Chapter 5: IKAW?!

165 10 1
                                    

Smile's P.O.V

Pagkatapos ng klase namin ay minadali kong inayos ang mga gamit ko. Magla-lunch pa kami ni tita Sandra at ayoko naman siyang paghintayin. Oh! With his son.

"Uy, Smile. San punta mo? Tara sabay ka na samin ni Faith kumain ng lunch". Anyaya ni Real sa akin.

"Ay! Nga pala. Smile, eto si Faith kaibigan ko. Faith, this is Smile, transferee siya. Bago nating kaibigan."

"Hi" nakangiting wika sa akin ni Faith at tsaka ako kinamayan.
Ganun din ako.

"Oh, ano sabay ka na samin."

"Naku, may usapan kami ni tita Sandra eh. Sabay kaming maglalunch. Sorry."

"Ganun ba? Oh sige. Okay lang. Next time then." Sabi ni Real sa akin at tsaka kumaway para magpaalam.

Pagkalabas nila, ay sumunod na rin ako. Nagmadali akong pumunta sa office ni tita Sandra. Paniguradong naghihintay yun ngayon. Kasama si Geo.

Wait! Geo? Teka, Geo ang binanggit niyang pangalan ng anak niya kanina. Hindi kaya----. Imposible!


Binilisan ko ang paglalakad at nang malapit na ako sa office ni tita Sandra ay bigla ko iyong binuksan.

Nagulat ako dahil may lalaki siyang kasama. Hula ko ay ka-age ko ang lalaking iyon.

Nilingon ako ni tita Sandra. Sana mali ng hinala ko. Sana mali. Sana mali na si Geo Gago ang anak ni tita Sandra. Dahil pag nagkataon mahihirapan ako. Mahihirapan akong mag adjust.

Nilingon ako nung lalake at laking pasasalamat ko na hindi nga iyon si Geo Gago.
Haayyy.

"Oh, iha. Andiyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay. Maupo ka."

Umupo ako sa katapat na upuan nung lalaking kausap kanina ni tita Sandra. Nginitian niya ako.

Napakatamis ng mga ngiti niya. Ang matangos na ilong nito, ang mala-kapeng mata, ang manipis at mapupula niyang labi ay bumagay nang husto sa hugis ng mukha niya. Maganda rin tignan ang gupit nito.
Matikas ito at kitang kita ang tindig ng katawan niya kahit nakaupo lang ito. Moreno at halatang mabait siya base sa mga mata niya.

"Oo nga pala iha. Siya si Kurt, pamangkin ko. And Kurt, this is Smile, anak siya nina Criselda at Dominic."
What?! So, hindi siya si Geo? Hindi siya yung anak ni tita Sandra?

"Hi, Smile. Nice meeting you." Kinamayan niya ako. Ang init ng kamay niya at ang lambot.

Ngumiti nalang ako.

"Smile iha, hintayin lang muna natin saglit yung pina-order kong pagkain mula sa canteen. Okay lang ba?"

"Okay lang po tita" sagot ko.

"Uh, tita I have to go. Hinihintay pa ako ng mga kaibigan ko sa labas." Sabi niya. Tumango si tita. Nginitian niya muna ako bago siya tuluyang lumabas.

"Kamusta ang first day mo dito iha?" Baling sa akin ni tita habang umaayos siya ng upo.

"Okay naman po tita. May naging kaibigan na nga po ako eh. Sina Real at Faith".

Tumango-tango siya. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa school at sa mga estudyanteng nag aaral. Hinintay namin ang sinasabing order ni tita at dumating naman iyon.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay biglang bumukas ang pinto ng office. Padabog iyon kaya't napalingon si tita Sandra.

Nagulat ako. This is not true. It can't be. Please wag siya! Ayoko siyang makita. Alam kong mahihirapan ako. No,please!

"Sorry, I'm late".

"Oh iho, bakit ngayon ka lang? Come, let's eat. "

Nang nilingon niya ako at saktong nilingon ko rin siya, kitang kita ang gulat sa mga mata niya. Ganun din ako.






"Ikaw?!" halos magkasabay naming sabi.

Well, tama nga ang hinala ko. Ang manyak na to ang anak ni tita. Pero bakit? Bakit siya pa? Ang daming estudyante dito pero bakit siya pa? Bakit ang gagong yan pa ang naging anak niya? Siguro mas tanggap ko pa kung si Leift o si Jhann ang anak niya eh. Mas matino pa ata ang mga yun ng konti. Argh! Siguradong mahihirapan ako neto.

Lumakad siya papunta sa tapat ng silyang inuupan ko. Tinitigan niya ako. Ang talim ng mga titig niya.

"So, magkakilala kayo Smile?Geo?" pukaw na tanong ni tita Sandra. Dahilan para magbago ang expression ng mata ni Geo. Naging seryoso na ito.

Ako ang sumagot.
"Ahh. Opo tita. Accidentally pong nabangga ko siya kanina. Kaya---"


"Kaya inaway ka niya?" putol ni tita sa sasabihin ko.

Napalingon ako kay Geo. Nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng seryosong titig niya. Hindi ko mahagilap.
Yumuko nalang ako at pilit na sumubo sa pagkain.

Narinig kong bumuntong-hininga si tita. Binalingan niya si Geo.

"Geo naman. Bakit mo na naman ba ginawa yun? Nakakahiya kay Smile, transferee siya dito. Kelan ka ba titigil sa pambubully mo?" mahinahong sabi ni tita.

Tumingin ako kay Geo. Seryoso pa rin ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

"Naku, okay lang po yun tita. Hindi naman niya ako sinaktan. Wala naman po siyang ginawa"
sabi ko at tumingin sa kanya ng matalim. Diniinan ko talaga ang salitang ginawa para maintindihan niya ang ibig kong sabihin.
Pasalamat ka sakin bakulaw ka at di kita sinumbong sa kagaguhan mo!

"Hayy naku. Buti naman kung ganon. Dahil sasakit na naman ang ulo ko sa batang to."

"Ayos lang po ako". Sagot ko ulit kay tita. Nilingon ko ulit si Geo. Nakatitig pa rin. Seryoso. Wow lang ha! Ang kapal ng mukha niyang titigan pa ako pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin!


"Oh siya, sige na. Kumain na kayo".


Tinuloy ko ang pagkain. Pilit ko iyong nilulunok dahil di ako komportable sa presensiya ng manyak na to! Sana lang pagkatapos nito ay di ko na siya makita pa! Sa lawak ng school na to siguradong makakaiwas ako sa kanya. Ayoko siyang makita dahil kumukulo ang dugo ko sa hinayupak na to!

Nilingon niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay. May gana ka pang iharap yang mukha mo!

Nakita ako ang ngisi niya at mas lalo akong nainsulto. Aish! Nakakainis talaga!


















vote!

Comment!

HOW COULD YOU SAY YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon