Alam niyo ba ang pinakamasaklap na example ng irony? Iyong "pinaka-" na, ultimate pa? E di ang pagkamatay ni Jesus para tayo maligtas!?
Maligtas mula sa ating mga kasalanan.
You ask, "Bakit niya kailangan gawin 'yon? Sinabi ko ba? Sinabi ba namin?"
Yes, hindi nga tayo nagsabi sa kanya na iligtas tayo pero siya na nag-prompt; siya na nag-initiate; siya na ang lumalapit sa'tin para tayo'y maligtas.
Aayaw pa?
There He is, willing to owe our sins. E tayo nga 'di ba, madalas, ayaw nating akuin ang kasalanan? Minsan pa nga... no, madalas, isinisisi natin kay God - 'yong ganito, 'yong ganyan, 'yong ganern!
Pero come to think of it, hindi na dapat sinisisi iyan e. Inako na naman niya. Ginagawan niya na tayo ng pabor, hindi naman natin mapahalagahan. Kung minsan pa nga pinag-iisipan natin siya ng tulad nito,
'Nagpapaka-martyr 'tong si Jesus!? Pasikat! Pa-star! Bida-bida na naman!'
Hindi dapat natin pinapakitaan si Jesus ng attitude na ganyan. Ang kailangan niyang makita, at least, ay pagpapakumbaba. Humility, in English.
'Di biro ang hirap ni Jesus, ba 'kala n'yo!? Kung ako nasa kalagayan niya, gagsti! 'Kaw na lang!
At h'wag mong isipin na dahil once upon a time may God na naging human e di siya tinatablan ng sakit - physically and emotionally. Sadyang mahaba lang talaga ang pasensya Niya, malalim naman ang kanyang pang-unawa - mga bagay na wala tayo.
Kaya nga siya naipako/ nagpapako sa krus e!
Ang hindi ko lang talaga matanggap/ maintindihan - why, in spite of the miracles that He has done to the people, must he be denied to?
'Asan na 'yong mga lechugas na napagaling niya, 'yong mga binuhay niya, 'yong mga in-exorcise niya? Bakit hindi nila kayang ipagtanggol si Jesus. 'Asan sila noong si Jesus na nangangailangan ng tulong? Ni 'yong mga disipulo niya nga mismo, ipinagkanulo siya e!?
But of course, we're no saint. Kung ikaw o ako ang nandoon sa panahong 'yon, gugustuhin mo bang mapako sa krus? No, wait. Kaladkarin ang sariling krus at maipako doon dahil lang sa pag-agree sa kanya na siya ang anak ng Diyos? Ang hari ng mga Judio?
Real talk, syempre ayokong magbuhat ng sariling krus, lalo na ang pakuan sa palad at paa! Bakit ko sasabihing hari si Jesus e kung hari na si Cezar? Bakit ko sasabihing hari si Hesus kung wala siya sa palasyo at di nakasuot ng magarbong damit?
Alam niyo ang kulang sa'tin? Kulang tayo sa faith. No, of course, we do have little faith. Only blind.
Hindi tayo sure kung totoo ang kahariang sinasabi niya o di kaya gawa-gawa lang. We've never been there, have we? Para sa atin, to see is to believe. Pero minsan ba, naisip natin na... to believe is to see?
The fact that He is willing to die for being the sinful, forsaker that we are, wouldn't that give you the feel that, "Damn, ginawa niya 'to para sa'min?"
True, that didn't look very kingly. Because he's more than that!? He's a hero. A saviour. But do we see him as that? I bet not. Itinulad natin siya sa mga kapatid nating pulubi. No, actually, worse than that. Kasi ang pulubi, nakikita natin, we just choose to ignore. Pero si Jesus, hindi na nga natin nakikita, ini-ignore pa natin.
Yong feeling ng hindi mahalaga? Inexistent. Gano'n.
Hindi lang ikaw ang biktima ng one-sided love. Pati Siya. Pero gano'n pa man, still He loves us. He makes us feel important. I guess, it's good to be reminded about just that.

BINABASA MO ANG
Collection of Essays
Literatura faktuEssay is a short piece of writing on a particular subject. This is a collection of essay that I'll try to pile up whenever I feel the need. It expresses my inner most thought, opinions and ideas about love, family and life in general.