JARED POV
When I see your smile
Tears run down my face I can't replace
And now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold and it breaks through my soul
And I know I'll find deep inside me I can be the one" I love you.." bulong niya sa tenga ko habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, habang tinuloy ko naman ang susunod na kanta
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven"I love you more.." bulong ko din matapos ko siyang bigyan ng marahan na halik sa noo.
"I love you" Natawa naman ako nang bigla niyang ulitin
"hmpt! lagi mo nalang akong pinagtatawanan!" maktol niya kasabay ng pagtayo at agarang pagtalikod niya sakin. akmang aalis sya kaya naman tinawag ko sya para tumigil pero hindi nya ginawa.
"sandali lang.. please huminto ka" ulit ko. hinihintay kong lingunin niya ako pero wala. Ilang tawag pa ang nagawa ko pero di niya ko binalikan ng tingin man lang.
Hanggang sa hindi ko na maaninag ang mukha niya. Malabo na.
"Hey Jared! wake up!" napamulat ako ng mata kasabay ng malalim na paghinga ng maramdaman ko ang marahang hampas mula sa braso ko. Dun ko namalayang
"panaginip..."
"yeah, nananaginip ka nanaman. Sabi naman kasi sayo inumin mo yung gamot mo! Wag mong kalilimutan. Baka dahil yan doon" sabi niya habang nakanguso ng pagkahaba haba kaya naman natawa ako
"yan! diyan ka magaling ang tawanan ako!" maktol niya kaya naman lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya
"waaaahh!! wag sabi ang buhok ko e!" saka niya to inayos ayos
"hahahaha"
"hmpt! I hate you Ja!" tinalikuran niya ko at akmang lalabas na nung hinabol ko pa ang salitang nakapagpapula ng pisngi niya
"I love you more Madison!hahaha"
"tse!" padabog niyang sinarado ang pinto kaya naman napahagalpak ako ng tawa.
Pero agad din naman akong natahimik ng maalala ko kung bakit ako naghabol ng hininga kani-kanina lang.
Panaginip...
Hindi ko alam kung nangyari ba talaga ang eksenang yun o gawa gawa lang dahil nananaginip ako ng kung ano.
Dalawang taon na, pero hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang alaala ko. Mabuti na nga lang daw at hindi ganun kalala ang impact nang nangyari dahil baka pag nagkataon baka pati sarili ko at ang lahat ay hindi ko maalala or worst hindi ako nakaligtas.
Lalo na si Madison, iniisip ko pa lang na hindi ko ulit sya maaalala katulad nong nangyari ang aksidente . Hindi ko kakayanin.
FLASHBACK
2 Years ago...
Nagising nalang ako na ang nakapalibot sakin ay puros puti, kahit san ko ilibot ang mata ko ay puti ang nakikita ko.
Langit na ba to?
Napahawak naman ako sa ulunan ko na may nakapalibot na benda, ang sakit ng ulo ko.
Nasa hospital ako.
"Jared? Jared! thank God you're awake!" nabigla ako ng may babaeng pumasok at dali daling lumapit sakin para yakapin ako.
"who are you?" takang-taka kung tanong saka dahan dahan kong ini-atras ng dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya at tinignan syang umiiyak?
"hey, don't cry" pagpapatahan ko sa kanya, pero sino ba siya? hindi ko siya kilala.
"Ja, hindi mo ba ko maalala?
Im Madison your girlfriend" sabi nya habang patuloy sya sa pag-iyak"g-girlfriend?" kelan pa ko nagkagirlfriend??
totoo ba? hindi ko alam ang bagay na yun. Wala kong maalala na nagkagirlfriend ako."hmm.. yes Ja, h-hindi mo ba ko m-maalala?" sinabi niya yan sa pagitan ng mga paghikbi niya
Bigla naman bumukas ang pinto at lumabas dun sila Mom kasama si Dad habang nasa likod nila ang Doctor at isang nurse.
Pinaliwanag nila sakin kung anong nangyari, I have Dissociative amnesia, Systematized amnesia to be specific. Sa una hindi ako naniniwala dahil nga nakikilala ko naman sila, pero sadyang may mga case daw na pagtinamaan ka nito ay may part at part sayo na hindi mo maaalala. Its like memory loss of a specific category of information.
Kaya ba hindi ko siya maalala?
Doon ko naintindihan kung bakit umiiyak si Madison kanina na ngayon ay nakaupo sa sofa at pilit tinatahan ang sarili.
' Sorry.'
Then the next thing I knew, I just accept the fact na girlfriend ko nga siya. Hindi dahil sa napilitan ako, kundi para na rin bumalik ang alaala ko para sa kanya.
Baka kasi nasaktan ko sya, kung siya na mismong girlfriend ang nakalimutan ko pa. Nagulat din si Mom at Dad nang malaman nila na si Madison pala ang babaeng madalas kung ikwento sa kanila recently at balak na sanang ipakilala kung hindi lang nangyari ang aksidente. Pero kahit ang pagkukwento ko tungkol kay Madi ay hindi ko maalala.
Pinangako naman niya sakin na tutulungan niya kong maalala ulit ang nakaraan namin at dadagdagan ito ng panibago.
END OF FLASHBACK
Dali dali ko naman tinake ang maintenace med. ko sa side table at uminom ng tubig.
There's a part of me na okay lang kahit hindi ko na maalala ang nawala, dahil kasama ko na siya at naniniwala ko sa sinabi niya.
"kahit na hindi mo man maalala ang nakaraan natin, pwede naman tayong bumuo ng panibago diba?" may punto siya.
But there's a part of me saying that, kailangan kong maalala kung ano man ang nakalimutan ng utak ko. Nakaka-frustrate dahil pakiramdam ko masaya naman na ko. Pero ba't parang may kulang pa rin.
★★★★★★★★
BINABASA MO ANG
My Twisted Story
Teen FictionPano kung magising ka nalang isang araw... Yung taong mahal mo, may mahal ng iba... Susuko ka na lang ba o ipaglalaban mo pa? Hanggang san ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo.