Chapter 16

947 21 3
                                    


Ang almusal ay sigawan ang hapunan naman natin ay tampuhan ang miryenda pagdududaaa

Pero mahal kita wala nang hahanapin pang iba handa kong magtiis kahit na! Away away away pa tooo!

Tsk. Ano ba yon kanina pa yon ah. Paulit ulit e.

Ang almusal ay sigawan ang hapunan naman natin ay tampuhan ang miryenda pagdududaaa

Pero mahal kita wala nang hahanapin pang iba handa kong magtiis kahit na! Away away away pa tooo!

Ayan na naman!

Minulat ko na ung mata ko at kinalabit ung katabi ko.

"Ano ba? Natutulog ako e." Sabi niya at nagtalukbong ng kumot.

Bumangon ako at nakakunot ang noong ginalaw galaw siya.

"Ano ba yon?!"

"Aray! Pucha ung balakang ko!" Tinulak ba naman ako dito sa kama! Hurangyina.

"Hala! Sorry! Sorry!"

Bumangon si Ate at tinulungan akong tumayo.

"Bat ka kasi nanggigising?"

"Yung alarm mo kasi paulit ulit! Napakaingay!" Sabi ko habang hinihimas ung balakang ko.

"Puuuuuttttt!!!! Kanina pa ba tumutunog ung alarm ko?!"

"Oo! Nung una nagising pa ko pero nakatulog ulit ako! Mga 5:00 siguro yon!"

Tumakbo siya at kinuha ung cellphone niya sa mesa.

"6:30 na! Pano yan?! Late na ko! Puta baka matanggal pa ko sa trabahooo!" Pinanood ko lang siyang natataranta. "Hoy! Ikaw ba? Di ka pa ba late?"

Nanlaki ung mata ko pero nung narealize kong cool ako ngumiti ako pero sa gilid lang. Ngiti sa gigilid. Korni?

"Late." Sagot ko.

"Eh bat di ka pa gumagalaw dyan?"

"Cool ako e." Sabi ko sabay smirk at lumabas na ng kwarto niya.

Sa kwarto niya ko natulog kasi nagkwentuhan kami.

Mga 2 ng madaling araw na ata kami nakatulog kaya bangag kami ngayon.

Kaya ako chill ngayon dahil tuwing tuesday walang masyadong ginagawa sa school.

Pumasok na ko sa kwarto ko at naligo na.

---

Bumaba na ko agad sa kotse pag ka dating na pag ka dating sa school.

"Uy, bes di ko nagawa ung ibang homework. Nakatulog ako e. Pakopya naman."

"Nako bes, bawal parehas sagot e. Baka maaward tayo kay, Ma'am."

Sa room ba namin yon?

Um? Nah. Wala nga kasing ginagawa pag tuesday.

"Uy kinakabahan ako, pre. Tangina napakahirap naman kasi magbigay ng homework ng mga teacher naten e." Oh! Boses ni Allen yon ah!

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon