Chapter 1: The beginning

335 12 1
                                    

Smile's P.O.V

•flasback•

Pagbaba ko ng bus,hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Wala
naman akong kakilala dito sa Maynila.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nagtungo ako sa isang malapit na restaurant. Medyo nailang ako dahil pagpasok ko, halos mayayaman ang mga kumakain.

Umupo ako sa isang vacant table. Nag order ako ng pagkain.

Paglapag ng mga order ko sa harapan ko, agad kong sinunggaban ang pagkain. Gutom na talaga kasi ako. -_-




Pagkatapos kong kumain,lumapit sa akin yung waitress. Hinihingi ang bayad ko.


Kinapa ko yung bulsa ko. Nang buksan ko ang wallet ko, nagulat ako. Patay! 100 pesos na lang pala yung naiiwang pera ko.

Napatingin ako sa waitress tsaka ako yumuko.

"Sorry po."

"Sorry? Anong sorry, akin na ang bayad mo!" ,sigaw niya at hinablot ang wallet ko. Naiiyak ako sa sobrang kahihiyan.

"Guard, damputi niyo nga to! Kumain ng pagkarami-rami eh wala namang pambayad!", utos nung waitress.

"Po? Wag po, maawa kayo saken. Bago lang po ako dito sa Maynila".
Pero wala pa ring pakealam yung waitress.

Nang dadamputin na sana ako nung guard,may pumigil sa kanyang customer. Babae.

"Hey, stop it! Ako na lang magbabayad para sa kanya."

Haayy. Salamat Lord.

Bigla akong hinawakan nung babaeng nagbayad ng order ko at inakay palabas ng resto. May kasama siyang lalake na medyo may edad na rin. Sa pagkakaaalam ko'y asawa niya.

Nang makarating kami sa parking lot, huminto kami sa harap ng isang sasakyan. Ang gara.

"Pasok ka hija", nakangiting sabi nung babae.

"Po?, san niyo po ko dadalhin?", nag-aalalang tanong ko. Baka kasi mamaya may kapalit pala yung pinambayad nila sa order ko.

Natawa yung lalake.
"Dont worry hija, hindi kami masamang tao ng misis ko. Ihahatid ka lang namin sa inyo. Saan ba ang bahay niyo?"

Yumuko ako.
"Wala po akong bahay dito. Bago lang po ako dito sa Maynila.", sagot ko.

"Naglayas ka no'?", tanong nung babae.

Tumango na lang ako.

"Tena, sumakay ka na hija at kami na ang bahala sayo, okay?",sabi nung babae.

"Po?"

"Naku, mamaya ka na magtanong hija. Basta sumakay ka na ng kotse dahil mainit dito sa labas." Natatawang sagot niya.

Sumunod naman ako. Pagsakay ko ng kotse tumabi sa akin yung ale. Maganda siya kahit na medyo may edad na. Ganun din ang asawa niya. Matikas pa rin ito at matipuno.

"Anong pangalan mo hija?", tanong sakin nung babae.

"Smile po "

"Smile? Wow! Napakagandang pangalan."

"Salamat ho.", pilit akong ngumiti.

"So, bakit ka naglayas?", tanong ulit niya.

Hindi ako makasagot. Ano bang dapat kong sabihin? Na naglayas ako dahil minamanyak ako ng mismong tito ko? Na naglayas ako dahil pinilit akong makipagtalik ng boyfriend ko at nang nakuha na niya ang gusto niya'y iniwan ako at pinagpalit sa iba? Na kaya ako naglayas ay para makaiwas sa kahihiyan ang pamilya ko kapag natuklasan nilang may anak silang kagaya ko?
Anu bang dapat? Dapat ko bang sabihin ang lahat lahat tungkol sa buhay ko?
Kinse- anyos pa lamang ako pero andami nang nangyari sa buhay ko na diko inaasahang mangyari. Dapat ba na sabihin ko lahat yun sa kanila? Maiintindihan kaya nila?

"Uhm, sige tsaka mo nalang ikuwento kapag handa ka na", sabi nung babae.

Napansin siguro niyang tulala lang ako at hindi makasagot.
Pero sa pagkakataong yun. Diko inaasahang tutulo ang masaganang luha sa mula sa mata ko.

Nataranta tuloy yung babae.

"Oh my. I'm sorry hija. Hindi ko alam na---"

Hindi ko alam pero napayakap ako sa kanya bigla.
"Huhuhuhuhuuhuhuhuhu"

Para akong bata na nagsusumbong sa nanay ko.

Niyakap niya ko. Hinaplos haplos niya ang likod ko para patahAnin.

"Ssshhhh. It' s okay hija. Lilipas din yan."

"Naglayas po ako kase......."
Duon ko kinuwEnto ang lahat tungkol sa akin..

HOW COULD YOU SAY YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon