.
"Andito na po tayo." Sabi ni manong na nagdadrive ng tricycle.
Nasa park kami.
"Kuya. Eto po bayad." Inabot ni Ate ung bayad kay Manong tapos bumaba na kami.
"San mo gustong kumain?" Tanong niya.
"Dun na lang." Turo ko sa Carinderia ni Mang Kanor. Haha! Yan ung nakalagay sa tarpaulin e.
"Ay sige, tara. Bet ko ung pa-sabaw dyan." Hinila na ako ni Ate.
"Atee! Ano to?" Tawag ni Ate sa nagtitinda dito sa carinderia.
"Menudo po." Tumango si Ate tas lumingon saken. "Gusto mo?" Tanong niya saken. Tumango ako.
"Ate dalawang order nitong menuds tas dalawa ding kanin. Diba may pa sabaw dito? Dalawa din non. Dito kakainin. Mamat, Ate Ganda!" Mabilis na sabi ni Ate. Halos maluka ung nagtitinda.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHER
Teen FictionAko si Renneloppe S. Gallardo. 15 years old. Nag-aaral sa St. Anthony HighSchool. 3rd year HS. May mga kapatid ako. Kuya at Ate. Ang pangalan ng Kuya ko ay Rovene. 17 years old. College sa.. San pa ba? Edi sa St. Anthony College. Magkahiwalay ung...