Disconnection Notice

1.1K 11 1
                                    

What goes around comes back around(Hey, my baby!)'

Oo. May katotohanan naman ang lyrics ni Beyonce sa kanyang kantang "Best Thing I Never Had". Pero di ko sinulat to para magbigay ng review tungkol dun. Instead, sinulat ko to dahil gusto ko syang gamitin on a more serious note.

Ako, aaminin ko, madalang lang akong magbukas ng t.v o makibalita sa kung anumang kaganapan dito sa Pilipinas o kahit sang lupalop pa ng sansinukob yan. Wala. Di mo 'ko maaasahan. Pwede kong idahilang 'Watching t.v is just a waste of time!' o di kaya 'There are much better ways to kill time!'

Di ko sinusulong na kailangan nating manuod ng t.v ha!? What I just want to say is, at least, maging aware tayo sa mga nangyayari sa paligid. And don't dare you say 'Wala akong pakialam!' dahil binibigyan mo ko ng attitude. At alam mo kung sino pang binibigyan mo ng attitude? Itong mundong to na tinatawag sa ingles na 'Earth'; na namumukod-tanging ang ganda kung pagmamasdan sa kalawakan; na kung iiikot ang oras at taon e mas maganda pa nung nakaraan; na kung ihahambing mo ngayon e mapapa -'no comment' ka nalang.

Pero really, we don't have a say to this?

Di ako banal ha? Alam kong di rin ako naging mabuting steward ng mundong ito tulad ng inaasahan satin ng Dyos. Di ko peg si Kuya Kim na mapagmatiyag at mapagmasid sa kalikasan (until recently)...

...pero alam kong dapat may ginagawa ako...may ginagawa tayo.

Ano kaya, ano, kung ang mundo gumanti?Um-attitude din tulad natin? Papalag ba tayo? Mahangin tayo. Pero wala yan kumpara sa hanging taglay ng bagyo o buhawi. Gusto nating panindigang hot tayo? E pano yan, di magpapatalo ang ozone layer?Astig ba kamo tayo? Yung tipong di natitibag? May laban ba tayo pag ang mundo na ang tumibag/natibag?

Ang napansin ko lang, masyado tayong mayabang. Wala naman tayong maipagmamalaki. Ang classic pa dyan,nakaligtaan nating ang laki ng utang natin sa Kanya, sa hiram na buhay, sa pag-upa sa mundo. Nirerentahan lang natin ang mundong to mga tol! Nagkataong sobrang bait lang ng LandLord natin na pinatira tayo nang libre. Libre lahat! Tubig, pagkain, kuryente (papaverify ko pa sa Meralco kung magkakatotoo)...ano pa bang mahihiling natin? Nasa atin na ang lahat!? Actually ini-spoil nga tayo e. Gustong-gusto naman natin. Tapos simpleng sabi lang ng 'Salamat bro!' nililimos pa Nya.

Ang kapal ng mukha natin.

O tapos sasabihin mo magaling ka kasi nakapagpatayo ka ng mga gusali, ganern!? Bakit sa limang gusaling natayo mo, ilang puno napalaki mo!? Ay naku, wag ako! Iba na lang!

Sa tingin mo ang talino mo na dahil ang taas ng posisyon/ tungkulin/ authority mo, boss ka, executive, mga ganern. I mean, 'talaga lang ha!?' Kung ganun kayo kagaling,katatalino diba dapat nagrereflect sa gawa? Dapat sinuklian natin kahit papano ang LandLord? Pero hindi e. Gusto nyong maging Landlord.Yung ka-level nya. O, so ano, dyos ka? Dyos ka na!? Well, you're different. We're different. Kung yung isa tagalikha, tayo naman taga-sira.

Sa lahat ng nilikha ng Dyos, tayo lang ang higit na binigyan ng kakayahan at kaalaman. Image and likeness nga, diba? Kumbaga, superior tayo! Bangis! But did we do our job well? Sadly...no. We fall short before Him and before everyone else.Gusto kong ihalintulad ang 'mankind' sa mga hayop sa Safari. Sa Safari, yung mga elepante walang pinipiling istasyon -kesyo kapamilya ka pa, kapuso, kapatid, walang iwanan. Walang odd man out. Kung ganun lang siguro tayo, ang saya siguro. Baka natuwa pa ang LandLord.

Siguro, kung di tayo binigyan ng LandLord ng superiority, payapa ang mundo. Walang evil. Haha! Tiwalang-tiwala kasi Sya na porket nakalalamang tayo sa iba e magiging katuwang Nya na tayo sa pag-aalaga ng mga nilikha nya. Well,he got us wrong. So wrong.

All we care is ourselves. 'Dapat mas maganda buhay ko kesa sa kanya!', 'Dapat nakatira ako sa ganito!','Dapat konti lang yung sa kanya na ganito sakin madami!', 'Dapat mas lamang ako sa iba!'

Buwakaw ka e. Buwakaw tayo. Kapal ng mukha. 'lang utang na loob.

Siguro sa susunod na lumikha si LandLord ng makakatuwang, He would not make the same mistake of creating us. That's just me. Pero gaya nga sa kanta ni Lady Gaga,'God makes no mistake.' Oo, tama sya. God makes no mistake. We do.But that doesn't mean we can't do anything about the mistakes we did,we're doing, and what we're about to do.

Siguro simulan natin sa simple. Yung pag-admit natin na nagkulang tayo sa pag-aalaga ng kalikasan, ng likha nya. I-admit natin na naging selfish tayo. I think from that admittance, it will go a long way.

Alam mo kung anong relationship status ko sa facebook? It's complicated. I think ganun din ang status ng mundo. Dagdagan natin. Complicated and Critically-damaged. Wala e. Di mo na mababalik sa dati. Ang gawin na lang natin, i-prevent na lang natin nang di na lumala.

Itatanong mo sakin kung pano i-prevent?Sa paraan na alam mo. Di mo kailangang magpakitang-gilas o kung anong ka-gimmick-an. Alam ng Dyos kung tumutulong ka dahil gusto mo.

Kung sa tingin mo, this will gain social awareness sa mga taong tulad mo, tulad natin na nangungupahan lang sa mundong ito, ibigay mo tong Disconnection Notice. Agapan nating wag maputulan, wag dumilim ang mundo.

p.s.

And really guys, it won't hurt if we become Green-minded. Kailangang-kailangan natin ngayon yan.

Wag ng pabebe.

Collection of EssaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon