Smile's P.O.V
Sinadya ko talagang gumising ng maaga para makapagluto. Nasa kusina ako at masayang naghahalo ng niluluto kong paksiw na bangus nang bigla akong lapitan ni aling Mina. Halata ang gulat at pagtataka na rumehistro sa mukha niya.
Si aling Mina ang mayordoma ng mga katulong dito sa mansiyon ng mga De Guzman. Siya rin ang nagdala ng pagkain sa kwarto ko kagabi.
"Naku senyorita! Anong ginagawa niyo rito sa kusina? A-at.. nagluluto pa?"
Ano raw? Senyorita? Aba! Anong pinagsasasabi nitong si aling Mina? Tsaka anong masama dito sa ginagawa ko? Gusto ko lang namang tumulong dahil nakakahiya naman kung magbubuhay prinsesa ako rito. Pinatuloy nila ako kaya kaylangan kong tumulong. Pambawi ko lang kahit papano.
"Susmaryosep! Bitawan niyo pa yang sandok senyorita. Baka mapagalitan kami ni Senyora kapag nakita kang nagpapagod." sabi nito at inabot ang sandok na hawak ko. Ano bang meron? Bakit ako tinatawag na Senyorita ni aling Mina? Baka naman nananaginip to. Pero may nananaginip bang gising? Na nakadilat? Aish! Ewan!
"Teka ho. Teka lang po Aling Mina. Ano po bamg masama sa ginagawa ko? Tsaka gusto ko lang naman pong tumulong sainyo. Nakakahiya naman po kung magbubuhay prinsesa ako dito. Eh hindi naman po ako bisita." Sabi ko. Pero halata sa mukha ng matanda na hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. At mas lalo pang kumunot ang noo nito.
"Naku! Ikaw talagang bata ka. Masyado kang mabait. Natutuwa talaga kami sayo." Nakangiting sabi nito.
"Alam mo kase iha. Hindi kasali sa trabaho mo ang pagluluto. Tsaka , bawal kang magtrabaho dito. Mapapagalitan kami kay Senyora."Bakit ba? Anong mapapagalitan? Hindi ko talaga maintindihan si aling Mina. Anong sinasabi niya?
"H-hindi ko po kayo m-maintindihan aling Mina."
Napabuntong hininga nalang ito at tumingin ng diretso sa akin. Magsasalita na sana siya nang biglang...
"Aling Mina, anong nangyayari dito?" Si maam Criselda.
"Eh senyora. Nakita ko po kase itong si senyorita na nagluluto. Eh bawal naman siyang magtrabaho dahil alam kong magagalit kayo." Paliwanag ni aling Mina.
Teka. Ano ba kasing nangyayari? Palalayasin ba ko dito kaya ayaw nilang magtrabaho ako? Tsaka. Bakit ako tinatawag na Senyorita ni aling Mina? May hindi ako alam.Tumingin sa akin si maam Criselda. Nakangiti ito. Nagtataka man ay nginitian ko rin siya.
"Halika iha. Mag usap tayo. At aling Mina, pasensya na kayo sa kakulitan nitong anak namin. Ako na pong bahala. " pagkasabi nun ay iginaya ako ni maam Criselda papunta ng sala.
Narinig ko kanina ang sinabi niya kay Aling Mina. Tinawag niya akong anak. Teka. Bakit? Samantalang hindi ko naman siya ina? At kahapon lang nila ako napulot ni Sir Dominic. Aish! Ano bang nangyayari? Naguguluhan nako. Kelangan ko talagang malaman kung anong nangyayari ngayon. May hindi talaga ako alam.
"Alam kong nagtataka ka kung bakit ka tinatawag na senyorita ni aling Mina." Panimula ni Maam Criselda.
"Alam ko ring nagtataka ka kung bakit kita tinawag na anak kanina." Pagkasabi niya nun ay lumingon siya sa akin at ngumiti. Ang mga ngiting yan. Nakakagaan ng pakiramdam.Tumango ako bilang sagot.
"Ano po bang nangyayari mA'am Cris----"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ng hintuturo niya ang bibig ko."Ssssshhhh. Don't ever dare to call me 'Ma'am' . Dahil simula ngayon, isa ka ng De Guzman." Nakangiting paliwanag niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Ano raw?
"H-ho?""Yes. Ikaw na ngayon si Smile De Guzman. At pinaayos ko na din ang lahat ng papers mo kay Attorney Lim para maging legal kaming mga magulang mo ng asawa ko."
Napanganga ako sa narinig ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko yata to kaya.
Lumapit siya sa akin.
"Hindi ka kayang alagaan at protektahan ng mga kinalakhan mong pamilya. Kaya ngayon, kami ang mag aalaga at magpoprotekta sayo iha. From now on, Mommy na ang tawag mo sa akin,okay? "
"At daddy na rin ang tawag mo sa akin iha." Nakita ko si sir Dominic na palapit sa amin. Maluwang ang ngiti nito.
Sabay ko silang tinitigan. Tsaka ako yumuko. Gustong lumabas ng mga luha ko pero pinipigilan ko.
Alam kong naging masalimuot ang buhay ko sa probinsiya. Napakasakit. Pero hindi ko inaakala na ganito ang magiging kapalit ng lahat.
"Kami ang mag aaruga saiyo." Hinila ako ni Maam Criselda at niyakap nila ako ng mahigpit.
"M-mommy? D-daddy?"
Sabi ko. At tuluyan na ngang nahulog ang mga luhang kanina pa nagpipigil pumatak.Hinagod nila ang likod ko.
"Anak..." sambit nila. Ramdam ko ang emosyon na iyon. Dahilan para mas lalo akong napahagulgol.Tumagal kami ng mga ilang minuto sa ganuong sitwasyon bago ako kumalas at nginitian sila. Ang bago kong Mommy at Daddy.
Niyakap nila ulit ako. Sa pagkakataong iyon ay natawa na ako ,ganuon din sila.
Tahimik akong umusal ng pasasalamat sa Diyos dahil sa pagdating nila sa buhay ko.
•end of flahback•
Vote!
Comment!
Happy reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/75723904-288-k825702.jpg)