Chapter 4: Meet the stupid heartrob

285 14 0
                                    

Smile's P.O.V

"Nak, sigurado kabang okay ka lang kahit na di na kita ihatid sa school niyo? " tanong ni Mommy Cris habang nagpeprepare ng gamit ko sa school.

Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko at humarap sa kanya.

"Ma, fourth year high school na po ako. Alam ko na po ang pinupuntahan ko dun kahit na bago lang ako sa school na yun." Sagot ko. Tsk. Si mommy talaga kase ginagawa akong baby. Di naman ako maliligaw dun . Magtatanong tanong nalang ako sa mga students dun na makakasalubong ko.

Bumuntong hininga si Mommy.
"Hayaan mo. Tatawagan ko mamaya yung kumare ko na may ari ng school at siya ng bahala sayo dun. Okay?"

Tumango ako bilang sagot.

Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na sa kanya.

******

Pagdating ko sa school ay agad kong hinanap si tita Sandra. Siya yung kumare ni mama na sinasabi niyang tutulong sa akin.

Naglakad lakad muna ako sa field at pinagmasdan ang school. Halatang puro mayayaman ang nag aaral dito.

Napako ang tingin ko sa taas ng building kung saan nakasulat ang Marker o ang pangalan ng school.

"Lee-Hyun-Dee Academy".
Bakit kaya yun ang pangalan ng school? Ang sabi sa akin ni mama, apilyedo raw ng mga may ari ng school ang pangalan nito. Mga Korean raw.

"Hmmm? Kaya pala ganyan ang pangalan. Koreano pala ang mga may ari. " sumagi tuloy sa isip ko si tita Sandra. Asan na kaya siya?

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Smile?" Si tita Sandra.

****
Dinala niya ako sa office niya habang nagkukwento siya tungkol sa school.

"Sina Miranda Hyun at Melva Dee ang mga kasama kong nagpapatakbo at nagmamay ari ng school na to. At alam mo ba iha. Yung mga anak din naming lalake ay dito rin nag aaral. " kwento pa nito.

Mabait si tita Sandra. Kapag dumadalaw siya sa bahay para kamustahin si Mama ay dinadalhan pa niya ako lagi ng pasalubong. Mga dress at blouse ang binibigay niya. Para ko na rin siyang pangalawang ina kaya close talaga kami.

"Ano pong pangalan ng mga anak nung mga kumare mo tita?"

Kahit matagal na silang magkakilala ni mama at madalas siyang dumadalaw sa bahay, ni minsan ay diko pa nakita ang anak niya. D rin naman kasi ako nagtatanong. Basta kapag naibigay na niya yung pasalubong niya, umaakyat na kaagad ako sa kwarto ko.

"Ah. Si Leift, anak ni Miranda. Si Jhann naman , anak ni Melva. Naku! Ang gagandang lalake ng mga binatang yun iha. Lalong lalo na yung anak ko, si Geo. Sus! Napakagwapo at napacute na lalake. Kamukhang kamukha niya yung ama niya."

Natawa ako. Proud na proud talaga siya sa anak niya.
"Eh tita, asan na po ba ang papa ni Geo?"

Biglang nawala ang maliwanag na mukha at malawak na ngiti nito. May masama ba sa sinabi ko?

"Ah. Yung papa ni Geo ba kamo iha? Wala. Wala na siya. Nung nasunog yung school na pinatayo nilang magkakaibigan sa Seoul, nadamay sila. Sila nung tatay nina Leift at Hyun. " malungkot na sabi nito.

"Im sorry tita."

"No. It's okay. Kahit na ganun ang nangyari. Kahit papano, nakaraos naman kami. Pagkatapos ng insidenteng yun, nagpasya kaming magkakaibigan na umuwi ng Pilipinas at magpatayo ng sarili naming Academy. At heto. Naging successfull naman."

HOW COULD YOU SAY YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon