Chapter 5: The second meetings

203 10 0
                                    

Jhann's P.O.V

Habang naglalakad ako ng hallway, bigla nahagip ng tingin ko ang babaeng umiiyak na nakaupo sa may bench. Tahimik lang yung hikbi niya. Para siguro hindi mapansin. Pero bigo naman siya dahil kitang kita ko siya.

Aalis na sana ako nang marinig ko na ang hikbi niya. Halata ang sakit sa bawat hikbi nito. Nilingon ko siya at tinitigan.
Wow! Sexy pala siya. Maputi at makinis ang balat niya. Mahaba na kulot sa dulo ang buhok na nakalugay.
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Hi miss. Uhm kelangan mo yata to". Sabi ko sabay abot ng panyo. Naaawa kase ako sa ayos niya. Halata mong nasaktan talaga siya ng sobra.

Unti-unti niyang inangat ang ulo niya at nakita ko ang mukha niya. Maitim ang mga mata niya. Makapal ang kilay at pilik mata niya. At bagay na bagay sa kanya ang maputi at makinis nitong pisngi. She's so beautiful! Damn!

Nang makita niya ako ay nagulat siya at napaatras. What? Wala naman akong ginagawang masama ah.

"J-jhann?" Tanong niya. Gulat na gulat siya.

Napangiti ako. Oh! I forgot. Kilala pala ako ng mga girls dito sa school. Tsk.

"Don't worry, hindi naman kita sasaktan. Here." Inabot ko ang panyo ko sa kanya.
Tinitigan niya lang ito.

"Diko pa nagagamit yan. Sige na, kunin mo na" sabi ko at inabot ulit sa kanya ang panyo.

Kinuha niya rin ito sa wakas.
Pinunasan niya ang luha niya at saka yumuko.

"Nga pala, bakit ka umiiyak?" Nacurious lang kase ako. Grabe  siya makahikbi kanina.

Lumingon siya sa akin na nakakunot-noo. What? May masama ba sa tanong ko?

"U-uhmmm. S-sige. Kailangan ko nang umalis. May klase pa kase ako. Sige, salamat." Sagot niya at tumakbo na paalis.
Tinawag ko ulit siya pero di na siya lumingon. Aish! Di ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Paglingon ko sa inupuan niya kanina ay may nakita akong notebook.
Dinampot ko ito at binuklat.
Nakita ko doon ang pangalan niya.

"Faith Villanuevo". Napangiti ako. Mukhang sinuswerte ako ngayong araw ah.

Binuklat ko pa ulit ito. Laking gulat ko nang makita kong diary niya pala ang hawak kong notebook. Kaya naman pala andaming mga designs na stickers.

Magbabasa pa sana ako nang may tumawag sa akin. Si Tom.

"Kanina ka pa hinahanap nina Geo at Leift."

"Sige, sunod nako."
Nilagay ko sa bag ko ang diary ni Faith. Ito ang gagamitin ko para mas lalong mapalapit sa kanya.

*****

Smile's  P.O.V

Halos mag-alburoto ako sa galit kanina sa ginawang kabastusan nung lalakeng yun! Bwisit!
Oo. Hindi yun ang first kiss ko. Pero hindi naman ako papayag na ganun nalang ang gawin ng gagong yun! Ugh!

"Huy! Tama na yan. Grabe ka ha. Para kang dragon kung magalit jan. First time mo?" Tanong ni Real sa akin habang nakaupo kami sa room. Wala pa kase yung teacher.

"E-eh. H-hindi. Pero ayoko pa rin yung ginawa niya! Nakakainis. Pambabastos yun noh!"

"Sabagay. Tama ka. Naranasan ko na rin yan. Ganyan din kase ginawa ni-----" tumigil siya at tinakpan ang bibig niya.
Tss. Magsisikreto pa.

"Ni? Sino? Tell me. Di ko naman sasabihin eh."
sabi ko. Alam kong may experience na rin to. Halata na eh. Tinatago pa.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ayaw niya kaseng sumagot.
"Real, tinatanong kita. Mahiya ka naman sa pangalan mo ha. REAL. Kaya dapat totoo yang sasabihin mo."

HOW COULD YOU SAY YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon