Stay

757 9 1
                                        

Sinong panganay? Ako. Sinong panganay na may bunsong kapatid na lalaki? Ako na naman. Sinong may malikot, haliparot, paikot-ikot at parang surot na bunsong kapatid na lalaki? Ako pa rin.

Jerico ang pangalan nya ngunit sa haba ng buhok, sa amo ng mukha, sa haba ng pilikmata, hindi mo aakalaing hindi sya isang Jerica.

Nang dumating sya sa buhay namin, masaya ako. Masaya akong may bagong myembro ng pamilya, may bago akong pagkukunan ng ligaya. Yun yung mga oras na hindi nya pa alam manglukot ng mga notebook, mag vandal sa pader, magsabi ng 'shoot dat bol' at mang disconnect ng broadband.

Bad vibe ako sa kanya. Parati.

Bad vibe ako lalo na't gusto ko ng katahimikan dahil depressed ako sa school habang sya - nagtatatalon at nagsisisigaw. Alam nyo yung bulateng binudburan ng asin? Ganun kalikot.

Bad vibe ako kapag sumisilip sya sa kwarto at nag 'pssst...pssst' tapos pagnilingon ko ay tatakbo. Lakas lang ng trip.

Bad vibe din ako 'pag nagkakaraoke at ramdam kong mas malakas pa boses nya kaysa sa akin. (partida at nakahigh ang volume ng mic). Sya na, diba?

Kung gaano ako kabantog bilang ginagalang kesyo tahimik daw ako at demure, ganon naman ako kinakaya-kaya ni Jerico. Sinong makapagsasabing si Jerico lang pala ang katapat ko? At hindi lang yun! Parehas pa kaming kulang-kulang. Februarians e!

Kelan lang ako nakakaramdam ng kapayapaan sa bahay? Pag tulog na sya. May isang gabi, pagkalabas ko galing banyo, natigilan ako sa paglalakad at pinagmasdan ang natutulog kong kapatid - mahimbing, tahimik, nakangiti.

Muli, naramdaman ko ang saya. Sinulit ko ang mga sandaling iyon dahil alam ko, pagkagising nya't pagkagising ko, iyo't - iyon din ang proseso - pasok sa iskwela, uwi, Jerico, pasok sa iskwela, uwi, Jerico.

Minsan, pinapalo at kinukurot ko sa pwet ang batang yan. Okay...'madalas' talaga ang dapat na word dun if I just learn how to be honest. E ang kulet eh!? Kagaya na lang nung nag-iinternet ako, aba'y nadiskitahan nya siguro yung kulay blue/green na ilaw dun sa broadband at hinila ba naman!? Natyempuhan nyang online test pala yun sa isang subject. After that, naku umalingawngaw ang tunog ng wangwang sa bahay! Umiyak! Iyak na iyak.

At ngayon, ako naman ang umiiyak. Iyak na iyak. Hindi dahil bumagsak ako sa online test, hindi rin dahil nadisconnect na naman ang broadband, kundi dahil ang batang gumagalit sa akin, ngayon ay nasa ospital.

Siguro iyon na ang pinakanakakatakot na pangyayaring nasaksihan ng mata ko - ang makitang nakabaluktot at matigas ang mga paa, kulay violet na mga labi, malamig na katawan at nakatirik na mga mata -- pinanghinaan ako dun.

Natataranta ang mama ko ng mga sandaling iyon. Rinig sa labas, kung saan ako naghihintay may dumating na taxi, ang hiyaw ni mama sa pangalan ng kapatid ko. Wala akong pakialam kahit umuulan man nun. Walang nakakaalam na naghahalo ang luha at ulan sa aking mukha.Higit sa paghahanap ng sasakyan, inaalala ko ang kasalukuyang kondisyon ni Jerico. Biglaan ang pangyayari.

Ayoko syang mamatay! Yun ang nasa isip ko. Ayokong may ibuburol dito sa bahay! Putang ina! Ayoko! Yun ang mga tumatakbo sa isip ko habang nilalagpasan ako ng mga taxing may mga sakay.

Buti na lang nang nakahanap na ako ng taxi, hindi na nakatirik ang mga mata ni Jerico. Ngunit kung kanina'y naninigas sya pag-akyat ko sa taas ay ano namang lambot nya.

Magiging pangalawang bisita ko na sana sa East Ave. kung sumama ako kina mama. Ang pang-una ay yung nanganak sya kay CJ na syang karga-karga ko habang sinusulat ito. Ako kasi nagdala sa kanila nun sa ER.

Umiiyak din si CJ. Siguro alam nya ang nangyari sa kuya.

Itinigil ko kung anuman ang mga ginagawa ko.

Narito ako malapit sa bintana. Sinusulat ko ito habang nagdadasal, umiiyak at umaasa.

Tama ang desisyon kong umabsent dahil sa katunayan, lahat sila'y may mga sakit. Ako lang at ang kapatid kong nasa iskwelahan nila hanggang ngayon ang wala.

Kahit ilang notebook pa lukutin nya,ipapalukot ko yun! Kahit ilang beses nya pa akong pagtripan, so be it. Just don't take him yet. I still need him. He's one of the person that makes me genuinely happy.

Stay with us, Jerico.

Mahal ka ni kuya.

Collection of EssaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon