Chapter 2: REBORN

221 10 0
                                    

Smile's P.O.V

Paggising ko, nasa isang kwarto ako. Maganda at maluwang ang kwarto.
Nasaan kaya ako?

"Teka.."
Saglit akong napaisip.





Tama! May kasama akong mag asawa kanina. Pero nasaan na sila? At nasaan ako?


Biglang bumukas ang pinto.

"Oh, gising ka na pala hija."
Lumapit siya at naupo sa tabi ko.

"Nakatulog ka kase kaninang umiiyak ka. Hindi na kita ginising. Alam kong pagod ka."
Nakangiting sabi niya.

"Salamat po,ma'am?"

"Criselda hija. Criselda De Guzman. At yung kasama natin kanina, siya si Dominick, ang asawa ko."

"Maraming salamat po sa pagmamalasakit niyo sakin ma'am Criselda. Kahit po na hindi niyo ko kilala, hindi niyo po ako pinagkaitan ng tulong."

"Your welcome."

Tumyo ako at umayos. Nagpasalamat ulit ako tsaka ko kinuha yung bag ko.

"Oh, bakit hawak mo yang bag mo? Saan ka pupunta?" Tanong ni ma'am Criselda.

"Kailangan ko na pong umalis. Baka po gabihin ako sa daan. Maghahanap pa po kase ako ng trabaho at matutuluyan."
Nakayukong sagot ko.
Nakakahiya naman kase kapag dumito pa ko.

Natawa siya. Bakit?

"No hija, you'll stay here. Wether you like it or not. Dito ka na titira. At ito ang kwarto mo."
Sagot niya ng nakangiti. Hindi kailanman nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

"P-po?"
Titira ako sa mansiyon na to? As in?

"Yes. Dito ka na titira. At huwag ka ng umayaw dahil kapag tumanggi ka, magagalit ako sayo."

Ano raw?
Nabingi yata ako sa sinabi niya.
Pero hindi ako makaimik.
Parang may kung anong bagay na nakalagay sa lalamunan ko para pigilan akong tumanggi.

Pero sabagay, sa ganitong oras ng gabi. Huh? Oo gabi na pala. Di ko lang alam kung anong oras. May mahahanap pa ba akong trabaho? At hello? Makakahanap ba ako kaagad ng matutuluyan ko samantalang ni piso eh wala akong dala?

Utak mo talaga Smile!

Napatigil ako sa kakausap sa sarili ko nang mapansin kong naktitig siya sa akin. Maluwang ang ngiti niyang iyon.

"Bakit po?"

Lumapit siya sa akin.
"Wala naman. Napakamahiyain mo talaga. Natutuwa ako sayo.

HOW COULD YOU SAY YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon